Chapter Three:

16 4 0
                                    


"Valetta Mercedez." Tawag ni Johan kay Valetta nang makita niya ang pagdating ng dalaga.

"Yes?" Tanong ni Valetta habang tuloy lang ito sa paglalakad.

"Pwede ba akong magtanong sa iyo?" Tanong ni Johan.

"Bakit?" 

"Bakit? Hindi ba dapat ano ang tanong mo?"

"Hindi," sagot ni Valetta kaya saglit na natahimik si Johan.

"Valetta, sandali nga muna," aniya at hinawakan sa kamay si Valetta. Napatigil sa paglalakad si Valetta at tiningala si Johan, tinitigan ng dalaga ang mukha ni Johan at unti-unting bumalik ang mga alaala niya noong siya ay lasing. "Gusto ko lang malaman kung kumusta ka na at kung ano ba ang nangyayari sa iyo?" Tanong ni Johan.

Natulala si Valetta ng ilang segundo at isang kamay ang mabilis niyang hinampas sa hangin na nasalo naman ni Johan bago pa ito makadampi sa mukha niya.

"Ikaw." bulong ni Valetta.

"Balak mo ba akong sampalin?" Kunot-noong tanong ni Johan kay Valetta.

"Ikaw ang nagturok sa akin ng karayom?" Tanong ni Valetta at tinaasan ng kilay si Johan. Nagtaka si Johan dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "Dahil sa karayom na iyon muntik na akong mamatay, kaya papatayin kita," banta nito at malakas na binawi ang dalawa niyang kamay kay Johan.

"Ha? Ako? Hindi ako ang nagturok sa iyo ng karayom! IV iyon! IV fluids dahil lasing ka! Niligtas lang kita sa rooftop dahil muntik ka nang mahulog!" Malakas na paliwanag ni Johan habang umaatras palayo kay Valetta upang iwasan ang galit nito.

"Bakit mo ako niligtas?!" Bulyaw ni Valetta at sinugod si Johan.

"Valetta Mercedez, magandang umaga, mukhang maayos ang gising mo a', naubos mo ba iyong binigay ko sa iyong IV fluids? Mabuti na lang at hindi mo tinanggal, pero sana hindi ka muna umalis ng clinic bago mo naubos ang fluids, gusto ko kasi sana malaman kung ano lagay ng dugo mo pagkatapos mong lumagok ng isang bote ng alak, nagtataka tuloy ang Phyician in charge kung saan ko binigay ang IV fluids na iyon," nakangiting paliwanag ni Blain kay Valetta.

Nakahiga si Johan sa sahig, hawak siya ni Valetta sa kwelyo gamit ang isang kamay, habang ang  isang kamay naman ay nakabwelo na para suntukin si Johan, kaso matapos marinig ni Valetta ang paliwanag ni Blain, binitawan nito si Johan at dahan-dahang lumakad palapit kay Blain.

"Papatayin kitaaa...." sabi ni Valetta gamit ang malalim niyang boses.

Napansin ni Johan ang gagawin ni Valetta kaya naman agad itong tumayo at hinagkan si Valetta sa baywang niya para pigilan.

"Nurse! Takbo! Hindi maayos ang gising niya!" Sigaw ni Johan habang pinipigilan si Valetta. Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ni Blain, kaso nahablot na siya ni Valetta.

"Uwaaaaaah!" Sigaw ni Blain na umalingawngaw sa kahabaan ng hallway.

Sinubukang ipaliwanag ni Blain at Johan ang nangyari kay Valetta, kumalma din naman ito pagkatapos nitong bigyan ng mabibigat na hampas sa mukha ang dalawa.

 "Pasensya na, hindi lang kasi ako sanay na may nagtutusok ng karayom sa kamay ko, lalo na gumising ako kanina na walang alam sa nangyari," paumanhin ni Valetta habang nilalagyan ni Blain ng betadine ang mga sugat ni Johan.

"Binigay mo sa akin ang kamay mo kahapon ng walang apela," sabi ni Blain kay Valetta saka ito pinandilatan ng mata. Napayuko si Valetta dahil sa pagsisisi at hindi makatingin sa mata ng dalawa.

Nasa loob ng clinic ang tatlo at ginagamot ang mga sugat na natamo nila kay Valetta.

"Ano bang mayroon kahapon at grabe ka uminom ng alak?" Tanong ni Johan kay Valetta.

Her MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon