Chapter One:

16 4 0
                                    


Isang umaga ang nagbigay ng kaba sa maraming tao dahil sa isang babae na nakatayo sa rooftop ng sampung palapag na gusali. May hawak itong bote ng alak sa kanyang kamay, nakauniform, at naglalakad sa gilid ng gusali habang gumegewang-gewang dahil sa kalasingan.

Lahat ng estudyante ay nakatingala at nanoood sa babae, hindi makapigil hininga ang bawat pangyayari dahil sa mga sandali na muntik itong mahulog.

"Si Valetta Mercedez ba iyan?" Tanong ni Johan Villafuerte sa kanyang kaibigan na si Dave Avila nang makita nila ang nangyayari kay Valetta.

Nagkibit-balikat lang si Dave habang nakatingala din sa dalaga. Napangisi si Johan at natawa sa ginagawa ng dalaga.

"Take her down," utos ni Tyson Baylon kay Johan.

"Ano?" Tanong ni Johan dito.

"Panonoorin mo na lang ba siyang mahulog mula sa sampung palapag na gusali?" Tanong ni Tyson dito habang nakatitig sa mga mata nito.

"Mabubuhay pa kaya siya kapag nauna ang ulo niya tumama sa sahig?" Tanong ni Dave nang may ngisi sa labi.

"Anong pakialam ko sakanya?" Kunot-noong tanong ni Johan sa dalawang kaibigan pero natawa lang itong dalawa kaya napalingon si Johan sa isa pa niyang kaibigan na si Arthur Caballes, na tahimik lang na pinagmamasdan ang bawat kilos ni Valetta.

"Huwag ka sa akin tumingin Johan, kahit leader ka namin sa loob ng Gangster World, may atraso ka sa aming tatlo dahil natalo ka sa pustahan," sabi ni Arthur sakanya habang nakatingala pa din.

Napabuntong hininga si Johan at yumuko sa sarili niyang kamao. "Lagot kayong tatlo sa akin pagkatapos ng pustahan na ito," bulong ko sa sarili ko at lumakad na.

"Bilisan mo, dahil kapag namatay si Valetta, talo ka pa rin," tugon ni Dave kay Johan kaya wala itong nagawa kundi tumakbo na paakyat.

Gumamit ito ng hagdan, mabilis at malalaking hakbang ang kanyang ginagawa upang makarating ng mabilis sa rooftop. Habang ang mga tao sa quadrangle ay nananatili sa kanilang kinatatayuan, nakatingala sa dalaga, habang ito ay umiinom ng alak at tuloy sa paglakad sa gilid ng rooftop.

"Happhy annivershary, " bulong ni Valetta sa sarili habang nakatingala sa langit, itinaas nito ang hawak nitong bote at tumawa. "I misshou sho mush!" Sigaw nito at nilagok na ang huling patak ng alak sa kamay niya. 

Dahil dito, unti-unting bumagsak ang mga mata nito at unti-unti na din siyang nawawalan ng malay. Isang hakbang ang kanyang ginawa at nawalan ito ng balanse, napasinghap ang mga taong nanonood, pero nagawa niyang tumayo pa din ng diretso, kaya isang hakbang paatras ang kanyang ginawa, kaso balanse na naman ang kanyang kalaban kung saan halatang matatalo na siya.

Nang makarating si Johan sa rooftop, nakita niya ang ilang guard na sinusubukang buksan ang pinto ng rooftop.

"Tabi!" Sigaw ni Johan at agad na sinipa ang pinto para magbukas. Humampas ng malakas ang dalawang pinto at unti-unti nang nahuhulog si Valetta, tumakbo nang mabilis si Johan at agad na hinablot ang kamay ni Valetta.

Ilang sandali ng katahimikan ang bumalot sa umagang iyon, kasunod ang hiyawan, palakpakan, at pagdiriwang. Napatingin si Johan sa kanyang mga kaibigan na nakacross arms at nakatingala sa kanya at napapatango. Habang si Valetta ay walang malay sa kamay ni Johan, ilang sandali pa nakahabol na din ang mga guard at sinubukang tulungan si Johan.

"Ako na, kaya ko na!" Bulyaw ni Johan sa dalawa, napaatras ang dalawang guard at hindi na humawak. Hinila naman na ni Johan si Valetta pataas at hinagkan papunta sa kanyang bisig. Binuhat niya ang dalaga at dinala sa clinic.

Her MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon