Warning
..."Uy!" nagulat ako sa nakita ko
"Leo!" Tumayo ako't tumalon sa presensiya niya at hinigpitan ang yakap.
Naka white rolled up polo siya with black slacks at black school shoes halatang galing pa sa school dahil dala-dala niya yung backpack niya na black sa isang balikat.Maputi si Leo, matangkad, malinis sa katawan, mabago, at siyempre kilala sa mga babae dahil sa kagwapuhan nito. Kaso nga lang tarantado!
Hindi ko napansin na tumutulo ang luha ko nang umimik siya "Huy ano? okay ka lang ba? bakit feeling ko basa balikat ko?" hinawakan niya ako sa magkabilang braso para i check kung ayos lang ba ako
"Bakit ka umiiyak te?" nag-aalalang sabi niya, umiling ako at ngumiti. Hinatak niya uli ako at niyakap nang mahigpit.
Ito,
Ito ang kailangan ko.
Bumitiw siya sa pagkayakap, "Buti nalang naisip ko bumisita dito" malambing na sabi niya at pinaupo ako "Bakit ka napadalaw?" tanong ko naman sakaniya habang pinupunasan ko ang luha ko
"Eh kasi eh..." dito na naging seryoso aura niya, ngayon ko lang siyang nakita na ganito. "Ano?" nagtatakang sabi ko at lumapit sa kanya "Ano kasi..." napakamot siya sa batok niya "May napanaginipan ako Jai, may masamang mangyayari dito sa school mo" naiiyak na sabi nito
"H-huh?" napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Lahat ng napapanaginipan niya ay nagkakatotoo lalo na't kung naapektuhan siya nito masyado.
"Mamaya ipagdarasal ko ang kaligtasan niyong lahat dito" marahang sabi niya. Napansin niya ata na nangamba ako sa sinabi niya. Yinakap niya ako at pinapagaan ang nararamdaman ko.
"Pres?" rinig ko mula sa likod at inalis kaagad ang pagkakayakap ni Leo sa akin. Agad kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at saka sumagot "B-bakit?" tanong ko sakaniya
"Hinahanap ka po ni Carl." agad na sabi ni Raymond at nanlaki ang mata ko "Bakit?" "May problema ba?" "Anong nangyari?" sunod sunod na tanong ko
"Naku, chill lang po kayo President. Gusto daw po niya kayo makausap." agad naman na sabi ni Aldrin nang makita niyang nagpapanic ako.
"A-ah okay."
"Papunta na ako sa canteen. Dun nalang kamo kami mag-usap." malamig na sabi ko sakaniya at inayos ang bag ko
"Leo ano sasama ka?" tanong ko naman sakaniya nang tingnan niya ako nang matagal at naging dahilan ng pagkataka ko.
Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil antagal niyang sumagot
"S-sige pero lalayo muna ako sa table niyo para u know, privacy." sabi niya habang nakangiti at nag insist na siya na magdala ng bag ko
"Okay sige, tara?" aya ko sakaniya at tumango ito, ang mapupungay niyang mata na malalim ang tingin ay ngayon nabalutan ng saya.
Hinawakan niya ang kamay na inalok ko sakaniya pero hindi niya binibitawan iyon.
halos makarating kami sa canteen hindi niya parin binibitawan kamay ko.
Ano bang mayroon...
Anong nangyayari...
Kumalma ka Jaile...
BINABASA MO ANG
Truth Deceived
Mystery / ThrillerTears frequently drip from our eyes. What if the tears were replaced with blood? Love kills us, but fate allows us to feel linked. But why be confused? hurt? and suffer? Does it actually damage us? or not? Do you think Jaile Fernandez would survive...