KABANATA 13

133 7 1
                                    

“Nikolai? Bakla…” how many times did Kitty call him? Lagpas na ata sa lima pero wala siyang imik sa tabi nito.

“Tulog ka na ba?” bulong ni Kitty. Unti-unti niyang sinilip ang mukha ni Nikolai na nakadantay sa balikat niya. Confirmed! Nakatulog na nga.

Saktong patapos na rin ang palabas nang mapagdesisyunan ni Kitty na patayin na ang T.V. Maingat niyang inabot ang remote sa harapan niya, maingat at may limitasyon ang paggalaw nito dahil ayaw niyang magising ang tulog na tulog na si Nikolai.

Dahan-dahan niyang inihiga si Nikolai sa higaan niya. Napabuga siya ng malalim na hininga, mabigat ang timbang ni bakla at muntik na siyang mawalan ng balanse dahil doon.

“Hmm…” naalimpungatan bigla si Nikolai. He noticed her stood up. “Come. Sleep here.” utos niya gamit ang mahina at garalgal nitong boses.

“Sa guest room nalang ako.” agarang pagtanggi ni Kitty.

“Baka bisitahin ako ng multo. Sige na.” pagmamakaawa niya. Sa laki niyang tao, takot sa multo?

Palihim namang napangiti si Kitty. Kahit kailan parang bata. She shook her head. Mukhang naniwala sa sinabi ko ah?

Pinagpagan ni Nikolai ang espasyo sa tabi nito. He offered that space to her.

“Huwag mo akong gahasahin ah?” biro ng dalaga.

“Ano ba ang tingin mo sa akin? Rapist?” natatawang tanong ni Nikolai.

“Malapit na.” sagot ni Kitty at tuluyan nang humiga sa tabi niya. Malawak naman ang kama pero sakop lahat ni Nikolai iyon.

“Usog ka nang konte, baka mahulog ako.” suhestiyon ng dalaga at umusog naman si Nikolai para maka pwesto sila ng maayos.

Hinila ni Kitty ang malaking comforter. Ilang minuto pa ay dinalaw na rin siya ng antok.

Kinabukasan, pagkamulat ng mga mata niya ay mukha ni Nikolai ang unang bumungad sa kaniya.

“Ay bakla!” napamulagat siya sa gulat.

“Good morning bruha. I-check mo muna sarili mo.”

Nangunot ang noo ni Kitty. “Why oh why?”

“Kung may bakas ba?”

Sineseryoso niya talaga yung mga biro ko? Napailing-iling si Kitty at bumangon.

“Sira.” she pinch his nose.

Nikolai chuckled at her, “Magluto ka na dun.” maya-maya ay utos pa niya.

“Instant katulong din eh ‘no?” sarkastikong tugon ng dalaga sa kaniya.

“That’s your job. Pinapasweldo naman kita.” mayabang namang sabi niya.

Napangiwi nalang si Kitty at lumabas sa kwarto. “Tse!”

Nikolai chuckled at her again. Bumangon siya at pumasok sa loob ng banyo. He showered a cold water, that’s his morning routine.

Abala naman si Kitty sa pagpiprito ng omelette sa frying pan. She unconsciously smiling like an idiot. Hindi niya alam kung bakit masaya siya ngayon. Bagaman hindi siya masyadong nakatulog kagabe kaiiisip sa pesteng halik na ‘yon, parang fully charged naman ang katawan niya. Nagagawa niya pang ngumiti nang kay aga-aga.

She sang a song until she’s done preparing their breakfast. Delusion na kung delusion, pero napansin ni Kitty na mukhang nagbago ang pakikitungo ni Nikolai sa kaniya. Like he’s not the old Nikolai she used to know before. Hindi na siya nagsusungit at madalas ay clingy na nga ito sa kaniya.

How To Act Straight? [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon