Chapter Sixteen:

7 4 0
                                    


Hindi maalis ni Valetta ang tingin sa mga mata ni Izmael. Kita sa mga mata niya ang gulat, dinig sa kanyang tainga ang kaba, at ang kanyang kamay ay hindi mapakali, dahil tila hindi nito alam kung saan sila dapat na ilagay. 

"A-Ah," sambit ni Valetta at nilagay sa kanyang likod ang kamay, kaso dahil sa ginawa niya, napansin niya na hangin na ang hawak niya. Akmang lilingon ito sa likod, kaso pinigilan siya ni Izmael. Hinawakan ni Izmael sa panga si Valetta at ibinalik ang pansin nito sakanya.

"Huwag kang tumingin sa baba," bulong ni Izmael sa dalaga. "Ligtas ka sa akin, hindi kita bibitawan," aniya sabay binitawan ang mukha ni Valetta para ilipat sa katawan nito ang kamay niya.

"O-Okay," sambit ni Valetta tapos binaba ang tingin. Napansin niya na nakapulupot ang kanyang mga hita sa katawan ng binata, nanlaki ang mga mata nito, unti-unti, dahan-dahan, niluluwagan niya ang kapit niya kay Izmael. Marahan na napangiti si Izmael habang pinapanood ang dalaga.

"Nandito na sila," bulong ni Kyle Hernando kay Izmael. 

Napasinghap si Valetta dahil sa kaba kaya binaba niya ang kanyang mukha at binaon sa balikat ni Izmael.

"Kayo na bahala," tugon ni Izmael sa kanyang mga kaibigan. Tumango naman si Kyle bilang tugon saka lumakad para salubungin sila Johan at Francisco.

"Valetta!" sabay na sigaw ng dalawa nang makarating sila sa rooftop. Agad na napatigil ang dalawa nang makita ang maraming lalaki na nakatayo at tila nakaabang sa kanilang pagdating.

"Sino kayo?" Tanong ni Johan sa mga ito.

"Johan Villafuerte at Francisco Xiao," sambit ni Maxwell Ignacio habang lumalakad. Huminto ito sa tabi ni Kyle at nakangising hinarap ang dalawa.

"Anong ginagawa ninyo dito?" Tanong ni Johan sa dalawa.

"Wala naman, napadaan lang," sagot ni Kyle.

"Kasama ang rank one, two, three, at four?" Tanong ni Francisco.

"Paano ba namin sasabihin ito?" Tanong ni Maxwell at napameywang. "Magkakalaban kami, pero pamilya ang turing namin sa isa't isa," 

"Bakit hindi niyo na lang sinama ang buong district five?" Tanong ni Francisco.

Napangisi si Kyle at natawa. "Balak talaga namin, kaso kasi sinong matitira sa tahanan namin kung lahat kami aalis," sagot nito.

"Kayo? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong naman ni Maxwell sa dalawa kaya natauhan ang mga ito saka nagkatinginan.

"May hinahanap kami," sagot ni Johan tapos inikot ang tingin sa paligid.

"May babae bang napadpad dito?" Tanong ni Francisco saka nito napansin ang dalawang tao na magkayakap sa sulok ng rooftop. "Izmael! Ikaw ba iyan?" Tanong ni Francisco.

Nagkatinginan si Kyle at Maxwell, akmang lalakad si Francisco at lalapit, kaso pinigilan siya nila Kyle.

"Hanggang dyan ka na lang, Francisco," sabi ni Maxwell dito habang hawak siya sa braso.

"Izmael!" sigaw ulit ni Francisco.

"Oo, ako nga," sagot ni Izmael habang hinahagod ang buhok ni Valetta. Nilingon ni Izmael sila Francisco at Johan. "Pasensya na kung hindi ko kayo maharap, may problema lang ako na inaayos," sagot nito.

"Walang babae na napadaan dito." sagot ni Kyle tapos tinulak si Francisco palayo.

Napakuyom si Francisco ng kamao at masamang tinitigan si Kyle. "Bumalik na kayo kung saang district man kayo nanggaling, may nagmamay-ari na ng gangster world dito," sambit ni Francisco sakanila.

Her MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon