A month later, Nikolai and Kitty decided to continue the plan. Pero sa kabilang banda, binalikan niya ang kaniyang Ex-boyfriend.
Sa isang buwan na lumipas, madaming nagbago at nasanay na rin si Kitty na nakikita ang dalawa na naglalandian sa harapan niya, madalas nga nilang ginagawa ‘yon lalo na kapag malapit lang ang dalawa sa kaniya. Parang nananadya.
Para ano? Inggitin ako? She thought.
“Naku, alam niyong may kasama kayo! Malalantod na ‘to,” napanguso si Kitty dahilan para matawa ng sabay ang mag jowa. “Alam mo Denver? Lagi kang bukambibig netong baklang ‘to.”
Napangiti naman si Nikolai ng palihim.
“Ano bang kinukwento niya sa’yo?” Denver hugged Nikolai from behind and rested his chin into his shoulder. Pinagdikit niya ang pisngi nilang dalawa.
“Puro kalandian niyo lang naman. Eh ano pa ba?! Nakakarindi narin minsan eh.” biro ng dalaga habang ngumunguya ng potato chips.
Nandito sila sa condo unit ni Nikolai. Weekend naman ngayon at naisipan nilang manood ng movies, past time.
“Anong kalandian?!” depensa kaagad ni Nikolai.
“Saka pati yung ano… alam mo na.” dagdag ni Kitty, may tinging mapang-asar sa mga mata niya.
Namula kaagad ang mukha ni Nikolai. She’s really a tease!
Kitty blurted out a loud laugh that echoes the room. “Nagsasabi lang ako ng totoo ‘no?” nakikinig naman si Denver sa usapan.
“Tapos heto pa. Ang lala nito ‘pag lasing. Madaldal tapos biglang sasayaw na ewan, kung ano pang pinaggagawa eh, muntik na akong halikan.” naaliw si Kitty habang inaalala noong time na nalasing si Nikolai.
Flashback…
“Hik-b-bruha!” nakangusong tawag ni Nikolai sa kaniya.
“Oh? Kaya mo pa? Tama na ‘yan.” natatawang awat ni Kitty at sabay na inilayo ang bote ng alak sa lamesa.
“Eh? B-Bakit mo tinago?” namumula ang parehong pisngi ni Nikolai. Pasuray-suray siyang naglakad at hinanap sa ilalim ng lamesa ang alak.
Pinalo naman siya ni Kitty sa braso. “Sira! Lasing ka na. Tama na ‘yong lima kanina, mahina ka pala eh.”
Lasing na nga si Nikolai at madali siyang natamaan ng alak habang si Kitty ay lampas na sa pito ang nainom niya, pero eto siya, tuwid padin.
Naningkit ang mga mata ni Nikolai at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Kitty. “L-Let me see bruha. Hik-“ nagtama ang paningin nila.
“B-Bakit na naman?” medyo naalarma si Kitty ng bigla-biglang inilalapit ni Nikolai ang kaniyang mukha sa kaniya.
He giggled at her. “A-Ang ganda talaga ni bruha… ayusan kita gusto mo?” napangisi siya.
“Aayusan? Sa lagay mong ‘yan? Baka magmukha pa akong clown. No thanks!” tumayo si Kitty at lumipat sa kabilang sofa. Napapadyak-padyak si Nikolai at mas lalong nalukot ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
How To Act Straight? [COMPLETE]
RomanceNikolai needs to act straight in front of his family in order to inherit all of the properties given by his late grandfather. But how long will it takes? *** Katarina or in short-Kitty, ang babaeng loss virgin--ay este ang babaeng para lamang kay...