KABANATA 24

93 5 1
                                    

“Ryker?” tawag ni Kitty sa anak nito. Katatapos lang niyang magligpit ng mga dala nilang gamit.

Naka-prepare na rin siya ng snacks sa dining area when she realize, Ryker is nowhere to be found. Naglalaro lang siya kanina rito pero bakit nawala nalang ang bata bigla?

Her heart starting to pound so fast, she’s anxious and worried at the same time. What if lumabas na ang bata sa building? He’s still new and adjusting to his environment.

Sana naman hindi…

“Ryker? Where are you baby?” she keeps on calling her son. “Ryker, this is not funny anymore!” natataranta na si Kitty. Hindi niya talaga mahanap ang anak nito. Mali rin ang pares ng tsinelas na suot-suot niya.

Naglakad siya sa corridor ng building. Wala ang slippers niya sa labas ng pintuan but his toys were left on the ground.

This is the first time he did this. Lagi naman kaseng nagpapaalam ang bata sa kaniya.

“Hello? Tao po.” naisip na din niyang katukin ang katabi nitong unit.

Bumukas ang pintuan at sumalubong ang maganda at matangkad na babae sa harapan niya.

She was smiling at Kitty, “Yes?” bahagyang kumunot ang noo niya sa pagtataka.

Hindi maitago ni Kitty ang labis na pag-aalala sa kaniyang mukha. “M-May napansin ka bang bata rito? Nawawala kase ang anak ko.” konti nalang ay mukhang maiiyak na siya.

“Ano ba ang hitsura niya miss?” tumabingi ang ulo ng babae.

“He wears blue shirt at saka naka pajama ng stripes… ano—maliit lang siya, he’s very talkative and grumpy.” paliwanag pa ni Kitty.

“Oh—wait I remember, I think I saw him.” maya-maya’y kompirma ng babae.

Nabuhayan ng loob si Kitty sa sinabi niya. “W-Where?” napalinga-linga siya sa paligid.

“Sumama siya sa isang lalaki, kung hindi man ako nagkakamali—”

“Oh my god…” mas lalong dumagundong ang kaba sa dibdib niya. Napatakip siya sa kaniyang bibig. She’s scared, really scared at what she said. Hindi niya alam ang gagawin niya kung may masama nang nangyari sa bata, tatawag na ba siya ng pulis for kidnapping?

Her eyes are starting to water. Nanlambot ang tuhod niya sa panghihina.

“Hey, okay ka lang miss?” nagulat ang babae sa inasta niya.

Bigla nalang napaluhod si Kitty sa sahig at doon ay lumuha siya. “M-My baby…” she murmurs in her cry.

“Diyan ka lang, kukuha lang ako ng tubig.” pati ito ay hindi na rin niya alam kung ano ba ang dapat na gawin.

Naiwan si Kitty sa labas at iyak nang iyak. She was about to call the police and report it when suddenly Ryker runs into her and hug his mommy on the back.

“M-Mommy! Why are you crying?” tanong nito gamit ang matinis niyang boses.

“W-Where have you been? I was looking for you.” mahigpit niyang niyakap ang kaniyang anak. Hindi parin matigil ni Kitty ang mga luha niya. She don’t want to loss him. Sino ba namang ina ang gugustuhing mawala ang anak niya?

“Stop crying mommy. I’m so sorry po.” he pouts and wants to cry too as soon as he saw his mommy crying.

Pinakatitigan niya ang mukha ng bata. Ryker wipes her tears from her cheeks using his little fingers.

“I-I was so worried. ‘Wag na ‘wag mo nang uulitin iyon.” Kitty gasped in the air.

Ryker nod his head. “I was just playing with uncle. I think I have a new friend now.” napangiti ang bata habang binabanggit ang isang lalaking estranghero.

How To Act Straight? [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon