Napukaw ang atensyon ni Johan nang marinig ang maraming putok ng baril. Kahit hingal at pagod sa kakahabol sa sasakyan na dumakip kay Valetta, tumakbo pa rin ito ng mabilis papunta sa pinagmulan ng tunog.Kuyom na nanginginig sa diin at matang nanlilisik sa galit. Naabutan ni Johan ang isang babaeng nakamaskara, hawak ang isang baril na nakatutok sa dibdib ni Valetta.
Habang si Valetta ay patuloy ang pagdugo at walang malay na nakatali sa isang upuan.
Napangisi si Darkness habang tinititigan ang pighati sa mukha ni Johan, walang kahit na anong salita, siya ay tumakbo paalis upang tumakas.
Habang si Johan ay nanatiling nakatayo, natulala sa itsura ni Valetta na pangalawang beses na niyang nakita. Dinig sa kanyang tainga ang mga malalalim niyang paghinga, nanlalabo ang paningin sa luhang namumuo, umiling siya at kinuyom ang mga kamao, at saka siya tumakbo ng pabilis para habulin ang taong may gawa nito sa taong mahal niya.
Ganti, ganti ang nasa isip ni Johan. Iyon lang ang layunin niya sa mga oras na iyon. Tumakbo siya ng tumakbo, hindi siya tumigil hanggang sa makasalubong niya ang mga kaibigan niya na sapilitan siyang pinigilan sa pagtakbo.
"Bitawan niyo ako! Kailangan ko siyang habulin!" Sigaw nito habang nagpupumiglas sa hawak ng kanyang mga kaibigan.
"Johan," sambit ni Dave habang nakakapit sa katawan ni Johan.
"Kumalma ka," sabi ni Tyson habang nakahawak sa dibdib ng kaibigan.
"Hinga, Johan, hinga," sabi naman ni Arthur.
Ginawa ng tatlo ang kanilang kayang gawin para pakalmahin ang kanilang kaibigan.
"*pant!* Si *pant!* Si Darkness, *pant!* pinatay niya si- *pant!*" Sabi ni Johan pero hindi niya maituloy at napahagulgol na sa bisig ng kanyang mga kaibigan.
Nanlumo si Johan at napaupo sa sahig.
"Nasaan siya?" Tanong ni Dave.
"East Alley, sa isang bakanteng lote," buntong-hininga ni Johan at pinunasan ang kanyang mata gamit ang kanyang palad. "Bakit niyo ako pinigilan? Maabutan ko na si Darkness," tanong nito tapos tiningala ang mga kaibigan niya.
Ilang sandali napahinto ang tatlo. "Johan, wala kang hinahabol, walang tao, walang Darkness, at kung hindi mo napapansin, umaga na," paliwanag ni Dave kaya nabura ang emosyon sa mukha ni Johan at inikot nito ang tingin sa paligid. Nakasilip na ang araw at maliwanag na ang buong lugar.
"Iniwan ko si Valetta," bulong nito tapos tumayo na.
"Pupuntahan natin siya," tugon ni Tyson at inakay nila si Johan paalis.
Dinala nila si Johan sa condo nito at pinahiga sa kama, dahil sa sobrang pagod sa pagtakbo ng ilang oras, agad na bumagsak ang katawan ni Johan at mahimbing na itong nakatulog.
Nagkatitigan ang tatlo at kita sa kanilang mga mata ang pag-aalala sa kanilang kaibigan, hindi alam ang gagawin. Lumakad palabas ng kwarto ang tatlo at sabay-sabay silang napabuntong-hininga.
"Ano bang nangyayari?" Tanong ni Arthur.
"Anong gagawin natin?" Tanong ni Tyson.
"Bakit hindi muna natin puntahan si Valetta?" Tanong ni Dave sa dalawa. Napatango lang naman ang dalawa at sabay-sabay na silang umalis para puntahan si Valetta.
Anim na oras na ang nakalipas noong nakatanggap ng isang balita sila Dave. Sa kanilang telepono, isang tawag ang bumasag ng gabi, maraming tainga ang pumitik dahil sa tunog ng putok ng baril.
[May narinig akong putok ng baril, at nakita ko si Johan na tumatakbo,]
"Anong sinasabi mo, Chloe?"
BINABASA MO ANG
Her Mysteries
ActionKilala si Valetta Mercedez sa kanyang pangalan at ganda, ang kanyang pagkatao ay tila palaisipan. Si Valetta Mercedez ay nababalot ng maraming sikreto, sikreto na unti-unting mabubunyag sa pagdaan ng panahon, para sa kanyang layunin, at sa kanyang p...