Habang naglalakad at nag-uusap ang dalawa, hindi mapigilan ni Valetta ang ngiti sa labi nito dahil sa luwag na nararamdaman niya."Ito ba ang dahilan kaya pumupunta ang mga tao sa park?" Tanong ni Valetta kay Francisco.
"Hmm... Hindi ko alam, " sagot ni Francisco kaya napatigil sa paglalakad si Valetta at tiningala ang lalaki.
" Anong ibig mong sabihin? "
" Dayo lang ako dito, "
" Dayo? Hindi ka taga dito? "
Umiling si Francisco bilang sagot.
" Taga saan ka pala? " Tanong ni Valetta.
" District 10," sagot ni Francisco kaya nawala ang ngiti sa labi ni Valetta.
"District?" Tanong ni Valetta. "Region 10? Sa north Mindanao?" Dugtong nito.
"A-Ah. Oo, tama, sa Mindanao nga," tugon ni Francisco at lumakad na sila ulit.
"Bakit napadpad ka dito? Ang layo nang pinanggalingan mo ah,"
" Oo nga e'. Pero nandito talaga ako para mag-aral,"
" Saan? "
" Kakalipat ko lang, kaya hindi ko pa alam kung saan ako mag-eenroll," sagot ni Francisco at tumigil na sila sa tapat ng motor ni Valetta." Saan ka ba? "
" Laureate College, "
" Hmm. Okay. "
" Okay. " Bulong ni Valetta at tinap ang motor niya.
" Gabi na, umuwi ka na bago ka mapagtripan ng mga gangsters dito, " sabi ni Francisco kay Valetta. Tumango si Valetta at sumakay na din sa motor niya.
" Mag-iingat ka din, " sabi ng dalaga at sinuot na ang kanyang helmet.
" Yep. " Tugon lang ng dalaga kaya naman pinaharurot na ni Valetta ang motor niya paalis.
" Kailangan ko siyang bantayan, hindi imposibleng wala siyang nakita kanina, " sabi ni Valetta habang nasa byahe pauwi. " Patong-patong na ang problema ko,"
Umuwi si Valetta sa kanyang apartment, naligo, at humiga sa kama niya. Tulala lang ito sa loob ng ilang oras, walang dalaw ng antok, puno ng maraming bagay ang isip nito at tila hindi alam ang uunahin. Hanggang sa tumunog na ang kanyang alarm para pumasok sa school.
Tumayo ito sa kama at huminga ng malalim saka ibinuntong-hininga. Kumilos naman na siya at naghanda na para pumasok sa school. Habang nakaharap sa salamin, napansin niya ang pasa na natamo niya sa laban nila ni Johan kagabi kaya naman kinuha niya ang concealer niya at agad na pinatungan ang pasa. Sunod nito ay nagsuot din siya ng
"Johan Villafuerte, Francisco Xiao, Chloe Domingo, at ikaw," sabi ni Valetta sabay turo sa isang litrato na nakadikit sa dingding. "Ikaw ang pinakagusto kong mapatay," bulong ng dalaga at lumakad na palabas ng kanyang apartment.
Nang ito ay makarating sa school, maraming estudyante ang nasa quadrangle dahil sa Foundation Day na gaganapin ng buong araw sa loob ng Laureate College. Habang naglalakad si Valetta sa gitna ng maraming tao, sinusubukan din niyang umiwas para hindi makabangga ng iba, hanggang sa may bumangga sakanya kaya napaupo siya sa sahig.
"Valetta," sambit nito habang nakangisi.
"Chloe," sambit naman ni Valetta at tumayo. Pinagpag nito ang sarili at lalakad na sana, kaso pinigilan siya ni Chloe, hinawakan siya nito sa kamay at hinila pabalik.
"Hindi ka mag-sosorry?" Tanong ni Chloe.
"Kailangan mo ba? Nasaktan ka ba?" Tanong ni Valetta at napansin ang galos at pasa nito sa leeg. "Anong nangyari sa iyo?" Tanong nito.
BINABASA MO ANG
Her Mysteries
ActionKilala si Valetta Mercedez sa kanyang pangalan at ganda, ang kanyang pagkatao ay tila palaisipan. Si Valetta Mercedez ay nababalot ng maraming sikreto, sikreto na unti-unting mabubunyag sa pagdaan ng panahon, para sa kanyang layunin, at sa kanyang p...