"Paano mo nalaman na lason ang ginamit nila?" Tanong ni Arthur kay Johan habang sabay-sabay itong naglalakad papunta sa cafeteria.
Ilang araw na ang nakalipas noong natapos ang laban nila sa gangster world, at ngayon lahat sila ay kababalik pa lang sa klase dahil sa ilang araw na pahinga.
"Sinigaw daw ni Darkness bago niya tinalo sila Valerie," sagot ni Johan. "Nakakainis na hindi manlang niya nagawang sabihin sa atin," dagdag nito saka sila sabay-sabay na napatigil nang makita ang isang pamilyar na babae kasama si Valetta.
"Si Valerie ba iyon?" Tanong ni Tyson habang nakaturo kay Valerie na nakaupo sa tapat ni Valetta.
Magkaharap ang dalawa, walang salita na lumalabas sa kanilang mga bibig, nakacross arms si Valerie habang pinagmamasdan ang bawat galaw ni Valetta, habang si Valetta naman ay hindi pinapansin ang tao sa harap niya at tuloy lang ito sa pag-kain.
"Alam ko na wala kang alam kung sino ako," sabi ni Valerie kay Valetta. Hindi ito pinansin ni Valetta kaya napangisi siya at yumukod palapit kay Valetta. "Kumusta na siya?" Tanong nito.
Napatigil si Valetta sa ginagawa niya at masamang tinitigan si Valerie. Naramdaman ng grupo ni Johan ang lamig ng titig ni Valetta kaya napabalikwas sila at agad na tumalikod.
"Bigla ako nilamig," bulong ni Arthur.
"Okay lang ba na iwan silang dalawa?" Tanong ni Dave kay Johan.
"Alam mo? Gutom na ako," sagot ni Johan.
"Tama. Bumili na muna tayo ng pagkain tapos humanap na tayo ng upuan," sang-ayon ni Tyson habang binibigyan ng makahulugang tingin ang mga kaibigan niya.
Napatango lang naman silang apat bilang tugon ng pagsang-ayon, saka sila sabay-sabay na lumakad paalis.
"Mas matanda ako sa iyo ng ilang buwan, kaya pwede bang huwag mo ako titigan ng ganyan?" Tanong ni Valerie kay Valetta. Napangisi si Valetta at tinaas nito ang tingin.
"Valerie Formento," sambit ni Valetta sa pangalan nito.
"Hmm. Alam mo kung sino ako?" Tanong ni Valerie. "Valetta Mercedez?"
"Hindi, pero alam ko kung ano ang lugar mo sa pamilya ko," sagot ni Valetta tapos binaba ang kanyang tingin sa pagkain. "Labas na anak," dugtong nito tapos tinusok ng tinidor ang mata ng isda na nasa plato niya.
Kinagat ni Valerie ang labi niya at kinuyom ang kanyang kamay dahil sa inis sa sinabi ni Valetta. Tumayo ito sa upuan nito at hinampas ang lamesa.
"Ako ang nauna sa iyo," mahinang sabi ni Valerie.
"Pero ako ang Mercedez sa ating dalawa," sambit ni Valetta saka tinaas ang tingin kay Valerie.
"Mang-aagaw ang nanay mo,"
"Mamamatay tao ang nanay mo,"
"Pero iniwan ka ng nanay mo. Ni hindi mo alam kung sino ang babaeng nagluwal sa iyo, dumating ka na lang sa buhay ni Papa, tapos iniwan niya kami,"
"Hindi niya ako iniwan,"
Natawa si Valerie sa tugon ni Valetta. "Kung hindi ka niya iniwan, nasaan na siya ngayon? Bakit nakakapit ka pa din sa tatay ko? Umalis ka na lang din at ako na ang bahala sa pwesto na iiwan mo,"
"Maniwala ka, hindi ko din gustong maging anak niya," sambit ni Valetta. "At sigurado ako na hindi ka din niya gustong maging anak," dugtong ni Valetta.
"Anong sabi mo?" Tanong ni Valerie at akmang sasampalin si Valetta kaso napigilan ni Johan ang kamay nito.
"May mga patakaran na binigay ang gangster world sa lahat ng gangster, at isa na dun ang bawal manakit ng inosente," sambit ni Johan habang mahigpit na hawak ang kamay ni Valerie.
BINABASA MO ANG
Her Mysteries
ActionKilala si Valetta Mercedez sa kanyang pangalan at ganda, ang kanyang pagkatao ay tila palaisipan. Si Valetta Mercedez ay nababalot ng maraming sikreto, sikreto na unti-unting mabubunyag sa pagdaan ng panahon, para sa kanyang layunin, at sa kanyang p...