Chapter Twenty-Four:

5 4 0
                                    


"Ilang bote na?" Tanong ni Dave habang nakapameywang at nakatitig kay Johan na tuloy lang sa pag-inom ng alak mula sa isang bote.

"Isang dosena," sagot ni Valerie habang napapabuntong hininga at nakaalumbaba na nakaupo sa harap ni Johan.

"At hindi mo siya pinipigilan?" Tanong ni Arthur dito.

"Karamay ang kailangan niya, kaya umupo ako sa harap niya, hindi ko naman alam na pagkatapos ng anim na bote ay oorder pa ulit siya," paliwanag ni Valerie tapos kinuha ang kamay ni Johan at pinulsuhan ito.

"Buhay pa ba siya?" Tanong ni Tyson.

"Sobra," sagot ni Johan tapos binaling ang tingin sa kanyang mga kaibigan. "Hindi ko alam kung paano nagawa ni Valetta uminom ng ninety-six percent alcohol, pero sinasabi ko sa inyo...hindi ko kinaya.... uminom ako ng isang shot....pagkatapos nun bumalik zko sa mababa, sa beer at gin. ... ngayon binibilang ko kung ilang percent na ng alcohol ang nainom ko, baka sakaling maabot ko iyong level ng kaya ni Valetta," paliwanag ni Johan habang sinisilip isa-isa ang loob ng mga bote ng alak at tinataob ito para malaman kung may laman pa ito.

"Nagpapakamatay ka ba?" Tanong ni Dave saka nito inagaw ang isang bote at binaba sa lamesa.

"Hmm? Hindi. Hindi. Bawal ako mamatay ngayon. Kasi gaganti pa ako kay Darkness, papatayin ko pa siya, at sisiguraduhin ko na tatalunin ko siya at makukuha ko ang gangster world sakanya," 

Napabuntong-hininga si Valerie at sumandal sa upuan niya. "Wala na si Valetta, kaya pwede bang kalimutan mo na siya?" Tanong ni Valerie dito. Umiling si Johan bilang tugon. 

"Tsk! Tara na, umuwi ka na," sabi ni Arthur tapos hinawakan si Johan sa braso para hilain patayo, kaso nagpumiglas ito sa kamay ni Arthur at tinulak ito ng malakas.

"Hindi! Kailangan ko pa uminom, kulang pa ang nainom ko," tugon ni Johan tapos tumayo, kaso dahil sa sobrang kalasingan, hindi niya magawang tumayo ng diretso at napaupo ulit.

"Umuwi ka na, lasing ka na," sabi din ni Tyson.

"Mamamatay ka sa ginagawa mo," dagdag ni Dave.

"Namatay si Valetta sa bala ng baril ni Darkness, hindi sa alak," tugon ni Johan sa dalawa tapos sinubukan ulit tumayo para harapin si Tyson at Dave.

"Hindi ikaw si Valetta!" Sigaw ni Arthur tapos sinuntok si Johan sa mukha. Natumba si Johan at napasandal sa lamesa sa likod niya, napatayo si Valerie at agad na dumistansya palayo sa lamesa, naglaglagan ang mga bote ng alak at isa-isa ito ng gumulong, nabasag ang ilan dahil dito.

"Alam ko," bulong ni Johan tapos humawak ng isang bote tapos malakas na binato papunta kay Arthur, tinamaan si Arthur sa mata at natumba ito sa sahig.

"Johan!" Sabay na sigaw ni Tyson at Dave para sana sawayin si Johan, kaso lumakad palapit si Johan kay Arthur at sinakyan ito, bumwelo ito ng suntok, pero pinigilan siya ni Dave. "Tumigil ka na, Johan!" Sigaw ni Dave sa kaibigan niya.

"Hindi ako titigil, dahil namatay si Valetta!" Sigaw pabalik ni Johan tapos tinulak din si Dave. Sa lakas ng tulak ni Johan, napaatras si Dave at nabunggo siya sa isa pang lamesa. "Mahal ko si Valetta, at wala na siya dito," bulong ni Johan at akmang susuntukin na si Arthur, pero hinawakan ni Valerie ang kanyang kamao kaya napatigil si Johan.

"Johan Villafuerte," marahan na sambit ni Valerie.

Napatigil si Johan at dahan-dahang ibinaling ang tingin sa dalaga. Si Valerie naman ay umupo sa tabi ni Johan.

"Valetta Mercedez," mahinang sambit nito habang unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata. 

"Pakiusap, tama na, umuwi na tayo at magpahinga," pakiusap ni Valerie habang hawak ang kamay ni Johan at marahan na hinihila ito pababa upang pakalmahin siya.

Her MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon