XIV

10 3 12
                                    

Threat
...

"Babu?" rinig ko paulit ulit sa gilid ko kaya naman bumalik ako sa huwisyo. Napatingin ako kay Carlo nang alalayan akong umupo sa upuan nang maayos.

Ilang minuto ay nawala na ang kumpulan at natulala parin ako.

"Babu? okay ka lang?" napatingin ako sa nagsalita sa likod ko, si Carlo. Agad naman akong nagtaka.

"Anong babu?" nakakunot noong tanong ko "Diba tinawag mo ako nung isang araw ng Babu" sagot naman niya

HA?!

Babu means goodbye!

"Gago, babu means goodbye kaya kasi diba 'babush' so pinaikli ko ginawa kong babu" agad naman na sabi ko at natulala siya ngunit ngumiti ulit.

"Babu nalang tawag ko sayo para close to 'baby' at cute." nakangiting sabi niya at napangiwi naman ako agad sa inaasal niya

"Subukan mo, kada babu na tawag mo sakin dadagdagan ko punishment mo sa corridor." banta ko naman ngunit hindi talaga siya natatakot at nakangiti parin siya.

Physics ang first sub namin ngayon kaya naman nagpa-solving si Ms. Luenas, dalawa kaming nagtaas ni Carlo ng kamay kaya naman sabay kaming nagsagot sa board ng equation na ibinigay ni Madame

"Very good! Grabe talaga, pareho kayong brainy. Bakit hindi nalang kayo magkatuluyan mga anak?" agad na sabi ni Madame noong natapos kami at tama sagot namin pareho.

Tumawa si Carlo at proud na proud siya sa papuri sa amin ng teacher. "Well Madame, soon." mahanging sabi niya "Ewan ko sayo." agad namang sabi ko at bumalik na sa upuan.

Oo matalino talaga si Carlo ang alam ko kasi nasa Section-C siya hindi ko alam bakit siya napunta sa Section-A kasama ko.

Pinalipas ko ang oras na hinayaan si Carlo na sabihin kung ano ang gusto niyang sabihin. Napaghihinaan ako ng loob

Kung kailan naman na malapit na ang show namin, tsaka pa siya namatay. Hindi ko nga binalita sa iba na kasama niya ako sa banda tas ito naman ang nangyari.

"Babu! Do you want something po? Kanina kapa po hindi kumakain. Im getting worried na po, it is already 2pm po oh" pinakita niya ang relo niya na nasa 2pm habang nakaupo sa tabi ko.

Nasa canteen kami nang sundan niya ako, sinabi ko na gusto ko mapag-isa kaso ayaw niya ako lubayan.

Umiling ako at agad naman siyang tumayo mula sa kinauupuan. Baka napikon na siya dahil hindi ko siya kinakausap nang maayos.

Kaya hinayaan ko nalang at tulala parin ako sa lamesa, ni hindi ko alam kung anong oras na o kung ano na ang balita kay Avhen. Wala, wala ako sa sarili.

Agad ko naman tinext si Ana, kabilang din siya sa mga kabanda ni Solomon, siya ang bassist. Tinanong ko kung saan ibuburol si Solomon para makadalaw ako.

At tsaka kakantahan namin siya nila Wen at Sam. Kaya naman kailangan ko talaga na nandoon ako para naman kahit sa huling sandali ay makasama ko ang taong nagpabago ng buhay ko.

"Babu, eat na po." nagulat ako nang bumalik si Carlo na may maraming dalang pagkain "Hindi ko po kasi alam gusto mo kaya binili ko nalang lahat sa menu, kaya kumain ka na." dagdag naman nito nang tumingin ako sa kanya.

"Hindi mo naman kailangan g-"

"Shut up, eat ka na po." hindi niya ako pinatapos at inalok ang kutsarang may lamang sukiyaki beef. "Kaya ko kumain mag-isa." kuha ko naman sa kutsara mula sa pagkakahawak niya, narinig ko siyang tumawa pero hinayaan ko nalang.

"Anong tinitingin mo? kumain ka rin dito." inabutan ko naman siya ng kutsara at masaya naman niyang tinanggap. Kumain kami pareho hanggang sa di namin namalayan na naubos na namin lahat.

"Ayan ba yung ayaw kumain?" pang-aasar naman ni Carlo, na appreciate ko ang effort niya dahil kahit may problema ugali ko tinitiis niya talaga "Salamat." sabi ko naman at napatingin siya sa akin, at sabay ngumiti.

Ngumiti rin ako at inabutan niya ako ng tubig.

Dumating sina Charlene, Andrea, at Lurie kaya naman nagkwentuhan kaming lima sa cafeteria habang nag-aantay ng oras. Nang di magtagal, Nagpaalam umalis si Carlo dahil may kukunin lang daw siya sa sasakyan niya para sa susunod na subject.

Nang tumunog ang phone ko..

From: Unknown
"Bakit ang saya mo sakanila? Bakit hindi ka sumasaya nang ganiyan sa akin? Bakit Jaile? Hindi ko kaya mabuhay ng may karibal diba? kaya hindi ka puwede dumikit sa iba. AKIN KA JAILE! AKIN! Kung hindi ka magiging akin, ipapadala nalang kita sa impyerno."

Nabato ko ang cellphone ko sa nabasa ko, nagtaka sila sa inasta ko kaya naman pilit nila akong pinapakalma dahil ang bilis ng tibok ng puso ko.

Kumakalma ako nang onti...

Nang mag beep ulit ang phone ko

From: Unknown

"I dont like sharing when it comes to you, Jaile. If you share yourself, i will also share you to demons."




...

Truth Deceived Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon