Napalingon si Darkness sa pwesto nila Kyle at saka nito binalik ang tingin kay Izmael.
"Ako lang ang may alam, huwag ka mag-alala," sambit ni Izmael kaya humakbang palayo si Darkness sakanya.
"Mag-usap tayo sa labas," tugon ni Darkness tapos nauna nang lumabas. Sumunod sakanya si Izmael, huminto silang dalawa sa parking lot at nagharapan.
"So?" Simula ni Izmael.
"Sino ako?" Tanong ni Darkness.
"Hmm..." sabi ni Izmael habang nakatingala. "Ang alam ko nagsisimula ang tunay mong pangalan sa letrang V at ang apilyedo mo ay nagsisimula sa letrang M,"
Napakuyom si Darkness at nagbuntong-hininga. "Anong ibig mong sabihin?"
"Anong ibig kong sabihin noong sinabi ko sa iyo na ibigay mo sa akin si Darkness?" Tanong ni Izmael habang may ngisi sa labi. Tumango lang si Valetta bilang sagot. "Gusto ko maging girlfriend si Darkness,"
Napabuntong-hininga si Valetta sa likod ng maskara at nanlumo ang dalawa niyang balikat. "Alam mo naman ang sitwasyon ko, kaya bakit iyon pa ang gusto mo?"
"Sitwasyon? Ibig mo bang sabihin ang fiancé mo at manliligaw?"
"Kaibigan ko lang si Francisco,"
"Meh. Ilang araw na lang sasabihin na niya sa iyo na may gusto siya sa iyo,"
"Tsk." Tugon ni Darkness kaya natawa si Izmael.
"Gusto ko si Darkness na malakas, hindi si. .. na mahina, lampa, at hindi daw gangster,"
"Bakit?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Bakit ko gagawin ang gusto mo?"
"Ah? Kasi alam ko sikreto mo,"
"Anong sikreto?"
"Ikaw, pagkatao mo, kung sino ka sa likod ng maskara,"
Natawa si Darkness sa sagot ni Izmael. "Hindi sikreto ang tawag ko dito,"
"Sikreto iyan kung hindi mo pinapakita sa lahat,"
Umiling si Darkness. "Misteryo ang tawag ko dito,"
"Hmm? Misteryo?" Natatawang tanong ni Izmael kaya natawa din si Darkness.
"First rule of keeping something is to not call it a secret,"
"Kasi walang sikreto ang hindi nabubunyag," dagdag ni Izmael habang napapatango.
"Yup. Kaya wala akong sikreto,"
"Okay," tugon ni Izmael tapos huminga ng malalim. "Kung ganoon, anong masasabi mo sa Izmael at Darkness relationship? Pwede kong palitan ang pangalan ko ng Lightness? Lightning? O Sunshine?"
Natawa si Darkness sa tanong ni Izmael. "Hindi ko kayang pumasok sa isang relasyon ngayon," buntong-hininga ni Darkness.
"Kung ganoon, hindi natin kailangan maging seryoso, no hands, no hugs, no commitments, just label,"
"Hindi ko alam kung ano ang makukuha sa mo sa ganito," tugon ni Darkness habang napapailing.
"Si Darkness ang pinakamalakas na gangster dito, kung magiging girlfriend ko siya, power couple na kami, lahat magagawa namin, at masasakop namin ang buong mundo," biro ni Izmael.
"Ang weird mo,"
"Please, malay mo kailanganin mo ako in the future," sambit ni Izmael.
"Okay. A relationship with nothing serious," tugon ni Darkness.
BINABASA MO ANG
Her Mysteries
ActionKilala si Valetta Mercedez sa kanyang pangalan at ganda, ang kanyang pagkatao ay tila palaisipan. Si Valetta Mercedez ay nababalot ng maraming sikreto, sikreto na unti-unting mabubunyag sa pagdaan ng panahon, para sa kanyang layunin, at sa kanyang p...