I

27 4 5
                                    

Bff nga(nalang) ba talaga tayo?
...

"Sup" rinig ko sa likod ko at ramdam na ramdam ko presensiya niya, niligon ko ito at lumiwanag ang mukha ko.

"Hi Vince." Malamig ko parin na tugon. Well sanay naman siya sa ganoong aura ko kasi ganun talaga personality ko "Kamusta? Goodluck sa first day ah" sabi nito habang naglalakad kami sa hallway "still breathing." Sabi ko naman at iniiwas ang tingin ko sakanya.

Well oo may pagtingin ako sakanya mula pa noong bata kami, close na close ko siya to the point tinatanggal niya mga kuto sa ulo ko noon. Mas lumala lang ngayon di niya alam na yung mga salitang binabanggit niya ay binabaliw puso ko.

"Andaya. Wala akong goodluck sige pagtanda di kita gagawan ng bahay!" nakangusong sabi nito tila nagtatampo ang cute oo pero dapat maangas parin para di niya mahalata

"Ewan ko sayo, goodluck." Sabi ko naman bago kami maghiwalay...

ng daan. Malayo kasi classroom niya sa classroom ko e.

"Hoy!" rinig ko habang naglalakad, hindi ko nilingon baka mamaya di naman pala ako yung tinatawag. Awkward kaya non! Matawag pa akong feelingera.

May humawak sa braso ko kaya muntik na ako ma out of balance "Grabe ka na, tinatawag kita pero hindi mo ako nililingon. Wala na I'm so hurt" nakangusong sabi nito habang nagpapaawa hinampas ko siya sa braso at napailing "kung tatawagin mo ako, dapat pangalan ko." Sabi ko nang malamig parin ang tono at tumawa siya.

Sabay kaming pumunta sa classroom at nagkwekwentuhan. Ewan ko ba! Di naman ako madaldal e, dinadaldal lang ako nito ni Leo. Kay Leo lang lumalabas ngiti ko sa mga walang kwentang bagay tulad nalang pag nagkatitigan kami ay matatawa na agad ako

As usual, magkatabi kami ni Leo ng upuan at wala nanaman akong magegets nito! Magtatawanan nanaman kami hanggang uwian tulad last year. Pinaka ayaw ko kapag first day ay yung introduce yourself like for real.

"Good Morning Madame Jo" bati naming lahat nang makita siyang pumasok sa room. "Good Morning class! Let's start our day with a prayer" tugon niya naman samin habang di naaalis ngiti niya sa kaniyang labi.

Ito na, ito na ang kalbaryo ko tuwing pasukan! "Hi, I'm Jaile L. Fernandez. It is nice to meet you all." Maikling sabi ko at iniiwasan tumingin kay Leo kahit ano pang mangyari. At tsaka, ayoko kayang magshare ng info lalo na sa taong makikita ako araw araw. Duh!

"Hello everyone, Leonel Hash Martinez nga pala-" natigil ito nang mabaling tingin sakin na halos mamatay na kakapigil ng tawa

"Wait Madame, si Jaile kasi" kinamot niya ang kaniyang ulo, ngumisi ako nang i-turo niya ako "Varsity, Gwapo, Matalino, Mabait, Maka diyos, at higit sa lahat Mapagmahal" pagpatuloy niya nang mahimasmasan sabay kindat niya. Uzg this man is so full of himself.

Tama naman sinabi niya sa characteristics niya pero Mabait? utot mo Leo ginawa mo nga akong shield noong hinahabol tayo ng aso sa park. Napaka-sinungaling nakakagigil.

"Ang plastic mo." Salubong ko sakanya nang maupo na siya sa tabi ko. "Shut up, para syempre kailangan natin magpasikat para makahanap ng love life." Nakangiti niyang sabi habang inaayos buhok. Talaga tong lalaking to! Mas concious pa kaysa sa akin.

Uwian na at naglalakad ako papuntang gate, ang boring, tahimik, at madilim mag aalas-sais narin kasi kaya napagisipan kong ilagay earphones ko at makinig nalang sa favorite artist ko na si Solomon.

...

Truth Deceived Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon