PROLOGO

402 11 1
                                    

This is a work of Fiction. Names, characters, places, events, etc. are either products of author's imagination. Any resemblance to a real person, living or dead, are purely coincidental.

No part in this book may be reproduced, stored in retrieval system, or transmitted, in any form or by any means without the prior written permission of the Author.

The plot might be cliché but this is my own and original story. I don't copy else's work. Plagiarism is a crime!

***

“Ineng sukli mo oh,” inabot ni manong ang baryang sukli ni Kitty. Dali naman niyang tinanggap iyon at bahagyang ngumiti.

“Maraming salamat po. Sigurado po ba kayong dito na ‘yon?” napanganga siya sa laki ng building.

“Oo naman. Pumasok ka na’t magpapasada pa ako. Galingan mo sa interview.” nginitian pa siya ni manong bago nito pinaharurot paalis ang tricycle.

Naging malikot ang kaniyang paningin sa paligid. Hindi ito makapaniwala na ganito pala kalaki sa personal ang gusali. Kung titignan kase sa flyers eh parang hindi naman masyadong bongga.

Huminga nang malalim ang dalaga at nagpatuloy na humakbang. Pero eto na, magiging janitress na ako!

Malawak ang pagkakangiti nito habang papalapit siya sa entrance ng building. Pero bago pa man makapasok si Kitty nang tuluyan eh hinarang na siya ng isang security guard.

“Excuse me ma’am. Ano po ba ang sadya nila?” magalang na tanong niya.

Tinaasan niya naman ito ng kilay. “Mag-aaply sana ako bilang isang janitress dito. Teka lang,” agad niyang kinalkal ang gusot-gusot na flyers sa loob ng bag nito. “Heto po oh.” pinakita niya kay kuya iyon.

Nanatiling seryoso ang mukha niya. “Sorry po, pasok po kayo.” tumabi siya nang konte at iminuwestra niya ang daan. Hindi na nagsayang pa ng oras ang dalaga at kaagad na pumasok sa loob.

“Teka muna, may tanong lang ako kuya. Saan po ba ‘yong fourth floor dito?” palinga-linga parin siya. Ang lawak kase ng lugar. Nakakalito.

Napatanga naman ang security guard sa kaniya. “Ah sasakay ka po sa elevator na ‘yon,” napapakamot niyang itinuro kung nasaan ang sinasabi niyang elevator. Napatango-tango naman nitong nilingon iyon at saka muling tumingin sa kaniya. “May nagbabatay naman po sa loob ng elevator, sabihin niyo nalang kung saang floor ang gusto niyong puntahan at siya na ang bahala doon.” mahabang paliwanag ni kuya.

Muling namangha si Kitty sa mga pinagsasabi niya. Ganun pala yun. Bihira kasi at malayo ang mall sa lugar nila kaya hindi siya masyadong pamilyar sa mga bagay dito.

Muling siyang tumango-tango na parang aso.

“Sige. Salamat.” bahagya pa itong kumaway para magpaalam.

“Walang anuman po.” magalang namang aniya.

Iniwan na niya si kuya at nagtungo na sa elevator. Pagkatapat niya palang doon ay bumukas na agad ang pinto niyon. Bahagya pa siyang nagulat.

Nagkukusa ba itong bumubukas? Napaisip siya sandali.

“Ewan.” napailing-iling nalang siya kaiisip at pumasok kaagad. Mag isa ito sa loob, maliban nalang sa babaeng tinukoy ni kuya na nagbabantay kuno rito.

Nakangiti siya kay Kitty, “Saang floor po kayo ma’am?” tanong niya.

“Ah fourth floor lang. Mag-a-apply kase ako bilang isang janitress ngayon hehe.” sinuklian din ito ng dalaga nang matamis na ngiti.

How To Act Straight? [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon