Chapter Fourteen:

6 4 0
                                    


"Wala manlang siyang panlinis dito?" Tanong ni Johan sa sarili. Nakasilip ito sa isang kabinet, sa loob ng kusina ng apartment ni Valetta. Lahat ng kabinet ay bukas at walang laman, napahawak sa baywang si Johan at ilang sandali natulala, hanggang sa isang tawag ang bumasag sa kanyang katahimikan.

[Johan,] sambit ni Dave sa kabilang linya.

"Oh?"

[Saan ka?]

"Sa apartment ni Valetta,"

[Bakit? Anong ginagawa mo dyan?]

"A-Ah. Maglilinis sana ako," sagot ni Johan, kaso katahimikan lang ang natanggap nitong tugon mula sa kabilang linya. "Basta mahabang kwento," dagdag nito.

Napabuntong-hininga lang naman si Dave sa kabilang linya. [Pumunta ka dito ngayon, bitawan mo na si Valetta, hindi siya para sa iyo,]

Napakunot-noo si Johan dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan. "Saan? At ano ang alam mo kung sino ang para sa akin?" 

[Pumunta ka dito sa arena, may dayo, magugustuhan mo siya dahil malakas siya,]

"Babae?"

[Oo,]

Ilang sandali natahimik si Johan at inikot ang tingin sa loob ng apartment. 

[Pumunta ka na dito! Johan!] sigaw ni Tyson sa kabilang linya.

"Oo na, sige, pupunta na," sambit ni Johan at lumakad na palabas.

Nang makarating si Johan sa arena, matinding sigawan at hiyawan ang bumabalot sa paligid. Napako ang atensyon ni Johan sa gitna ng arena, kung saan kapana-panabik ang laban na ipinapakita ng isang babae at ni Francisco Xiao. Dahan-dahan na lumakad palapit si Johan para mapanood ang laban ng malapitan.

Apat na babae, laban sa apat na lalaki, dalawang gang, mag-kaiba ng kasarian, pero sabay ang bawat galaw. Mabibigat ang bawat suntok ni Francisco, pero sa bawat salo at salag na ginagawa ng kanyang kalaban, tila wala itong bigat sa bawat bigay. Ilang sandali pa sa kanilang laban, isang suntok ang binigay ng kalaban kay Francisco, tumama ang kamao nito sa labi ni Francisco. 

Hanggang sa isang pangyayari ang nagpatahimik sa buong arena. Nawalan ng balanse si Francisco, isang sipa ang binigay ng kalaban sa panga ni Francisco at dito natukoy ng lahat ang pagkatalo ng gang ni Francisco Xiao. Sabay-sabay na natumba ang bawat miyembro ng gang ni Francisco sa sahig.

Hindi malaman ng manonood ang gagawin, napahinto at natulala sa biglaang pangyayari.

"Ibang klaseng galaw," bulong ni Darkness kaya napalingon sakanya si Johan.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Johan dito.

"Hindi ko sasabihin sa iyo, baka kalabanin mo din sila e'," sagot ni Darkness tapos lumakad na ito palayo kay Johan.

"Johan!" Sigaw ni Arthur habang kinakaway ang kanyang kamay. Napunta sakanila ang atensyon ni Johan at mabilis na tumakbo palapit sakanila.

"Mabuti nakahabol ka," salubong ni Dave.

"Alam niyo ba kung ano nangyari?" Tanong ni Johan sa mga ito.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Tyson habang may ngiti sa labi. "Natalo lang sila Francisco,"

"Nakakahiya nga e, natalo sila ng mga babae," sambit ni Arthur habang natatawa din.

Umiling si Johan at binalik ang tingin sa fighting pit. "Hindi, may nakita si Darkness na ginawa nila," 

"Ano daw?" Tanong ni Dave.

"Hindi niya sinabi," sagot ni Johan kaya binaling din nila Dave ang tingin sa gitna.

Her MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon