Chapter Five:

12 4 0
                                    


"Bakit ka sumuko?" Galit na tanong ni Dave sa kanilang leader na si Johan, habang ang lahat ay naglalakad palabas ng fighting pit.

"Kaya pa namin silang matalo, kaya anong klaseng kaduwagan ba ang pinapairal mo?" Tanong naman ni Tyson dito.

"Nakita ko itsura niyo kanina, at sigurado ako na hindi niyo na kayang manalo sakanila, kaya kailangan ko nang sumuko para sa inyo," paliwanag ni Johan sa kaniyang mga kaibigan.

"Para sa amin? O para kay Valetta? Dahil ba siya ang pinusta ni Darkness? Dahil sa babae susuko ka?" Sunod-sunod na tanong ni Arthur at pinigilan si Johan sa paglalakad.

Ilang sandali nagkatitigan si Arthur at Johan, pero walang kahit isang salita ang lumabas mula kay Johan. Hanggang sa mapansin ng lahat ang grupo nila Darkness na lumalakad palapit sakanila.

"Pare, si Valetta, parusa mo siya, hindi mo siya premyo, parusa siya dahil sa unang kasalanan na ginawa mo, kaya hindi mo kailangan maapektuhan sa kung ano man ang magiging resulta ng laban na ito," kunot-noong sabi ni Dave sa kaibigan niya.

Napatigil si Darkness sa paglalakad at tinitigan si Johan. "Parusa?" Tanong ni Darkness.

"Pinaglaruan mo ako, Darkness," sabi ni Johan kay Darkness habang ito ay madiin na kinukuyom ang kanyang mga kamay dahil sa galit na nararamdaman niya para sa taong nasa likod ng maskara.

Umiling si Darkness at napangisi sa likod ng maskara nito. "Walang nagbago sa nangyaring laban, rank one pa din kami, at rank two pa din kayo, pero natalo namin kayo, kaya lalayo ka pa din kay Valetta," sabi ni Darkness dito.

Dahil sa galit na nararamdaman ni Johan, lumakad ito palapit kay Darkness at sinakal ito. Agad na sumaklolo ang mga kasama ni Darkness at pumigil naman ang mga kaibigan ni Johan sakanya.

"Hindi yata patas ang gusto mong mangyari," bulong ni Johan.

"Sa tingin ko ikaw ang hindi marunong tumupad sa usapan," tugon ni Darkness.

"Anong gagawin mo kung hindi ako lalayo sakanya?" 

"Papatayin kita,"

"Bakit hindi mo gawin ngayon? Habang nandito ako, at nandito tayo,"

"Ang tapang mo naman para sa babaeng hindi mo pag-aari,"

"Huwag mo akong subukan," banta ni Johan

Ngumisi si Darkness at tumawa, "Kung ganoon, papatayin ko na lang si Valetta," banta nito kaya napabitaw si Johan sakanya at nakaramdam ng matinding takot sa mga pwedeng mangyari. "Ako ang nagmamay-ari sakanya, Johan," dugtong ni Darkness.

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Darkness, hindi nila maintindihan ang nangyayari at naguguluhan sila sa lahat ng sinabi nito.

"Darkness, seryoso ka ba?" Tanong ni Elijah dito.

"Akala ko ba gusto mo siyang protektahan?" Tanong ni William.

"Oo, pero kung makukuha siya ng iba, mas magandang mamatay na lang siya," tugon ni Darkness at lumakad na paalis.

Habang ang lahat ay nanatiling nakatayo at hindi maipinta ang kanilang mga mukha.

"Nakakatakot siya," sambit ni Lilian na sinang-ayunan ni William at Elijah.

"Kilala niyo ba siya sa likod ng maskara?" Tanong ni Arthur sa tatlo.

Napalingon ang tatlo sakanya, ilang segundo nilang tinitigan si Arthur at saka nagkatitigan sila William, Lilian, at Elijah saka sila sabay-sabay na umiliing. Napakunot-noo ang mga magkakaibigan dahil sa sagot nila.

Her MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon