Epilogue

12 4 0
                                    


Kasagutan sa lahat, kasagutan sa bawat salita, at kasagutan sa bawat pangyayari.

Kasagutan ang buhay ko, nakatago sa bawat sulok, binabalot ng luha at takot.

Sino na ako ngayon sa mata ng lahat?

Nasagot ko na ba ang tanong ng lahat? O kulang pa din ang buhay ko bilang sagot?

Paano mo masasabi na kilala mo ang isang tao, kung sa oras ng maraming katanungan ay wala kang maisagot?

Kilala mo ba talaga sila? O alam mo lang ang ilang bagay tungkol sakanila?

Sigurado ka ba na kaibigan mo sila?

Napuno ng katanungan ang buong gangster world. Kumalat ang balita sa maraming lugar at sa lahat ng district. Nagkaroon ng kalinawan ang bagay tungkol kay Darkness, pero napuno ng tanong ang bagay tungkol kay Valetta.

"Ngayong nakita mo na kung ano ang kaya kong gawin, oras na siguro para harapin mo ako," sambit ni Valetta habang nakatanaw ito sa kawalan habang hinahangin ang kanyang buhok ng malamig na hangin na dala ng gabi.



Her MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon