Chapter Twenty-Six:

7 4 0
                                    


"Congratulations!" Masayang bati nila Paige, Queenie, at Ophelia sa kaibigan nila na si Valerie habang ito ay nakaupo sa dressing room suot ang kanyang malaking wedding dress.

"Awe! Salamat!" Masayang tugon ni Valerie tapos sinalubong ang mga ito at nagyakapan ang apat.

"Hindi ko akalain na makukuha mo ang lahat sa loob lang ng maikling panahon," sabi ni Queenie habang nakangisi dito.

"Oo nga e," aniya tapos huminga ito ng malalim dahil sa kaba.

"Hindi pa lahat, dahil tatlong buwan pa ang bibilangin natin bago mo makuha ang gangster world," sabi ni Ophelia tapos tinaasan ng kilay si Valerie, ilang sandali nagkatitigan ang apat tapos napalitan ng malalapad na ngiti ang kanilang mga labi.

Napuno ng masigabong pagbati ang paligid, puno ng ngiti at kamayan sa kaliwa't kanan ng hotel. Habang si Valerie ay naghihintay ng oras mag-isa sa dressing room, isang katok ang bumasag sa kanyang katahimikan.

Isang babae na nakamaskara na kulay itim ang pumasok sa loob ng dressing room. Napatigil si Valerie at napakuyom dahil dito.

"Sino ka?" Nanginginig na tanong ni Valerie dito.

Hindi sumagot ang babae, nakatayo lang ito habang ang isang kamay ay nasa likod niya. Nakasuit na kulay itim at maskara na katulad ng kay Darkness ang suot nito. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa dalawa, saka nito dahan-dahan na ginalaw ang kamay niya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ulit ni Valerie tapos napahugot ito ng baril mula sa likod ng upuan niya at mabilis na tinutok ang baril sa babae.

Hindi tumigil ang babae at nilabas mula sa kanyang likod ang isang box na halatang isang wedding gift. Napasinghap ito at nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin sa baril na nakatutok sakanya.

"Regalo po," sambit nito sa loob ng maskara at halata sa boses niya ang hinhin ng pagkatao niya. Kunot-noong tinitigan ito ni Valerie tapos mabilis na lumakad palapit dito para hablutin ang maskara niya, napigtas ang tali nito at nakita ni Valerie ang mukha ng isang babae na hindi niya kilala.

Nanlalaki ang mga mata ni Valerie tapos napabuntong-hininga ito at saka ibinaba ang baril niya, dahil sa sobrang kaba dinig sa tainga ang tibok ng kanyang puso.

"Akala ko ba hindi dito ilalagay ang mga wedding gifts?" Tanong ni Valerie tapos nanlumo sa kanyang upuan.

"Pasensya na po kung nagulat kayo dahil sa akin, pero sinabihan po kasi ako na mahalaga daw po ang regalong ito kaya kailangan ko daw po idiretso sa inyo," paliwanag nito tapos inilahad kay Valerie ang regalo.

Huminga ng malalim si Valerie at tinanggap ang regalo. "Salamat, pasensya na,"

"Wala po iyon," aniya at akmang lalakad na paalis.

"Sandali," pigil ni Valerie dito kaya napatigil ito sa paghakbang at humarap pabalik kay Valerie.

"Ano po iyon?"

"Hindi ko alam na nakamaskara ang mga waiters," 

"Ah. Utos po ni Mr. Mercedez,"

"Para magkaroon ng pagkakaiba sa servers at sa guests?"

"Opo, dahil po sa uniforms namin ngayon,"

Napatango si Valerie tapos yumuko sa box na nasa kamay niya. "Sino ang nagbigay ng regalong ito?" 

"Hindi niya po sinabi kung sino siya, pero ang sinabi niya po sa akin may card daw po sa loob," sagot nito.

"Sige, pwede ka nang umalis," aniya kaya umalis na ang babae.

Her MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon