Malapit na
...Umuwi ako at nagpahinga. May nag pop-up na text, binuksan ko iyon para tingnan kung sino.
From: Russel
Te, nandito sa ospital si Avhen, Andito sina Asher at Heiron. Nasagasaan siya sa harap ng school kanina pauwi. Pumunta ka dito te hinahanap ka niya.H-huh?
Parang gumuho ang mundo ko sa nabasa kong text na tila parang binigyan ako ng tinik sa puso ko. Nahirapan akong huminga dahil sa pag-aalala pero pinasawalang tabi ko at dali daling nagpalit ng damit para makapunta sa ospital.
Nakita ko siyang may bandage sa ulo, napuruhan ata yung ulo niya sa pagkasagasa sa kaniya. Ilang machine ang nakasalaksak sakaniya at nanghihina ang tuhod ko tila para bang nawawalan ako ng lakas.
Hindi ko magawang umiyak, natulala ako sa lagay niya.
"Andito ka na pala" Rinig kong sabi mula sa likod ko. "Gumising siya kanina at pangalan mo binabanggit" dagdag niya pa
Hindi pa nag s-sink in lahat ng nangyayari sa akin. "K-kamusta siya?" nag-aalalang tanong ko kay Asher.
"Stable naman na vitals niya, okay na rin yung paghinga. Kanina kasi nangingitim siya at mababa pulse rate eh." mahinahong sabi niya habang inaayos ang mga gamit ni Avhen
Tinawagan ko si Mama para dalhin na dito ang uniform ko para bukas, balak ko kasi dito na magpalipas ng gabi sa tabi ni Avhen.
Malapit talaga ako sakaniya sobra, mula noong bata pa kami ay magkaibigan na talaga kami. Kaya tinuturi ko siyang kapatid ko at tinuturing narin siya nina Mama bilang anak.
Kaya labis akong nasasaktan nang makita ang itsura niya, lagay niya, at mga sugat na natamo niya. "Uy andito ka na pala." Rinig at nakita kong pumasok si Russel at Heiron pero hindi ako nakapagsalita kaya nauna siya.
"Kumain na ba kayo?" agad na tanong ko sakanila "Ngayon palang eh, simula nung na sagasaan siya dumiretcho na agad kami dito. May gusto ka ba? Sabay na namin bilhin." aya naman ni Heiron.
Tumango ako at binigay ang card ko sakanila, binigay ko rin ang pin kasi pinagkakatiwalaan ko naman sila.
"Ako na magbabayad, bumili ka ng Mcdonalds para hindi na kayo lumayo. Chicken meal akin tapos iced coffee." sabi ko naman sakanila at tumango si Russel
"Noted" sabi ni Heiron
"Bilhan niyo rin si Avhen ng cokefloat, baka magising siya, favorite niya kasi yan diba?" sabi ko sakanila bago sila umalis
"Okay!" sigaw ni Russel mula sa pinto.
Nabaling ulit ang tingin ko kay Avhen na nakahiga, hinawakan ko ang kamay niyang walanv swero. Ipinagdarasal ko na sana gumising na siya at gumaling kaagad.
Gusto kong mapanood niya ang show ko sa school namin kasi ilang buwan na niya akong kinukulit kung kailan daw ba iyon.
Ang luhang di tumutulo kanina ay ngayo'y umaagos na sa pisngi ko. Ngayon lang siya tumulo kung kailan mag-isa ako kasama si Avhen. Umuwi kasi si Asher saglit dahil nabalitaan ng Mama niya ang nangyari kay Avhen. Close kasi si Avhen sa pamilya niya lalo na sa Mama ni Asher.
Nakikipagusap ako kay Avhen kahit hindi ito nagreresponse, gusto kong malaman niya na andito na ako sa tabi niya kaya kailangan niyang magpalakas.
May tumawag sa akin
"Hello?"
"Kamusta ka Jaile? Ready ka na ba?"
"Yes po."
"Pero bakit parang umiiyak ka?"
"Naaksidente po kasi ang kinakapatid ko."
"Magpakatatag ka Jaile, If you want someone to talk to... You can reach me out, always."
"Salamat po sa pakikiramay."
"Matulog ka ha at kumain sa tama. Tatagan mo ang sarili mo. See you in 3 weeks."
"See you."
Binaba ko iyon at tinuon ulit ang atensyon ko kay Avhen. Rinig kong bumukas ang pinto ngunit hindi ko ito pinansin.
"Dk!" agad na salubong ko sakaniya noong makita ko siya sa pintuan banda. Yinakap ko siya at doon na umagos ang luha ko nang tuloy-tuloy.
Agad naman niya akong yinakap pabalik kaya nakakulong ako sa mga bisig niya, naramdaman ko ang matigas niyang dibdib, gym rat kasi si Dk eh.
"I heard about what happened sa school. Late ako dinismiss ng faculty kaya pasensiya hindi agad ako nakapunt-"
"Shhhhh!" agad na pigil ko sa sinabi niya dahil wala naman siya dapat ika-sorry dahil wala siyang kasalanan.
Bumitiw kami sa pagkakayakap at agad kong pinunasan ang luha sa pisngi ko. "Are you alright?" nag-aalalang tanong niya habang hinawakan ang mukha ko papunta sa kaniya. Tumango ako bilang response at binitiwan niya iyon.
Pumunta siya sa tabi ni Avhen, at walang ekspresyon ang mukha.
May pumasok sa pinto "Uy hi guys!" Sabi naman ni Heiron nang makita niya si Dk na nakaupo sa couch malapit sa higaan ni Avhen.
Dala-dala nila ang pinabibili kong pagkain. "Kumain ka na ba?" tanong ko naman kay Dk na agad napatingin sa akin.
"Ah oo" maikling sabi niya at tumango akoBinalik na sa akin ni Russel ang card ko at sinumulan na i distribute ang mga pinamiling pagkain. Mag gro-grocery din ako bukas para may stocks si Avhen dito sa ospital.
Nilagay ko sa ref ang cokefloat ni Avhen, baka kasi matunaw yung ice cream. Nagsimula na kaming kumain, ilang beses kong inaya si Dyzal kaso ayaw niya talagang kumain. Nakatulala lang siya habang nakaupo sa couch.
Nang matapos, umuwi na si Dk at kami nalang nina Russel at Heiron natitira dito. Dito rin pala sila magpapalipas ng gabi. Sila Anthony naman ang magbabantay bukas kapag pumasok kami sa school.
Inaantay ko ang Mama ni Avhen dahil malapit na ang off niya. Kaya naglinis linis nalang muna kami doon upang maging maaliwalas naman kahit papaano.
"Avhen!" rinig ko na tinig mula kay Tita Thea, ang mama ni Avhen. Agad siyang tumakbo sa higaan ng anak niyang nakaratay.
Yinakap ako ng Mama niya "Tita, gagaling din po si Avhen." sinubukan kong pagaanin ang loob niya.
Kung malaman ko talaga kung sino ang nasa likod ng mga ganap na ito ay hinding hindi ko mapapatawad kahit pa kailangan ko siyang hilain mula impyerno ay gagawin ko para lang mabigyang hustisya ang nasapit ni Avhen.
"S-salamat sa inyo mga anak ha." naluluhang sabi ng Mama niya nang tingnan niya kami nina Russel at Heiron.
"Para na po naming kapatid iyan si Avhen kaya wag po kayong mag-alala Tita. Pasensya na po sa nangyari. Nasa tabi naman po kami ng kalsada ngunit bigla nalang pong lumiko yung Van kaso nasobrahan siya, kaya ayun. Nadali po si Avhen." malungkot na sabi ni Heiron kay tita
"Wag niyo sisihin sarili niyo mga anak. Ang Diyos at ang batas na ang bahala diyan sa walang hiyang nanagasa sa anak ko." yinakap naman ni Tita sina Heiron at Russel.
Bumaba ako sa lobby para magbayad ng mga gamot na ginamit at gagamitin sa kaniya.
Nang may tumapik sa akin...
"Kamusta, Jaile?"
Nagtaka ako, paano niya nalaman na nandito ako?
Nag-usap kami sa lobby...
...
BINABASA MO ANG
Truth Deceived
Mystery / ThrillerTears frequently drip from our eyes. What if the tears were replaced with blood? Love kills us, but fate allows us to feel linked. But why be confused? hurt? and suffer? Does it actually damage us? or not? Do you think Jaile Fernandez would survive...