New life, new surroundings. Ganiyan sumalubong kay Kitty ang pangyayari. Kasal na sila ni Nikolai at sa iisang bubong na sila maninirahan.She unpack her luggage to their room.
“No! Sa guest room ka.” masungit na sabi ni Nikolai. Pinigilan niyang ang pagtangka ng dalaga.
Bakas ang pagtututol sa mukha ni Kitty. “Bakit naman doon? I thought—”
He cut her off by clearing his throat. He fake a cough, “For now, occupy that area. Pag-iisipan ko na muna, boundaries Kitty!” umaksiyon siya na parang nagpapatayo ng bakod sa hangin.
Padabog namang inayos ni Kitty pabalik ang mga gamit niya sa loob ng bagahe nito at naparolyo ang mga mata sa ere.
“You’re so attitude bruha.” maarteng napa-flip ng imaginary hair si Nikolai. Sumobra na ata ang kabadingan niya. Malaya siya eh.
“Ikaw nga ‘yong maldita eh, baklang ‘to!” padarag na hinila ng dalaga ang de gulong nitong bagahe at nagtungo nga sa isa sa mga guest room nila. Bale tatlo ito at pumasok siya sa kanang kwarto dahil mas malapit lang sa room ni Nikolai kung sakali mang magkaroon ng emergency, gaya ng biglaang pagbisita ng biyenan niya, halimbawa.
“Punyeta siya!” napangiwi ito habang sinisimulan nang isalansan ang tupi niyang damit sa closet. Ang iba ay naka-hang nalang sa hanger.
Kapagkuwan ay naalala niya ang kinalabasan ng honeymoon nila noong isang araw.
Flashback…
“We’re going to South Korea—”
Namilog ang mga mata ni Kitty sa narinig. “Wow! Pero masyado naman atang malayo.” may pag-aalinlangan sa kaniya.
“There’s no thing that’s impossible when it comes to me, I have my own ways bruha.” he sneered at maarteng hinila ang dalaga. Nagpatianod nalang siya sa hila niya.
Sumakay sila sa private jet ng mga Dela Paz na ngayon ay pagmamay-ari na ni Nikolai. He already owned all the properties from his late grandfather.
Biglang nalula si Kitty nang magsimula na silang umangat sa ere. “Hoy bigla-biglaan naman. Hindi pa ako nakakuha ng pamalit ko, ano ba?”
“Bahala na.” he replied and ignored her.
Natawa siya sa katangahan ni Nikolai. Masyado ba siyang excited? Oh baka nandoon lang si Denver kaya nagkakaganyan na naman siya? She asked to herself.
May pagtututol sa loob-loob niya nang pumasok sa isipan niya si Denver. Palagi nalang kase siyang kasama sa tuwing lalabas sila. Wala pa ni isang beses na dadalawa lang silang lumabas ni Nikolai dahil laging nakabuntot iyong jowa niya sa kaniya habang para naman siyang isang personal guard kung ituring.
They reached their destination in a blink of an eye, South Korea.
“May relatives kami rito don’t worry.” he said at nagulat namang napatitig si Kitty sa kaniya. Processing the information he just blurted out.
She was taken aback. “Hindi nga?”
“It’s up to you if you’re not gonna believe me but I’m just spitting the fact.” lumabas sila sa airport nang may naghihintay nang black na SUV at mukhang ito na ‘yong sundo nila.
BINABASA MO ANG
How To Act Straight? [COMPLETE]
RomanceNikolai needs to act straight in front of his family in order to inherit all of the properties given by his late grandfather. But how long will it takes? *** Katarina or in short-Kitty, ang babaeng loss virgin--ay este ang babaeng para lamang kay...