Mateo
...
Andito ako sa ospital kung saan cinonfine si Mateo. May fracture ang bungo niya at currently na siya nasa operating room.
50/50 daw ang survival rate ni Matt ngayon kaya naman nag-aalala ako nang husto "Shhhh... I am sure he'll be fine." pag assure sa akin ni DK.
Onti-onti nang nagdatingan ang mga kakilala ni Matt pati narin sina Avhen.
"Bessy..." rinig kong yakap mula sa gilid ko nang makita si Avhen na nakayakap sa akin kasama si Russel, Laurence. at Anthony.
"Si Heiron?" tanong ko naman nang marealize ko na hindi kami kumpleto.
"He's on his way, may mineet-up lang daw siya e." sagot sakin ni Avhen at tumango ako.
"Ikaw! Ikaw babae ka kasalanan mo ito! Dahil sayo napahamak ang anak ko!" sinugod ako ng isang matandanng babae, galit na galit at nanlilisik ang mga mata.
Familiar siya sa akin, iba na ang kulay at haba ng buhok ngunit siya parin iyon.
Umasta siyang sasampalin ako nang pigilan iyon ni DK.
"Ma'am Aly?" nagtatakang tanong ko
"Oo! Missed me?" galit parin na sabi nito
"Dont you dare lay a finger on her, woman." pagbabanta ni DK nang higpitan niya ang hawak sa pulso ni Ms. Aly.
"Kung alam ko lang na ito ang kahihinatnan ng anak ko sayo edi sana matagal ko na siyang pinalayo sa iyo!" sigaw pa niya
Wala akong naging reaksiyon nakatingin lang ako nang blanko sa mga pinagsasabi niya.
Para bang walang pumapasok sa utak ko ng kahit ano.
Tulala akong nakatingin sa mata ng naging bangungot ko dati.
Hinila na siya ng guard dahil nag eeskandalo na siya sa loob ng ospital.
"Hey." lumuhod si Russel sa harapan ko nang maupo akong walang ekspresyon ang mukha.
Sila lang ba ang nasasaktan?
Sila lang ba ang napapagod?
Sila lang ba?
Bumalik ako sa katinuan ko nang tapikin ni Russel ang pisngi ko nang marahan.
"It's not your fault okay?" pagtatanda nito sakin
Yinakap niya ako at mabilis din siyang bumitaw.
"Ano ba kasing meron sainyo nung Mateo na 'yon? Kayo na ba?" nagtatakang tanong ni Dyzal
"We like each other." sagot ko
"But it's for the best na hindi ko siya ipursue." dagdag ko habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko
"Bakit?" tanong ni Avhen mula sa gilid ko
"He doesnt deserve someone like me." malamlam na sambit ko habang nakatingin sa lapag.
Napatayo ako nang may lumabas na doktor mula sa operating room kung nasaan si Mateo
"Doc? Doc! Ano na po ang balita? Maayos na po ba siya?" naluluhang tanong ko sa doktor
"Maayos naman ang operation. Pero ipagdasal natin na magising siya sa lalo't madaling panahon." seryosong sabi ng doktor
Para akong nabunutan ng tinik sa puso ko nang malaman na okay na kondisyon ni Mateo, kailangan lang niya magising.
Sa unit niya ako magpapalipas ng gabi dahil ayokong maiwan siya rito sa ospital. Andyan man ang nanay niya pero gusto ko na nakikita ko si Mateo hanggang sa magising siya.
"Jaile, you need to rest." sabi ni Laurence habang nakasandal sa dingding.
"I'll pray for Mateo. He is a nice guy pa naman." sabi naman ni Avhen nakaupo sa kabilang dulo ng sofa
Magkatabi si DK at Russel sa may balcony, nakabukas naman ang pinto at rinig sila pero hindi naman sila nagkwekwentuhan.
Someone knocked on the door at inopen naman iyon ni Laurence dahil siya ang pinaka-malapit
It was Heiron.
"Im sorry, late ako. Inasikaso ko yung case ni Mateo." paliwanag nito habang papunta sa sofang inuupuan namin ni Avhen.
"Anong balita?" pangungulit ko sakaniya.
"Well..."
"Yung martilyong kulay pula na sinabi mong ginamit sa crime scene ay hindi na matagpuan...
Pero yung kutsilyong nasa pintuan mo ay may pinag gamitan." sabi ni Heiron
"H-huh?" nagtatakang tanong ko
"Nakita ang bangkay ni Noviern Queca sa tabi ng bahay niyo...
Matched ang size stab wounds at ang kutsilyo sa katawan ni Noviern, and now mineet ko yung investigator ng pulang martilyo at ng fingerprint ng nasa kutsilyong namataan sa loob ng bahay niyo." pagtatapos niya.
"H-huh?" naiiyak na tanong ko "Si Noviern?" dagdag ko pa
Agad namang lumapit si Dyzal sa amin nang marinif ang pangalan ni Noviern
"ANO?!" galit na sabi nito.
Noviern was Dyzal's bestfriend mula pa nung siya ang namumuno sa LHS. Alam kong masakit sakaniya ang nabalitaan niya.
"Nasaan siya ngayon?!" gigil na tanong nito kay Heiron.
"He's now undergoing embalmy." Sagot naman ni Heiron.
Hinablot ni Dyzal ang coat niyang naka sampay sa isang upuan at dali-daling umalis.
"How's Mateo?" panunuloy na tanong naman ni Heiron
Kwinento ko sakaniya ang kalagayan ni Matt at napanatag din kahit papaano ang loob niya.
"Naabot ba sayo ni Leo 'yung pinabibigay ko?" dagdag niya
"Ah oo, kaso nakita ko lang eh. Bigla kasi siyang umalis, nadala ata yung documents. Nakalimutan ganon." sagot ko
"Nakita mo yung bank check?"
"Oo."
"Sigurado akong may kinalaman o may alam si Noviern kaya pinatahimik siya." seryosong sabi ni Heiron habang nakatingin sa kisame.
"Yeah thats what i thought din. I saw him sa school a couple days ago, he seem bothered, balisa, at tahimik." kwento ko
"What?" tumingin sakin si Heiron at Avhen dahil nagulat sila sa kalakasan ng boses ni Heiron
"Calm down guys naman." reklamo ni Avhen.
"When?" taas kilay na tanong niya
"The day na naaksidente si Carl." sagot ko.
"Feeling ko konektado to lahat, Jaile." balisang sabi niya at umiling.
"Iisang tao lang may pakana nito." dagdag niya.
"And that someone ay malapit sa atin."
Nagulat ako sa biglang imik ni Russel mula sa balcony, kanina pa siya nakaupo roon at hindi humarap sa amin mula pa kanina.
"Jaile, hinding hindi mo makukuha ang hustisyang hinahanap mo kung hindi mo bubuksan 'yang puso mo."
...
BINABASA MO ANG
Truth Deceived
Mystery / ThrillerTears frequently drip from our eyes. What if the tears were replaced with blood? Love kills us, but fate allows us to feel linked. But why be confused? hurt? and suffer? Does it actually damage us? or not? Do you think Jaile Fernandez would survive...
