KABANATA 8

155 7 1
                                    

“Nikolai? Nasaan na ba ‘yong baklitang ‘yon?” pumasok si Kitty sa kwarto ni Nikolai upang silipin doon.

“W-Why?” he replied, rinig na rinig ang paglagasgas ng tubig na nagmumula sa shower ng banyo. Mukhang naliligo si Nikolai.

“Nakita mo ba yung maong short ko?” inilibot ni Kitty ang kaniyang paningin nang mapansin niya ang ilang kalat ni bakla sa sahig. “Ang kalat mo, balahura! Naturingan ka ba namang maarte.” napatikhim ang dalaga at isa-isa niyang pinulot ang nagkalat na damit. Maayos niyang tinupi iyon at nilapag sa maliit na table.

“No. Bakit ko naman papakialaman ‘yang mga gamit mo?” nagsalita uli si Nikolai. Pinatay niya ang shower at ilang minuto ang nakalipas, tapos na siya.

Bumulaga si Nikolai nang nakatapis lang ang kalahati nitong katawan, abala ang kanang kamay sa pagpupunas ng basa nitong buhok.

Nagulat naman si Kitty sa kaniyang nakita. “B-Bakit hindi ka pa nagbihis sa loob?” unti-unting namula ang pisngi niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. She closed her eyes tightly and balled a fist.

“Malay ko bang papasok ka rito? At isa pa, sa walk in closet ako nagbibihis.” pagdadahilan niya. Hindi man lang nag-react si Nikolai gaya nung sa kaniya. Hindi man lang siya nagulat.

Kitty froze at the moment, “S-Siguro lalabas na muna ako.” utal-utal na sabi niya at saka kumaripas ng takbo papalabas ng kwarto.

Mahinang natawa si Nikolai. “She’s so transparent.”

Pahangos-hangos na pinakalma ni Kitty ang naghuhuramentadong dibdib niya. She pinch her cheeks, they are burning up. Nagba-blush ba siya?

“Bakit naman ako mamumula?” bulong niya sa kaniyang sarili nang biglang pumasok sa isipan niya ang hitsura ni Nikolai paglabas nito mula sa banyo.

He was dripping wet, his eyes was alluring, his lips was reddish and plump, messy hair, he had this six-pack abs which is crazy—

Napailing-iling siya at pilit na binura iyon. She even slapped herself, “Get a grip Kitty!”

Hindi siya makapaniwala na ganun nalang niya kadaling nakabesado ang lahat ng detalye. As in lahat! Those moments was so vivid in her mind.

Huminga siya ng malalim at saglit na pumikit. Napasandal siya sa dingding.

“Stop fantasizing me bruha.”

Kitty forcedly open her eyes. Nikolai is towering her, his playful smirk were displayed on his face.

Nanlaki ang butas ng ilong ni Kitty, “H-Hindi ‘no! Bakit naman kita pagpapantasyahan?! Tigas ng mukha mo!” mas lalong uminit ang mukha niya sa kahihiyan.

Nagkibit-balikat si Nikolai. “But your face says it all. Tara tingnan natin sa salamin—”

“Shut up!” napasimangot si Kitty at malakas namang natawa si Nikolai sa kaniya.

Napaismid ang dalaga at naiilang parin siya sa presensiya ni Nikolai kahit na nakabihis na siya sa harapan nito.

“Baka tumili ka pa kung ikaw naman ang sunod kong pagtitripan.” matapang na banta ni Kitty. Seryosong-seryoso ang mukha.

Hindi nabura ang ngisi ni Nikolai sa mga labi niya, bagkus ay mas lalo pa siyang natawa. “You know it’s too much childish but I like teasing you, so… sorry not sorry.”

“Ha! Tigas!” she snorted and quickly averted her eyes from him.

“Ng abs ko? That’s true. I’ll take that as a compliment.” patango-tango pa siya. Hindi talaga papaawat si Nikolai.

How To Act Straight? [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon