Chapter Twenty-One:

6 4 0
                                    


"Paano mapapatay ni Darkness ang sarili niya?" Tanong ni Lilian saka ito umupo sa sofa ng kanilang kwarto sa loob ng gangster world.

"Hinaan mo ang boses mo, baka may makarinig sa iyo," saway ni William habang minamasahe ang kanyang noo. 

"Sa tingin ko walang maniniwala sa akin kahit marinig pa nila ang totoo," tugon ni Lilian tapos sumandal sa kakambal niya, inakbayan naman siya ni William at dinantay ang ulo sa ulo niya.

"Nakakabaliw kung iisipin," sambit ni Elijah tapos umupo sa tabi ni Lilian.

"Ano ba sa tingin niyo ang nangyayari?" Tanong ni William sa dalawa.

"Sa tingin ko framed ang lahat," sagot ni Elijah kaya napayukod si Lilian at tinitigan si Elijah.

"O hindi si Valetta si Darkness," sagot naman ni Lilian kaya napakunot-noo si Elijah.

"Ngayon ka pa mawawalan ng tiwala sakanya?" Tanong ni Elijah.

"Hindi sa wala akong tiwala sakanya,"

"Ano pala?" Tanong ni William.

"Wala tayong alam sa totoo kasi wala siya dito para sagutin ang mga tanong natin,"

Huminga ng malalim si Elijah at tinitigan si Lilian. "Kung pinatay nga ni Darkness si Valetta, hindi masasagot ni Valetta ang mga tanong natin, ayun ay kung si Valetta at Darkness ay hindi isa. Pero kung pinatay si Valetta ng isang taong nagpapanggap na Darkness, hindi talaga masasagot ang mga tanong natin dahil nawawala si Valetta ngayon," mabilis na paliwanag ni Elijah.

Napatango ang dalawa bilang pagsang-ayon. "Kaso ngayong pare-pareho tayong walang alam, at hindi natin alam kung sino sa inyong dalawa ang tamang hinala," sambit ni William, kaya sabay-sabay silang napabuntong-hininga.

Ilang sandali natulala ang tatlo sa kawalan, mayamaya isang katok ang bumasag ng kanilang katahimikan.

"Ako na," sabi ni Elijah tapos pinagbuksan ang taong kumakatok. "Anong maipaglilingkod namin sa iyo, Nickolai Jacinto?" Tanong ni Elijah.

"Natanggap ko ang balita," sambit nito. Napatango lang naman si Elijah at nagbigay daan kay Nickolai upang ito ay makapasok.

"Magkakaroon ba ng malaking pagbabago dahil sa nangyari?" Tanong ni Lilian saka sila tumayo lahat para harapin si Nickolai.

Tumango ito at isa-isa silang tinitigan sa mata. "Gangster si Darkness, at inosente si Valetta Mercedez, ngayon nireport ni Johan Villafuerte ang nangyari sa amin, magkakaroon ng malaking imbestigasyon,"

"Ibig sabihin?" Tanong ni William.

"Masyadong malaki ang nangyari, kaya lahat ay maaapektuhan, kahit kayo,"

"Ipaliwanag mo sa amin," sabi ni Lilian habang nakacross arms.

"Una, kailangan niyo na bumaba sa rankings,"

"Bakit?" Tanong ni William.

"Dahil ba sa ginawa ni Darkness? Alam mo naman siguro na may mali sa nangyari," Tanong ni Elijah.

"Hindi niyo gugustuhing labanan silang lahat," sabi ni Nickolai habang napapailing. "At saka tanggapin niyo na, hindi niyo sila kaya ng wala si Darkness,"

"Sino ba sila?" Tanong ni Lilian.

"Kailangan ko pa ba isa-isahin kung sino sakanila ang may pagtingin kay Valetta?"

Natahimik ang tatlo at napayuko dahil alam nila sa sarili nila na halos lahat ng malalakas na kilala nila ay nabighani kay Valetta at handang makipagpatayan para sa sakanya.

Her MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon