Kinabukasan, maagang pumasok si Valetta sa school at pumunta ito sa kwarto kung saan nakakulong si Chloe.
"Magaling na lahat ng sugat mo a'," sabi ni Chloe habang ito ay nakaupo sa loob ng kwarto.
"Mukhang hindi ka naman nila pinagugutuman kahit kinulong ka nila dito," sambit ni Valetta habang nakaupo din sa harap ni Chloe. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid nila, hanggang sa naglabas bigla si Valetta ng isang plastic ng pandesal at nilusot sa gate ng kwarto. "Isang linggo ka na din nilang hindi pinapalabas dito,"
"Paborito ko ang pandesal na may peanut butter," buntong-hininga ni Chloe habang nakayuko.
"Sa susunod," sambit ni Valetta, binuksan naman ni Chloe ang plastic at kumuha ng isa. Habang kumakain si Chloe, luha ang namumuo sa kanyang mga mata. "Tubig," sambit ni Valetta at naglusot din ng tubig sa tabi ng pandesal. Dahil doon, nagsimula si Chloe na humagulgol at umiyak sa harap ni Valetta. "Nagising na daw si Hemlock sa hospital, mabuti na ang lagay niya at pwede na siyang pumasok bukas," balita ni Valetta kaya napatigil si Chloe sa pagkain at napatingin kay Valetta.
"Salamat," sambit ni Chloe kahit maraming laman ang kanyang bunganga.
Umiling si Valetta at nagbuntong-hininga. "Pagkatapos mo dyan, puntahan mo siya, sigurado ako nandoon na din ang iba mong mga kaibigan," sabi ni Valetta at tumayo na.
Napakunot-noo si Chloe dahil sa pagtataka sa sinabi ni Valetta, saka ito napatingin sa padlock ng gate, tapos binalik nito ang tingin kay Valetta. Natawa si Valetta saka ito nagbato ng isang susi sa harap ni Chloe. Napatigil at natulala lang naman si Chloe sa susi.
"Sobra na ang isang linggong parusa para sa iyo," sambit ni Valetta tapos lumakad na paalis.
Habang naglalakad si Valetta sa hallway, napahinto ito nang makita si Francisco at si Johan na nag-aabang sa harap ng kanyang unang klase. Akmang tatalikod na ito at lalakad na palayo, kaso. ..
"Valettaaaaaa!" Hiyaw ng isang babae na umalingaw-ngaw sa kahabaan ng hallway. Napalingon si Francisco, Johan, at Valetta dito.
"Lilian Yugo?" Tanong ni Johan nang makilala nito ang babae.
"Yung kagang ni Darkness?" Tanong ni Francisco tapos lumingon sa likod kung saan nakatayo si Valetta. "Nako! Hindi ligtas si Valetta dito, kailangan ko siyang protektahan!" Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Francisco at tumakbo palapit kay Valetta, kaso sa hindi maipaliwanag na dahilan, naunahan siya ni Lilian na mahawakan si Valetta, si Lilian naman ay tinabig sa tabi si Francisco kaya napasandal ito sa pader.
"Valetta!" Sigaw ni Johan at kinuyom ang kanyang mga kamao. "Utos ba ito ni Darkness? Papatayin na ba nila ngayon si Valetta? Sa harap ko?" Sunod-sunod na tanong ni Johan sa sarili at akmang susugurin na si Lilian, kaso. ..
"Kanina ka pa namin hinahanap," sabi ni Lilian habang yakap-yakap si Valetta. Napahinto sa kinatatayuan nila si Francisco at Johan, nagtataka sa nangyayari, kaya nang mapatingin sila sa isa't isa, agad nilang inayos ang kanilang mga sarili.
"*clear throats* Lilian," tawag ni Johan kaya napahinto si Lilian at nilingon si Johan.
Tinitigan ni Lilian ang binata mula ulo hanggang paa habang ang kilay nito ay nakataas. "Anong problema mo, Johan Villafuerte?" Tanong ni Lilian tapos binalik ang tingin kay Valetta, akmang sasagot na si Johan, kaso. .."Sobrang saya ko, hindi ko akalain na makikita kita dito, at hindi ko alam na ganito pa tayo magkakatagpo," sabi ni Lilian kay Valetta.
"Hoy." Sambit ni Johan saka tinaas nito ang kanyang kamao. Pero hindi pa din siya pinansin ng dalawa, kaya nanlumo na lang ito sa kinatatayuan niya.
Habang si Valetta naman ay hindi makapaniwala sa ugali na pinapakita ni Lilian, hindi niya alam kung paano siya tutugon sa lahat ng sinabi nito at kung paano siya aarte sa harap ng lahat.
BINABASA MO ANG
Her Mysteries
ActionKilala si Valetta Mercedez sa kanyang pangalan at ganda, ang kanyang pagkatao ay tila palaisipan. Si Valetta Mercedez ay nababalot ng maraming sikreto, sikreto na unti-unting mabubunyag sa pagdaan ng panahon, para sa kanyang layunin, at sa kanyang p...