I have something to tell you.
Hindi maiwasan ni Kitty ang mag-isip ng malalim. “Ano ba ang sasabihin niya sa akin?”
Tahimik ang byahe, iniwan niya si Ryker kay Alora. Buti nalang ay pumayag naman siyang bantayan ang bata.
Mas binilisan ni Kitty ang kaniyang pagmamaneho hanggang sa marating niya ang lokasiyon na sinabi ni Nikolai.
Pinarada niya ang sasakyan sa maliit na espasyo ng coffee shop.
Kaagad niyang naramdaman ang kaba sa kaniyang dibdib. Parang hindi pa siya handang harapin ang binata. Nanlalambot tuloy ang mga tuhod niya habang papalapit na ito sa entrance door.
Huminga siya ng malalim at saglit na ipinikit ang mga mata. She balled her fist, binuksan niya ang glass door, umugong sa kaniyang tenga ang tunog ng maliit na kampana sa itaas ng pintuan.
She looks around at agad niyang namataan si Nikolai. Nagtama ang paningin nilang dalawa, bakas sa mga mata ng binata ang pagkasabik niyang makita ulit ito.
Habang siya ay dumagundong naman ang malakas na pagtibok ng puso niya, she swallowed the lump on her throat as she walk towards him.
“H-Hi,” Nikolai greeted her with a smile. “Take a seat.” tinuro nito ang upuan.
Napaubo kunwari si Kitty at dahan-dahang umupo sa harapan niya. Nanatiling seryoso ang ekspresiyon ng mukha nito. “Ano ang sasabihin mo?” pangdederekta ni Kitty.
Saglit namang natigilan si Nikolai at napaiwas siya ng tingin. Matagal bago siya nagsalita, “I- I miss you Kitty.” he said weakly.
Naiwan namang nakatulala si Kitty sa kaniya. Nangangapa siya ng sasabihin. Hindi siya makapaniwala sa pinagsasabi nito ngayon. Her heart skip a beat, mabilis na nag-init ang dalawang sulok ng mata nito. Naramdaman niya ang pagpapakatotoo ng binata sa sinabi.
“C-Can we just go back the way we are before? Please I-I’m begging you Kitty. H-Hindi ko na kaya.” Nikolai pleaded, kulang nalang ay luluhod na siya sa harapan niya.
Kitty gasped at nailing ang ulo, “I-I don’t know, Nikolai.” unang pumasok sa isipan niya ang pinagkasunduan nila ni Mrs. Dela Paz noon. She wants a peaceful life.
“I-I can’t, I’m sorry…” mabilis na nanubig ang mga mata ni Kitty habang sinabi ang linyang iyon. Sa totoo lang, gusto na niyang yakapin ng mahigpit si Nikolai.
“Y-You can, I know you can.” Nikolai held her hands at marahan na pinisil iyon.
She shook her head again, “H-Hindi papayag ang mga magulang mo.” hirap na hirap na sabi ni Kitty.
Rumehistro ang gulat sa mukha ni Nikolai, “W-What did you say?” his Adam’s apple bobbed. Naguguluhan siya.
Mabilis na natuyo ang luha ni Kitty sa kaniyang pisngi, “Y-Your mother, siya ang dahilan kung bakit ako lumalayo sa’yo.” hindi na niya kaya pang magsinungaling, maybe, today is the right time to say all of this--to tell the truth.
Napabitaw sa kaniya si Nikolai at gulat parin sa mga narinig nito.
Nakapinta sa kaniyang mukha ang sakit at pagkadismaya. “B-Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad?”
Napakagat labi si Kitty at napayuko, “D-Dahil natatakot ako, I’m scared Nikolai.” drops of tears were escaping from her eyes once again.
“Damn it!” he can’t help but to embraced her.
Umiyak nang umiyak si Kitty sa balikat niya. Ang mabigat na pakiramdam ni Kitty ay unti-unting gumaan dahil nasabi na rin niya sa wakas ang matagal na niyang pinapasan.
BINABASA MO ANG
How To Act Straight? [COMPLETE]
RomansNikolai needs to act straight in front of his family in order to inherit all of the properties given by his late grandfather. But how long will it takes? *** Katarina or in short-Kitty, ang babaeng loss virgin--ay este ang babaeng para lamang kay...