Bilang ang mga araw na lumipas. Matinding paghahanda ang ginawa ng ilang mga grupo, naging laman ng gangster world ang gang nila Johan at Valerie, habang si Francisco naman ay mag-isang nagsasanay sa kaniyang sariling mundo sa loob ng isang gubat.
Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahihintay ng marami. Ang nanunsyo kung sino ang sunod na head ng gangster world district one, ang pinakamalaking gangster world sa lahat ng districts.
Pumunta ang lahat ng gangster na may malalaking pangalan sa arena, nakakuyom ang kanilang mga kamao sa sobrang kasabikan sa mga maaaring mangyari.
"Labing isang taon," simula ni Nickolai habang iniikot nito ang tingin sa lahat ng audience. "Labing isang taon na natin hinihintay na humarap sa atin ang bago nating pinuno, labing isang taon na natin hinihintay na umuwi siya at pamunuhan tayong lahat," dugtong nito tapos napayuko habang may ngisi sa labi niya. "Ngayon ang araw na iyon ay dumating na," aniya saka namatay ang lahat ng ilaw.
Katahimikan ang bumalot sa buong lugar, ilang sandali pa ay bumukas na ulit ang ilaw at marami ang napasinhap sa kanilang nakikita.
"Ganyan," bulong ni Johan habang nakakuyom na nakatitig sa gitna ng arena.
"Ganito?" Tanong ni Darkness sa lahat habang nakatutok ang kanyang baril sa ulo ni Valerie habang ito ay nakaupo at nakatali sa isang upuan at walang malay.
"Darkness!" Malakas na sigaw ni Johan na umalingawngaw sa loob ng arena.
"Bakit hindi kayo bumaba dito at simulan na natin ang laban na pinaghandaan niyo?" Tanong ni Darkness sa lahat kaya nagsimula na silang tumakbo pababa sa arena.
Umatras si Darkness palayo kay Valerie at binaba ang baril upang hayaan silang lapitan ito. Nang makababa ang mga kaibigan ni Valerie agad nila itong kinalagan at ginising.
"Val. Val. Gising," mahinang sambit ni Queenie habang marahan na tinatapik ang kanyang pisngi. Hindi din naman nagtagal ay nagising na si Valerie at natauhan sa nangyayari.
"Si Darkness," aniya habang nanlalaki ang mga mata, at saka nito inikot ang tingin hanggang na naipako niya ito kay Darkness na nakatayo sa malayo.
"Tumayo ka na, hindi na biro ang nangyayari dito," bulong ni Ophelia saka nila hinila si Valerie patayo.
"Muntik ka na niyang patayin sa harap ng maraming tao, sa paraan kung paano mo pinatay si Valetta," mahinang bulong ni Paige kay Valerie, habang lumalakad sila palayo sa gitna, napatigil si Valerie sa paglalakad at napatingin sa mga mata ng kaibigan niya.
"Ayos lang ba kayo?" Tanong ni Johan nang makalapit siya kay Valerie.
"Oo," sagot ni Valerie tapos napahawak sa batok nito.
"Kakayanin niyo ba talaga siyang labanan?" Tanong ni Francisco habang nakapamulsa at nakatitig lang kay Darkness.
"Minamaliit mo ba kami?" Tanong ni Valerie tapos kunot-noong tinitigan si Francisco.
"Kung iisiping mabuti ikaw ang una sa mga pinatumba ni Darkness ngayong araw," tugon ni Francisco tapos saglit na nilingon si Valerie.
Nainis si Valerie sa sinabi nito kaya akmang susugurin niya si Francisco, pero pinigilan sila ng mga kaibigan niya, dahil doon hindi nakalapit si Valerie kay Francisco.
Sa kanilang gilid naman, isang tawa ang kanilang narinig kaya napalingon sila sa tao na iyon.
"Hindi pa nagsisimula, nag-aaway na kayo," sambit ni Izmael habang tumatawa.
"Izmael," sabay-sabay na sambit nila Johan habang pinapanood si Izmael na lumakad palapit sakanila. Nang huminto ito sa hilera nila, napakunot-noo silang lahat.
BINABASA MO ANG
Her Mysteries
AcciónKilala si Valetta Mercedez sa kanyang pangalan at ganda, ang kanyang pagkatao ay tila palaisipan. Si Valetta Mercedez ay nababalot ng maraming sikreto, sikreto na unti-unting mabubunyag sa pagdaan ng panahon, para sa kanyang layunin, at sa kanyang p...