KABANATA 9

127 6 0
                                    

“Bakla! Pahiran mo nga ng sunscreen ‘yong likuran ko hindi ko maabot eh.”

Naging sunod-sunuran si Nikolai, kusang humakbang ang mga paa niya at lumapit sa kinaroroonan ni Kitty.

“Where’s the bottle?” hiningi niya ang botelya ng sunscreen at saka pumwesto sa likudan ng dalaga.

He put a right amount on his palm at ipinahid niya sa balat ni Kitty. Milyon-milyong kuryente ang dumaloy sa kaniya tuwing dumidikit ang palad nito sa makinis na balat ng dalaga. Hindi niya maiwasang mapalunok. His body is reacting because of her at hindi niya matanggap iyon.

While Kitty feels a tingling sensation in every inch of her fibers. Napapikit siya sandali nang bigla itong batukan ni Nikolai.

“A-Aray ano ba?! Masakit!” pasiring niyang nilingon si bakla.

“Kaya pala feel na feel mo ano?” napameywang si Nikolai. “Oh eto, tapos na.” ibinalik niya ang bote ng sunscreen lotion sa kamay ng dalaga.

Kitty rolled her eyes in annoyance. “Ang sama mo!”

“‘Di ba excited kang maligo? Ano pang inuungot mo riyan? Let’s go!” Nikolai flipped his imaginary long hair.

“Tsa! At least mas maganda parin ako sa ‘yo ‘no? At saka may matres ako.” pagmamalaki naman ni Kitty at hinawakan pa ang hinaharap nito.

“Whatever bruha!” he snapped his fingers in the air at pumipilantik iyon. “Ano na? Tumayo ka na riyan!” mariing utos niya.

Dinampot ni Kitty ang roba nito. She’s wearing black two piece underneath. She tied her long wavy hair into a bun.

She’s now ready for swimming.

Nakababa sila ng hotel nang sumalubong ang mga pinsan ni Nikolai sa kanila. She didn’t knew they’re here. She’s surprised.

Niki greeted them with her warm smile. “Nice to see you again Kitty. Wala tayong masyadong interaction noong araw ng kasal niyo, and sorry for that.”

“No don’t be sorry. It’s fine.” napangiti rin si Kitty sa kaniya.

“This will be fun. Enjoy staying here Kitty.” sumabat si Vin sa tabi nito. He’s half naked, well this is beach!

Hindi niya tuloy maiwasang mapasulyap sa ginintuang abs niya. Ano ba Kitty?! Maghunos-dili ka!

“Hmm… I hope so. Thank you.” iyon lang ang nasabi ng dalaga sa kaniya.

Nikolai hold her hand. “Let’s proceed, shall we?” binasag niya ang sandali. Nginiwian siya ni Kitty. Panira talaga ng moment!

“Of course kuya.” Vin averted his eyes from Kitty without breaking his smirk on his lips.

Niki feel the tension between the two. She clapped her hands, “Yeah, that’s right.” hinila niya ang braso ni Kitty dahilan para mauna silang maglakad at maiwan ang dalawang magpinsan sa likuran.

Bakit nakasimangot si Nikolai? May problema ba? Kitty noticed even the little details on his face.

“I think, we should get to know more from each other, what do you say?” Niki started the conversation.

Napatango-tango naman si Kitty at bahagyang nilingon sa likuran si Nikolai. Nakasunod na ang dalawa pero may maliit na distansiya mula sa isa’t-isa. Nakabusangot parin siya.

May nasabi ba akong mali kanina? She recalls one by one all of their conversations earlier. Wala naman. She slightly tilted her head at naguluhan.

Kitty zoned out as they finally reached the beautiful cottages.

Her jaw dropped at the view. This is really fascinating, she thought.

How To Act Straight? [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon