KABANATA 25

88 5 0
                                    

“Where are we going mommy?” inosenteng tanong ni Ryker habang nakatingala sa ina niya. Nakasuot kase ito ng panggayak ngayon.

Isinukbit ni Kitty ang dala niyang bag sa balikat nito, “We are going to the grocery store. Paubos na ang goods natin baby.” saglit niyang nginitian ang bata bago nito inakay palabas ng condo unit nila.

Ryker just obeyed her mom. Hawak kamay silang naglakad hanggang sa makarating sila sa parking area.

Exclusive ang lugar na ‘to pero hindi naman mahigpit ang security which is very alarming to her. Kung alam lang ni Kitty na ganito eh naghanap nalang sana siya ng iba.

She sighed as she carefully guiding her son on the backseat. “You okay?”

Tumango kaagad si Ryker, wala man lang kareareaksiyon ang mukha niya.

“Sure baby?”

“Yes mom.” he shortly answered.

Napanatag naman si Kitty sa naging sagot nito. She’s just making sure that his son will be comfortable.

Hindi na siya kumibo pa at umupo nalang sa driver’s seat. She revive the engine and exited the place within a minute.

Pakiramdam niya may kakaiba ngayon kay Ryker. He’s so silent and Kitty was not used to it. Kilala niyang makulit at bibo ang anak niya.

She slightly glanced at the rearview mirror para i-check siya ulit. He looks like he is missing someone. Parang may hinahanap ang mga mata niya.

Mas lalong naging palaisipan iyon kay Kitty. The day Ryker was missing, saan kaya talaga ito nanggaling? And that so-called uncle he always mention, who is he?

Masyado siyang nag-iisip ng kung anu-ano. She unconsciously shook her head. After a few minutes, they arrived at the supermarket.

Muling bumalik ang mga alala niya kasama si Nikolai. Sa dinami-dami ng grocery store bakit dito pa?

She’s about to turn the car to exit the place when Ryker suddenly spoke, “I thought we are buying groceries mommy?”

Nagulat siya at hindi alam ang gagawin. “Uh—yes w-we are baby. H-Hindi ko lang mahanap yung parking lot.”

“I saw it mommy. Look, over there.” itinuro ni Ryker ang malaking espasyo sa gilid ng store. He’s right, there it is.

Kunwari ay napakamot nalang ng ulo si Kitty. “My bad.”

Napabungisngis ang bata sa kaniya. Kitty smiled wider. He’s good now.

Agad na umibis si Kitty mula sa sasakyan at pinagbuksan ng pinto ang kaniyang anak. Her cute son pulled her inside the store immediately.

“Ryker be careful anak.” paalala niya. Dumiretso sila sa starting point where you can find the baskets and trolleys. Kumuha naman ng isang trolley si Kitty.

“You want to ride?” she asked her son. Napatango-tango naman ang bata sa kaniya.

“Yey!” dahan-dahan niyang binuhat ang maliit na paslit at isinakay sa loob ng trolley. “Gusto ko pong sumama always kapag po bibili kayo rito.”

Natawa si Kitty. “Copy that baby.”

Ryker’s smile grew wider. Siguradong magpapabili na naman ito ng maraming candy.

~•~•~

“Fuck!” Nikolai cursed nang makitang wala ni isang lamang pagkain ang food storage niya.

Pati na rin ang refrigerator ay puro tubig nalang ang laman niyon. Bukod sa tatlong piraso ng itlog, bote ng mayonnaise at ketchup na nakatambak doon ay wala nang makikitang iba.

How To Act Straight? [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon