Chapter Twenty-Two:

6 4 0
                                    


Isang gabi kung saan nagmamaneho si Izmael, isang tawag ang kanyang natanggap. Agad niyang sinagot ito at halata sa kanyang labi ang saya dahil sa hindi mapigilang ngiti nito.

"Hello my Darkness," bati nito habang nagmamaneho. Pero ang tugon na kanyang natanggap ay hindi niya inaasahan.

[Hoy! Sino kayo?! Anong ginagawa niyo?! ...Tara na! ... Bakit hindi na lang natin siya sinagasaan? Hindi ba mas madali iyon?... Kung mamamatay ka ngayon, hindi mo ba gugustuhing malaman kung ako ang papatay sa iyo?]

Inapakan ni Izmael ang preno ng kanyang sasakyan at taimtim na nakinig sa tawag. Nanatili siya sa gitna ng klasada habang nakapikit ang kanyang mga mata. Ilang sandali pa, putok na ng baril ang kanyang narinig, kaya agad niyang binuksan ang pinto ng kotse niya at tumingala sa langit.

Isang mahinang tunog ang dumaan sa hangin na narinig ni Izmael. Bumalik siya sa loob ng kotse at agad na nagmaneho papunta sa lugar kung saan nagmula ang tunog.

[Ano na ang gagawin natin? ...Hayaan na lang natin siya dyan, mamamatay na din naman siya... Oo at kailangan na natin umalis dito bago may makakita sa atin, at kailangan natin habulin si Valerie baka mahabol siya ni Johan. ..] sabi ng tatlong boses kaya napakuyom si Izmael at hininto nito ang kanyang kotse sa harap ng isang bakanteng lote.

Ilang yabag ang rinig na umalis mula sa lugar, kaya pumasok ng walang takot si Izmael at agad na kinuha si Valetta sa upuan. Pinasok ni Izmael si Valetta sa kanyang kotse, pintay niya ang tawag nilang dalawa saka ito nagsimulang magmaneho.

Habang nasa byahe hindi alam ni Izmael kung saan dadalhin ang dalaga, hanggang sa isang tawag na nagmumula sa telepono ni Valetta ang kanyang natanggap. Sinagot ito ni Izmael kahit wala siyang alam kung sino ito.

[May narinig ako na putok ng baril. Sino pinatay mo sa East Alley?  Nasa school ako pero rinig dito ang galit mo,] bati ni Blain kaya saglit na napakunot-noo si Izmael.

"Si Izmael ito," 

[Izmael Guevarra?]

"Oo,"

[Anong nangyari?]

"Dadalhin ko siya sa iyo," sagot ni Izmael at agad na pinaharurot ang sasakyan papunta sa school.

Sinalubong sila ni Blain ng nakapameywang, binuhat ni Izmael si Valetta palabas ng sasakyan at pinakita kay Blain.

"Buhay ka pa?" Tanong ni Blain habang nakayuko kay Valetta.

"Matutulungan mo ba siya?" Tanong ni Izmael.

"Gusto mo bang tulungan ko siya?" Tanong ni Blain na may halong biro.

"Mamamatay na siya,"

Tumango si Blain bilang pagsang-ayon. "Oo, kung hindi natin gagawin ang lahat ng kaya natin para sakanya,"

"Ano ba?!" Bulyaw ni Izmael dito.

Napailing si Blain at tinitigan sa mata si Izmael. "Kung sino man ang gumawa nito sakanya, gusto nila siyang mamatay," sambit nito tapos lumakad na sila papunta sa kanyang clinic.

"Narinig ko si Valerie," bulong ni Izmael.

"Shh. Huwag kang maingay, wala kang alam sa nangyari, kaya sa ngayon gawin na muna natin ang lahat ng kaya natin para iligtas siya," saway ni Blain habang hinihiga nila si Valetta sa kama.

At sa gabing iyon, kahit papaano, sa loob ng isang clinic, isang imposibleng operasyon ang kanilang ginawa at sa kabutihang palad, ito ay naging matagumpay sa pagpapanatili ng buhay ni Valetta.

Her MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon