Matapos ang ilang araw na pagpapahinga ni Valetta. Nagbigay ng isang mensahe si Darkness sa lahat ng member ng kanyang gang, kaya ang lahat ay pumunta sa loob ng gangster world. Nagtipon ang apat sa loob ng isang kwarto, kwarto na para lang sa Rank One.
"Wala kaming alam, kaya wala din silang alam," simula ni Elijah.
"Kaya niyo bang panatilihin iyon ng ganoon?" Tanong ni Darkness habang nakacross-arms.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Lilian kay Darkness.
"Kaya niyo bang maging walang alam tungkol sa pagkatao ko?" Tanong ulit ni Darkness sabay yukod kay Lilian na nakaupo sa sofa.
Napalunok si Lilian sa kaba na nararamdaman niya sa presensiya ni Darkness, kaya hindi nito magawang makasagot sa tanong ni Darkness.
"Hindi namin alam ang pagkatao mo," tugon ni William kaya napatiingin sakanya si Darkness at umatras.
"Paano kung nalaman niyo?" Tanong ni Darkness at tumalikod sa tatlo.
"Kahit kailan hindi ka nagtanggal ng maskara," tugon ni Elijah habang nakapameywang at nakatayo sa likod ng sofa.
Napangisi si Darkness at nagsimulang tanggalin ang maskara sa mukha niya. Napatingala si William at Lilian na nakaupo sa sofa, habang si Elijah naman ay ibinaba ang kanyang mga kamay.
"Paano na, ngayong tinanggal ko na ang maskara ko? Kakayanin niyo bang itago?" Tanong ni Valetta at unti-unting humarap sa tatlo.
Makikita sa mga mukha nila ang gulat, at pagtataka, ilang sandali pa binawi na ni Elijah ang sarili niya at kunot-noong tinitigan si Valetta.
"Sino ka?" Tanong ni Elijah at lumakad palapit kay Valetta.
"Valetta Mercedez," sagot ni Valetta kaya napahinto si Elijah at napatayo naman si Lilian.
"Ikaw?" Gulat na tanong ni Lilian.
"Paano kami nakakasiguro na ikaw talaga si Darkness? Kilala daw si Valetta, pero sigurado ang lahat na hindi siya gangster," tanong ni William kaya napangiti si Valetta.
"Matalino ka, William," sambit ni Valetta at lumapit kay William, tumayo si William sa kinauupuan niya at hinarap si Valetta. "May isang laban tayo na hindi mo sinasadyang mabato ako ng dagger, naaalala mo pa ba kung saan bumaon ang patalim na iyon?"
"Sa likod mo," sagot ni William. Napatango si Valetta at tumalikod kay William.
Hinawi ni William ang buhok ni Valetta at dahan-dahang inangat ang damit nito hanggang sa makita niya ang isang peklat na binigay niya.
"Kung ganoon, bakit mo pinoprotektahan ang sarili mo kay Johan?" Tanong ni William tapos binaba na ang damit ni Valetta.
"At bakit mo hinayaan si Chloe na gawin iyon sa iyo?" Tanong din ni Lilian.
"Kasi kailangan ko," sagot ni Valetta.
"Anong kailangan mong gawin namin?" Tanong ni Elijah.
Huminga nang malalim si Valetta at napatingin sa sahig. "Kailangan ko kayo, dahil hindi ko kayang protektahan ang sarili ko sa labas ng gangster world, at lalong hindi ko kayang protektahan ang sarili ko lalo na't nasa paligid ko si Johan Villafuerte at Francisco Xiao,"
"Si Francisco Xiao? Yung malakas na kalaban nila Hemlock?" Tanong ni Elijah.
"Akala ko dayo lang siya dito," bulong ni William tapos napaupo ito sa sofa.
Umupo din naman si Lilian sa tabi ng kakambal niya. "May balita na kumakalat sa mga gangster nitong mga nakaraang araw," sabi ni Lilian kaya napunta sakanya ang atensyon ng tatlo. "Ang sabi nila, maraming malalakas na gangster ang pupunta dito sa district one galing sa iba't ibang district,"
BINABASA MO ANG
Her Mysteries
ActionKilala si Valetta Mercedez sa kanyang pangalan at ganda, ang kanyang pagkatao ay tila palaisipan. Si Valetta Mercedez ay nababalot ng maraming sikreto, sikreto na unti-unting mabubunyag sa pagdaan ng panahon, para sa kanyang layunin, at sa kanyang p...