XXX

7 0 0
                                    

Resolving Misery
...

[Leo's POV]

My phone rang, nagtaka ako nang makita kong si Laurence ang nasa kabilang linya.

"Hello?" pauna ko

"Leo!..."

I immediately rushed sa hospital kung nasaan si Jaile, and there she was... nakita ko siyang nagkokombulsiyon habang tinatakbo ito sa emergency room.

I kept my distance.

Kaya naman umalis ako kaagad doon nang makita ko siyang mapasok sa ER nang makasalubong ko si Heiron.

"Tol..." bati nito

"Aalis ka na?" dagdag niya

"Ah oo, may aasikasuhin pa kasi ako eh." paliwanag ko

"O sige, ingat tol." sabi nito at dali daling umalis.

-

Pumunta ako sa presinto kung nasaan naka-kulong si Carlo, baka sakaling may malikom akong impormasyon.

"Anong kailangan mo sakin?" pauna nito nang makaupo sa harapan ko nang nakagapos padin.

"May alam ka bang impormasyon tungkol kay Mr. Dyzal Kento?" curious na tanong ko sakaniya at napansin ko na kumunot agad ang noo niya.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Hindi maganda nararamdaman ko sakaniya." tumawa siya nang malakas sa sinabi ko na naging sanhi ng pagkagulat ko kaya naman tinitigan ko siya nang mabuti baka sakaling may masabi siya kahit kaunting impormasyon.

"Sino ka ba? Sugo ng diyos?" nangungutyang sabi nito habang nakangisi

"Yeah, but not God." seryosong sabi ko rito.

Nawala ang ngiti niya at lumalim ang tingin sa akin.

"Anong gusto mo malaman?" biglang seryoso niya.

This man is a satanist. I knew it from the start.
Or not, because he's a devil himself.

"Lahat ng puwede kong malaman. Pagkatao, ginagawa, mga gano'n." sabi ko rito

"Pwede mo makuha mga documents ni Dyzal sa..." tumawa nanaman ito

"Saan?"

"Sa impyerno." halakhak nito at napipikon na ako.

"Saan ba? PUTANG-INA MO!" gigil na sigaw ko rito dahil pinaglalaruan ako.

"Office, DLHS. 5th drawer." madalang na sabi nito.

Kaya naman umalis na ako at umuwi. Bukas ko na siguro gagawin ang dapat kong gawin. Dahil lubog na ang araw at hindi ko na maabutan na bukas ang paaralan.

Nang maupo ako sa kama, naisip ko na i-stalk si Dyzal sa mga social media accounts niya.

Kaya naman sinearch ko ito at nakita ko ang profile niya, kaso lang ay naka-private ito.

Gumawa ako ng paraan upang mapasok ko ang account nya kaya naman gumawa ako ng fake account bilang student ng LHS para ma-confirm niya ako.

I saw a post from 2007 from a stranger's account  Ermita Trinidad, a picture of him with someone na hindi kamag-anak ni Jaile. It was like a family gathering, kaso ang nakakapagtaka ay bakit wala si Jaile roon? Magpinsan sila bakit hindi siya kasama roon?

Inalog ko ang ulo ko dahil baka sa kabilang side niya 'yon. 

Inistalk ko ang account ni Ate Ermita at nakita ko ay may edad na ito, kaya naman humanap ako ng ibang family member sa friend list niya para i-stalk ko.

Truth Deceived Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon