"Sa tingin ninyo? Nandito ba siya para maging head ng district one?" Tanong ni Dave sa mga kaibigan nito.
"Bakit naman siya ang magiging head?" Kunot-noong tanong ni Johan.
"Kasi kung iisipin mong mabuti, ilang taon nang walang head ang gangster world ng district one." Paliwanag ni Arthur.
"Kung walang head, sino ang gumagawa ng mga desisyon sa management?" Tanong din ni Tyson.
"Kaya nga hindi din imposible na maglagay sila ng ibang tao," tugon ni Dave.
Abala ang apat sa pag-uusap, habang si Valetta naman ay nakayuko lang sa kanyang kamay, nakikinig. Napansin ito ni Johan kaya pinatigil niya magsalita ang mga kaibigan niya.
"Ayos ka lang ba, Valetta? Hindi mo ba alam na gangster si Francisco Xiao?" Tanong ni Johan dito.
Tinaas ni Valetta ang tingin niya kay Johan at binigyan ito ng poker face. "Gutom na ako," sagot nito.
Natawa sila Dave sa sagot ni Valetta. "Pasensya ka na, Valetta, nakalimutan namin na hindi ka pala gangster,"
"Sige na, pwede ka na bumili ng pagkain mo," sabi ni Tyson kaya naman tumayo na si Valetta at lumakad para bumili ng kanyang makakain.
Sampung-taon na ang nakalilipas noong namatay ang head ng district one gangster world. Sa bawat gangster world, may isang pamilya na pwedeng mamahala dito, sa madaling salita, parang isang royal family ang isang gangster world.
Hindi dahil sa generational wealth. Hindi ito isang yaman na pinamamana, kung hindi dahil sa lakas na kaya nilang patunayan sa lahat. Tulad ni Francisco Xiao, kakaiba ang lakas niya kumpara sa lahat.
Sa district ten, marami ang pwedeng mag-mana ng gangster world dahil sa laki ng pamilya nila, pero sa district one, palaisipan pa din ang dahilan bakit walang head at kung sino ang sunod na mamamahala dito.
"Salamat," sabi ni Valetta sa tindera at lumakad na pabalik. Habang naglalakad, napansin niya si Francisco na pumasok sa loob ng cafeteria kaya napahinto ito sa paglalakad.
"Valetta," sambit ni Francisco at agad na lumapit sakanya.
"Francisco," sambit din ni Valetta.
"Ngayon ka pa lang kakain?" Tanong ni Francisco. Tumango si Valetta bilang sagot. "Sabay na ako sa iyo," aniya at hinawakan sa kamay si Valetta.
Hindi pa man nakasagot si Valetta ay hihilain na sana niya ito, kaso isa pang kamay ang humawak kay Valetta at pinigilan sila.
"Hoy," sambit ni Johan kaya napatingin ang dalawa sakanya.
"Johan Villafuerte," bulong ni Francisco at hinila si Valetta palapit sakanya. Hindi mahigpit ang hawak nito sa kamay ni Valetta pero dahil sa lakas niya, humigpit ang hawak ni Johan sa kamay ni Valetta.
"Ah." Daing ni Valetta kaya napabitaw si Johan at hinayaan na mahila siya ni Francisco.
"Valetta, okay ka lang ba? I'm sorry, hindi ko sinasadyang higpitan ang hawak ko sa iyo," paumanhin nito at akmang hahawakan si Valetta, kaso hinila ni Francisco si Valetta sa likod niya kaya walang nagawa si Johan at umatras na lang. "Ano ba? Bastusan?" Tanong ni Johan kay Francisco habang nakakuyom ang mga kamay nito.
"Sinaktan mo si Valetta," sabi ni Francisco.
"Ikaw ang may kasalanan kaya siya nasaktan, kung hindi mo siya hinila, edi sana hindi siya nasaktan," tanggi ni Johan.
Napangisi lang naman si Francisco at nilingon si Valetta. "Masakit pa ba?" Tanong ni Francisco sa dalaga.
"Valetta, lumayo ka sa taong ito, hindi mo alam kung gaano kalakas si Francisco, gangster siya at kaya niyang manakit ng babae," sabi ni Johan kaya natigilan si Francisco at binalik ang tingin kay Johan.
BINABASA MO ANG
Her Mysteries
AcciónKilala si Valetta Mercedez sa kanyang pangalan at ganda, ang kanyang pagkatao ay tila palaisipan. Si Valetta Mercedez ay nababalot ng maraming sikreto, sikreto na unti-unting mabubunyag sa pagdaan ng panahon, para sa kanyang layunin, at sa kanyang p...