Chapter Thirteen:

6 4 0
                                    


Sa sumunod na araw, habang tahimik na kumakain si Valetta sa kanyang kusina, isang tunog na nagmumula sa pinto ang kanyang narinig at agad na napakunot ang kanyang noo. Tumayo ito at lumakad papunta sa pinto at agad na binuksan ito.

"Ah!" Daing ni Johan at napahawak sa kamay niya.

"Ikaw," sambit ni Valetta tapos napatingin sa doorknob kung saan may isang susi ang nakapasok dito. "Anong ginagawa mo?" Tanong ni Valetta saka tinanggal sa doorknob ang susi.

"Huwag mo sana masamain ang sa tingin mong nangyayari..." simula ni Johan kaya napatingin sakanya si Valetta, napalunok si Johan at humingang malalim. "Kinakabahan ako sa tingin mo, pero para sa kaalaman mo, binigay iyan sa akin ni Papa, sabi niya susi daw iyan ng bahay mo, pero mukhang hindi iyan gumagana sa pinto mo?" paliwanag ni Johan habang hawak ang kanyang kamay.

"Papa?"

"O-Oo, sabi niya Papa na lang daw ang tawag ko sakanya kasi ipinagkasundo naman na daw tayo,"

"Hmm. Hindi ito ang susi sa bahay ko," tugon ni Valetta at hinagis pabalik kay Johan ang susi. Hindi ito sinalo ni Johan dahil natulala na ito kaya nahulog ang susi sa sahig. "Ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit ka nandito,"

Umiling si Johan at humakbang papasok sa loob ng pintuan ng bahay ni Valetta. Nagkalapit ang dalawa kaya tinaas ni Valetta ang tingin para magtagpo ang kanilang mga mata.

"A-Ang sabi ni P-Papa, pwede na tayong tumira sa iisang bubong," sagot nito at akmang hahawakan si Valetta sa kanyang baywang, kaso tinabig ito ni Valetta habang nakatitig sa mata ni Johan.

"Sige," tugon nito tapos lumakad pabalik sa lamesa. Napatango naman si Johan at kasabay nito ang pagkadismaya at ang pagtigil ng kanyang mundo nang makita ang lagay ng loob ng bahay ni Valetta.

"Hmm." aniya habang iniikot ang tingin sa loob ng apartment.

"Bakit dismayado ka?" Tanong ni Valetta habang may ngisi sa labi niya. "Hindi pa ako nakakapaglinis simula noong first day of school, kasi masyado akong abala sa maraming bagay dahil sa inyo," dugtong nito habang bitbit ang kanyang bag para sa school.

"Hindi, hindi. Natigilan lang ako kasi akala ko kaya mo mabuhay mag-isa ng walang asawa na tulad ko," tugon ni Johan kaya nabura ang ngisi sa labi ni Valetta.

"Buhay pa naman ako kahit buong buhay ko wala ka,"

"Alam ko, kaya nga nagpapasalamat ako na nandito na ako ngayon, sa buhay mo," sabi ni Johan habang may marahan na ngiti sa labi niya. Tinitigan niya sa mata si Valetta, humawak sa batok nito at hinalikan siya sa ulo.

Natigilan si Valetta sa ginawa ng binata at saglit na nakaramdam ng kakaibang kaba mula sa kanyang dibdib. Napakuyom ito ng kamao at kinunot niya ang kanyang noo saka tinaboy si Johan palayo sakanya.

"Tsk! Lumayo ka nga sa akin!" Sigaw ni Valetta sabay atras. Natawa lang naman si Johan kaya lumakad na palabas si Valetta. "Ikaw na bahala kung saan mo itatambak ang mga damit mo," sambit ni Valetta tapos tuluyan nang umalis.

Malalim na napabuntong-hininga si Johan habang nakapameywang. Inikot niya ang tingin sa lahat ng kalat sa sahig at hindi nito mapigilang hindi mapailing. Habang iniikot ang tingin, napansin niya ang isang litrato na nakadikit sa dingding. Hindi matukoy kung sino ito dahil sa dami ng sira nito, pero halata sa lagay ng litrato ang galit na nararamdaman ni Valetta dito.

"Sino naman kaya ang kagalit ni Valetta?" Tanong ni Johan sa sarili at nagsimulang sipain ang mga kalat para makagawa ito ng sariling daan papunta sa loob. "Kinaya niya tumira sa isang studio type na apartment? Parang mas malaki pa ang banyo ko sa kwarto na ito," bulong ni Johan habang maingat na pinapasok ang mga gamit niya papunta sa tabi ng kama ni Valetta.

Her MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon