Chapter Four:

14 4 0
                                    

Pumasok si Valetta sa loob ng banyo ng mga babae at hinugasan ang kanyang mukha dahil sa juice na tinapon ni Chloe sakanya.

"Lagot ka sa akin sa Gangster World," bulong ni Valetta sa sarili niya habang nakatitig sa sarili sa salamin. Pinunasan nito ang mukha saka lumabas na ng banyo.

"Pasensya na talaga sa ginawa ni Chloe," paumanhin ni Johan kay Valetta habang sinusundan ito. "Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon, Valetta. Siguro naman hindi ka gaganti sakanya?" Tanong ni Johan, huminto si Valetta sa paglalakad at hinarap si Johan.

"Sino ba ako para gumanti? Sino ba naglakas ng loob na gumanti sa mga tulad niyo? Gangsters kayo, kaya kung may gusto kayong gawin, gagawin niyo, habang kaming mga walang laban, titiisin na lang lahat," paliwanag ni Valetta kay Johan.

"Kakausapin ko siya, sisiguraduhin ko na hindi na niya ulit iyon gagawin sa iyo, at sisiguraduhin ko na gaganti ako para sa iyo," sabi ni Johan at hinawakan ang kamay ni Valetta.

Umiling si Valetta at nagpumiglas sa kamay ni Johan. "Lubayan mo ako, iyon ang pangako mo," sambit ni Valetta at iniwan na si Johan. "Nakakainis naman ang araw na ito," bulong ni Valetta.

Napakuyom ng kamay si Johan habang pinapanood si Valetta lumakad palayo. Hindi nito alam kung ano ang nangyayari sakanya, pero nakaramdam siya ng sobrang galit dahil sa nangyari. 

"Hindi siya para sa iyo, Johan," sabi ni Chloe at tumayo ito sa tabi ni Johan. Dahan-dahang nilingon ni Johan si Chloe at mabilis siyang sinakal sa leeg at tinulak sa pader. "*GASP!*" singhap ni Chloe sa sobrang bilis ng pangyayari.

"Anong sinabi mo?" Tanong ni Johan gamit ang malalim nitong boses. Nanlilisik ang mga mata nito habang unti-unting humihigpit ang hawak sa leeg ni Chloe.

"Johan! Wala tayo sa loob ng gangster world," saway ni Dave sa leader nila.

Natauhan naman si Johan kaya binitawan na niya si Chloe, natumba sa sahig si Chloe at suminghap ng malaki at malalim na hanging saka ito umubo dahil sa sobrang hingal. Umupo si Johan para pantayan ito habang hinahabol pa nito ang paghinga.

"Alamin mo lugar mo, Chloe Domingo. Nakipaglaro ako sa iyo noon, pero ngayon, iba na ang kalaro ko," banta ni Johan kay Chloe kaya napatigil ito sa paghinga at hindi makatingin sa mata ni Johan.

"Tara na," yaya ni Tyson kay Johan, kaya naman lahat sila ay umalis na.

Nang makauwi si Valetta sa kanyang apartment, isang madumi at makalat na bahay ang bumungad sakanya.

"Kailangan ko na talaga tumigil uminom ng alak," aniya sa sarili at lumakad papasok sa kanyang studio type na apartment.

Puno ng basag na gamit ang sahig ng bahay niya, maraming bubog sa sahig, at ang kanyang kurtina ay puno ng punit at butas. Halos hindi na matukoy kung paano at ano ang nagawa niya habang siya ay lasing. Nagbuntong hininga na lang ang dalaga at hinayaan na ang kalat saka hinila ang isang suitcase sa ilalim ng kama niya. Binuksan niya ito, kinuha ang lama at sinuot.

Pagkatapos niyang magbihis, pumunta ito sa isang garahe at kinuha ang kaniyang motor. At saka siya nagmaneho papunta sa gangster world.

"Darkness!" Tawag ng isang pamilyar na boses.

Tinaas ni Valetta ang tingin, suot sa kanyang mukha ang isang maskara na kulay itim, at nagpameywang.

"Johan Villafuerte," sambit nito saka bumaba ng kanyang motor.

"Sa tingin ko oras na para bawiin namin ang title namin," sabi ni Dave.

"Gang fight o one-on-one? " Tanong ni Valetta sa apat na miyembro ng gang ni Johan.

Her MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon