Ano ba talaga ang dahilan
...Dali-dali akong pumunta kay DK
takbo
takbo
takbo pa
"Aray ha" dahil sa kakatakbo ko may nabangga na pala ako at nalaglag mga dala kong libro at notebook
"Hala sorry" dali dali ko namang pinulot mga nagsilaglagan kong mga libro at notebook at tumulong siya
"Thanks! sorry ulit!" pamamaalam ko
hindi ko na kinilala yung nabangga ko kasi nagmamadali ako
Nakarating na ako sa office kung nasaan siya
huminga ako nang malalim at nagpapatanggal hingal "Uy hello" gulat akong bumukas at pinto at si DK ang iniluwa nito"Bakit hingal na hingal ka?" nagtatakang tanong niya habang pinagmamasdan itsura ko hindi pa nga ako ready eh!
"Wala te hinabol ako ng ano" palusot ko naman baka sabihin atat na atat ako makita siya e feelingero pa naman to
"ng ano?" nakakunot ulo niyang sabi sakin habang ako hinahabol parin hininga ko "ng ano ipis" sagot ko naman agad sakanya habang pinupunasan pawis ko
"Dun tayo sa quad ano bang kailangan mo" tanong niya at tumango lang ako. Nakarating kami sa quad at umupo sa mga bench don kasi maya-maya pa naman start ng first subj namin.
"So, what is it?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa akin "Ano nangyari bakit mo tinanggal si Ms. Aly?" tanong ko pabalik sakaniya "Ayokong dinidisrespect ang susunod na SSG President." seryosong sabi niya at lumayo ang tingin "Ha? sunod agad? hindi pa nga sigurado kung mananalo ako eh andaming galit sa akin dito oh" nakasimangot na sabi ko sakanya
"Look, kakasimula pa lang ng year Jai. Ipapasa ko sayo position ko ngayon. At huwag ka mag-alala sa election. Babalik ako bago mangyari yon" sabi niya "Kailan ba election" nagtatakang tanong ko "7months pa" sabi niya at natawa ako "HA? 7months pa pala tapos may pa 'election is near' ka pa dyan" inirapan ko siya
"Mas okay yung handa" depensa niya at inirapan din ako.
attitude si kuya mo!
Bumalik na kami sa kanya kanya naming mga classroom at inantay nalang matapos bawat subject.
"Tara canteen Jaile" rinig ko mula sa likod ko
himala may nag aya na sa akin. Nilingon ko at nakita ko sina Andrea, Charlene, at Lurie. "Sigurado kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko "Huh? oo naman te" sabi naman ni Andrea. Pumayag ako sumama sakanila at doon kumainNang nakapila na kami, nagsilayuan silang tatlo sa akin, at nabaling ang tingin ko kay DK na papunta sa direksyon ko
"Ano nanaman te" sinungitan ko siya "Let's go" hinila ni DK kamay ko paalis don at nakaupo uli kami sa quad
"Ano ba yon te" nagtatakang tanong ko sakanya "Kain tayo nakshie may inorder akong Mcdonalds eh" aya nito habang kinukuha paperbag na dala niya kanina habang nakangiti. Napangiti ako nang makita siyang excited na masaya habang inaayos pagkain namin.
"Ayos ah anong nakain mo ang saya mo ngayon" okray ko naman sakanya at tumawa lang siya "Gusto ko i enjoy last meal ko dito for now" sagot naman niya at kumunot ang ulo ko "aalis na ako bukas dito Jaile kaya mamaya iaannounce ko na ikaw ang mag takeover sa position ko." dagdag niya at nanlaki mata ko!
Grabe ang bilis naman!
Natulala lang ako sakaniya ng ilang segundo "Seryoso ka?!" di makapaniwalang tanong ko
"Oo nga te" sagot niya nang marahan. Bumuntong hininga nalang ako kasi hindi ko na kinekeri ang mga bagay-bagay!"Sige maghahanda ako" sumuko na ako kasi wala naman siyang ibang pipilitin dito eh
"Ingat ka sa kung ano man yan ha, magsabi ka sakin Dyzal. Andito lang ako makikinig sayo. Kaya wag mong sarilihin yan ha" marahan na sabi ko sakanya habang tinatapik ng mahina ang braso niya. Tumango siya at ngumiti "Bye teh mamimiss kita" nakanguso niyang sabi at binatukan ko naman ito agad
Dito na nagsimula ang kalbaryo ko, responsibilidad, stress, at frustration. Pero nakaya ko naman lahat kaso nga lang hindi parin ako tanggap ng iba bilang President ng SSG pero wala silang magagawa kasi kaya ko sila parusahan.
I, SSG President Jaile L. Fernandez signing in.
End of Flashback.
...

BINABASA MO ANG
Truth Deceived
Mystery / ThrillerTears frequently drip from our eyes. What if the tears were replaced with blood? Love kills us, but fate allows us to feel linked. But why be confused? hurt? and suffer? Does it actually damage us? or not? Do you think Jaile Fernandez would survive...