"Johan, tumigil ka sa kinatatayuan mo, kung hindi ipuputok ko itong baril sa ulo niya," banta ni Chloe habang nanginginig ang kamay nito hawak ang baril na nakatutok sa ulo ni Valetta.
"Chloe Domingo, tama na, hindi mo alam kung ano ang pwedeng mangyari sa iyo oras na pumatay ka ng inosente,"
"Hindi siya inosente! Marami siyang kasalanan sa akin! Gumaganti lang ako,"
"Chloe, pakiusap, ibaba mo na iyang baril at makinig ka sa akin," pakiusap ni Johan at dahan-dahang lumakad palapit kay Chloe.
"Hindi!" Sigaw ni Chloe at tinutok ang baril kay Johan, napatigil sa paglalakad si Johan at itinaas nito ang dalawa niyang kamay. "Ikaw ang makinig sa akin, Johan, dahil kasalanan mo kaya ko ginagawa ito, ikaw ang dahilan, ikaw at si Francisco, dahil pinagtutulungan niyo kami," paliwanag ni Chloe habang tuloy ang tulo ng luha mula sa kanyang mga mata.
"Alam ko, naiintindihan ko, marami kang pinagdadaanan ngayon, alam ko kung gaano kahirap, pero walang magagawa ang pagpatay mo kay Valetta, tingnan mo siya," sabi ni Johan at pareho silang napatingin sa lagay ni Valetta na hindi na din masabi kung buhay pa siya. Dahil sa itsura ni Valetta napaiwas din agad ng tingin si Johan at nakaramdam ng matinding awa, binalik niya ang tingin kay Chloe na nakalingo pa din kay Valetta.
Akmang lalakad na ito palapit kay Chloe, kaso naunahan siya ni Francisco, napansin ni Chloe ang pagdating ni Francisco kaya agad nito itinutok ang kanyang baril kay Francisco at binaril ito. Iniwasan ni Francisco ang bala na parang wala lang ito sakanya, kaya nang makalapit siya kay Chloe agad niyang inagaw ang baril at hinampas ng malakas sa leeg, dahil dito nawalan ng malay si Chloe at sinalo siya ni Francisco.
"Ang bagal mo," sambit ni Francisco sabay lingon kay Johan na nakatayo lang sa tabi.
"Muntik mo nang mapatay si Valetta dahil sa ginawa mo," tugon ni Johan at nilapitan si Valetta para kalagan.
"Anong ginagawa niyo sa mga tulad niya dito?" Tanong ni Francisco at marahan na nilapag si Chloe sa sahig.
Napabuntong-hininga si Johan at saglit na sinulyapan si Chloe. "Pinapatapon sila sa lugar na hindi ko pa napuntahan,"
"Kung ganoon, kailangan lang siya ireport?" Tanong ni Francisco.
"Iwan mo na lang siya dyan," sagot ni Dave nang sila ay makarating sa silid.
"Narinig namin ang putok ng baril," sabi ni Tyson.
"Ilolock na lang namin siya dito hanggang sa humingi siya ng tawad," sabi naman ni Arthur.
"Bakit?" Tanong ni Francisco.
"Kasi lahat ng gangster na pinatapon, hindi na bumalik kahit kailan," sagot ni Johan at binuhat na si Valetta mula sa upuan.
Dinala nila si Valetta sa clinic, habang si Chloe naman ay isinarado nila sa loob ng bakanteng silid.
"Anong nangyari sakanya?" Tanong ni Blain kay Johan habang inaayos si Valetta sa kama.
"Si Chloe," sagot ni Johan.
"Nahuli niya kayo?" Tanong ni Blain kaya napatigil si Johan at tinitigan ng masama si Blain.
"Ano bang sinasabi mo?" Kunot-noong tanong ni Johan kay Blain.
"Ay wala," tugon ni Blain at umiwas na lang ng tingin.
"Mapagkakatiwalaan mo ba siya?" Tanong ni Francisco kay Johan. Napasulyap si Johan kay Blain na napakunot-noo sa tanong ni Francisco.
"Nurse lang si Blain, hindi mo kailangan mag-alala," tugon ni Johan.
BINABASA MO ANG
Her Mysteries
ActionKilala si Valetta Mercedez sa kanyang pangalan at ganda, ang kanyang pagkatao ay tila palaisipan. Si Valetta Mercedez ay nababalot ng maraming sikreto, sikreto na unti-unting mabubunyag sa pagdaan ng panahon, para sa kanyang layunin, at sa kanyang p...