KABANATA 2

158 8 1
                                    

“Ayos ka lang ba?” medyo concern na tanong ni Kitty nang makababa na sila sa mini stage.

Balisa at tulala ang hitsura ngayon ni Nikolai. Hindi alam ng dalaga kung bakit siya nagkaganyan bigla. Ayos na ayos naman siya kanina.

Gutom ba siya? Hindi ba siya kumain?

“Naiirita na ako sa suot ko,” nakangusong reklamo ni Kitty habang inaayos ng maigi ang laylayan ng gown nito. Sa totoo lang, nangangalay na rin ang mga binti niya dahil sa taas ng suot nitong heels. Hindi siya sanay sa ganito.

“Stay there.” utos niya at sabay na napatayo.

Taka namang tumingala ang dalaga, “Ha? Saan ka pupunta?”

Hindi siya sumagot. Ni hindi man lang nag-abalang lingunin siya nito. Nasa iba nakatuon ang kaniyang atensiyon, tila ba’y may hinahanap sa kabuoan ng venue.

Mas lalo siyang napabusangot nang tuluyan na ngang umalis si Nikolai at iwan siya mag-isa.

“Ano ba ‘tong si bakla! Nakakaibyerna.” bulong-bulong niya sa tabi. Sinipat-sipat nito ang kaniyang mga paa kung ayos pa ba. Namumula na ang mga sakong niya.

“Hello. Kitty, right?” bahagya siyang napatalon sa gulat ng biglang sumulpot ang isa sa mga pinsan ni Nikolai.

Tuliro namang napatango si Kitty, “A-Ah…” nablangko ang utak niya.

Asan ka ba kase pumunta si Nikolai?! Yare ako nito!

Pilit ang ngiti niya nang daluhan siya nito sa table, “I’m Vin, does it ring a bell to you?” matamis ang klase ng pagkakangiti niya. Biglang nailang si Kitty dahil doon.

“A-Ano…” she scratches her head.

“Where’s kuya Niko?” nangunot ng bahagya ang noo niya.

“N-Nasa CR lang,” pagrarason niya naman. Hindi nga siya sigurado kung nandoon nga ito.

Nakakainis naman!

Vin smiled at her, “Anong nagustuhan mo kay kuya?” napatigalgal ang dalaga sa klase ng tanong niya. Deretsahan naman. Wala pa akong script!

Nameke siya ng tawa at napaayos ng upo.

“H-He’s kind and gentleman… saka gwapo, sino ba namang babae ang hindi mahuhulog sa kaniya? He’s everything that I wanted for a man, your kuya Niko is a total package.” mahaba niyang sagot. Tama ba ang grammar ko?

Napatango-tango siya at halatang hindi masyadong kumbinsido, “Wala man lang siyang nabanggit sa akin na may girlfriend na pala siya,” bakas ang pagdududa sa tono ng pananalita niya.

Agad na rumagasa ang kaba sa dibdib ni Kitty, “W-We’re kind of p-private kase.” nagsisimula na siyang pagpawisan ng malapot. Gusto niyang kapain ang kili-kili ni Kitty kung pawisan na rin ba ‘yon, pero nandito pa kase si Vin kaya mamaya nalang. Baka mahimatay pa siya sa gulat.

“Hmm… ilang years na pala kayo?” muling nagtanong si Vin.

Napaubo ang dalaga, “Almost one year and a half.” napaubo ulit ito. Halatang nagsisinungaling siya.

Tumaas ang isang kilay niya. Masyado naman ‘tong feeling detective. Napangiwi siya ng palihim.

Muli siyang natahimik at hindi na siya ulit nagtanong pa pero nakaupo parin ito sa harapan ng dalaga. Parang gusto nalang niyang magpalamon sa lupa. Mang-iiwan talaga si bakla.

Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni nito ay biglang napigtas ang suot niyang kwintas mula sa kaniyang leeg. Agad na nahulog iyon sa sahig.

“Ay shet!” malakas na sigaw niya at nasapawan pa nito ang orchestra na tumutugtog sa buong venue.

How To Act Straight? [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon