Malas
...Bumalik na ako sa kwarto ni Avhen pagkatapos ko makipag-usap.
Pinihit ko ang pinto at dali dali pumasok, naririnig ko kasi na maingay sa loob.
"AVHEN!" agad na sigaw ko nang makita siyang nakaupo sa kama
Lumiwanag ang mukha niya nang makita ako "Jai!" agad na sabi niya, agad siyang yumakap
Nag kwentuhan kami...
"OMG? What? I dont like fasting! UGH! Paano pag pumayat ako? Antagal kong pinaghirapan magkaroon ng laman!" reklamo niya agad nang malaman niyang kailangan niya mag fasting overnight kasi bukas kukuhanan siya ng dugo para i-test ang condition niya sa dugo.
Kailangan kasi na i-monitor iyon habang nasa ospital siya kaya kailangan namin humanap ng dugo, kaso nga lang ang rare ng dugo niya. AB negative.
Nag-iisip na ako ng paraan kung paano siya hahanapan, kaya naman magpapatulong nalang ako sa Mama at Papa ko, marami silang koneksyon na pwede ko gamitin para kay Avhen.
"O my god! I look so haggard na! Fuck that driver! anlaki ng van niya tapos hindi siya marunong mag drive nang maayos?!" sunod-sunod niyang reklamo nang makita ang itsura sa salamin
"Tell them that i dont entertain guest unless kabilang sa circle natin, ayoko makita nila na ganto ang gimmick ko no!" agad na babala niya sa amin
Napa-iling nalang ako at mahinang tumawa, nasagasaan na nga siya maarte parin!
"Namo te muntik kana mamatay tapos nag-iinarte ka pa jan." sabi naman ni Russel sakaniya habang naka-higa at nag c-cellphone.
"I mean, of course! Duh? Beauty is everything, girl." kinindatan niya si Russel na naka-ngiwi sakaniya.
Sumasakit ang ulo ko sa dalawang ito! Makatulog na nga lang.
5am nang magising ako, kulang pa ang tulog ko kasi 2am na ako nakatulog kagabi. Naligo ako sa bathroom doon at nag suot na ako ng uniform, sakto pagtapos ko dumating sina Anthony at Laurence kaya naman wala akong pinag-alala sa magbabantay kay Avhen, ayaw niya kasi yung hindi namin kaibigan kesyo haggard daw siya. Tsk.
Pumasok ako nang matamlay, ewan ganto ata talaga kapag walang tulog kaya naman magdamag akong hindi nakakapag concentrate kanina sa klase pati narin sa meeting ng officers.
"Uy." Rinig ko habang nakaupo sa quad, malamlam ang boses pero mapapansin mo ang concern.
"Hm?" sabi ko naman pabalik nang hindi parin tumitingin. Alam ko namang si Carl iyon, boses palang eh.
"Pres!" sigaw naman mula sa likod, alam ko rin na si Raymond iyon.
Lumingon ako sakanila, inaantok na ako. Inaantay ko nalang mag 4:30 for dismissal ko kaso titingnan ko pa pala si Carlo sa gawain niya. O kaya ipapautos ko nalang sa Vice President.
"Alam na namin ang nangyari, nakikiramay kami sa iyo." malumanay na sabi ni Carl habang tinatapik nang marahan ang balikat ko.
Nagtaka ako, paano nila nalaman? eh wala naman akong pinagsabihan, kahit mag update sa social media ko hindi. Inactive kasi ako sa socials ko kaya hindi ko binalak i-public ang buhay ko sa social media.
"H-huh? Paano niyo nalaman?" Nagtatakang tanong ko sakanila at tila nagulat sila sa sinabi ko "A-ah ano kasi, mutual kami ni Mr. Dyzal, actually halos lahat sa school mutual niya. E-eh nakita namin iyong in-upload na story niya na picture niyo nung dalawang lalaki, ikaw, tapos siya." agad naman na sagot ni Raymond
"A-ah okay" sabi ko naman, kaya pala nag-aya siya mag picture kagabi bago siya umalis. Baka proof sa parents niya na dito sa dumaan pagtapos ng school hours, masungit kasi sila Mrs. Dulce at Mr. Ramilo.
Nakita ko sa relo ko na 4:30 pm na, kaya naman nagpaalam na ako sakanila kasi pupuntahan ko pa si Mateo, ang SSG Vice President.
Si Mateo ay seryosong tao, hindi pala-ngiti at higit sa lahat kami lang ang nagkakaintindihan. Matangkad siya, clean cut, laging proper attire ang suot, matataas lagi ang grade ngunit magkaiba kami ng class, may itsura siya dahil may lahi siyang Japanese, kaya naman ang singkit niyang mata ay pumupungay kapag nagagalit.
"Yes? Jaile?" Inutos ko kay Noviern kanina na tawagin siya.
Umupo siya sa upuan na nasa harap ng lamesa ko. "Bantayan mo si Carlo mag linis at mag ayos ng library at corridor. I'll be home early, kulang ako sa tulog. Hindi maganda ito baka magkaroon ako ng Cancer." Seryosong sabi ko naman sakaniya at humalakhak siya
Nangunot ang noo ko
"Problem?" taas kilay ko siyang tinanong
"Grabe ang OA mo talaga Jaile. Kapag kulang sa tulog for one day, hindi naman agad cancer. Syempre mahihilo ka muna o kaya mararamdaman ang sintomas ng pagka-anemic kapag napadalas. Tapos magpapaospital ka, i-tetest ang dugo mo. Hanggang sa malaman mo na nag eevolve ang sakit mo kaya kailangan mo alagaan sarili m-"
"LAYAS!" Inis na sabi ko, ito nanaman sesermonan niya ako gamit yung pagkakaeksperto niya sa larangan na yon
Tumawa siya at pumunta na sa pinto
"Babu!" Sigaw niya naman at umalis na.Dumiretso ako sa ospital dahil may damit pa naman ako doon para bukas kaya doon ko nalang ulit papalipasin ang gabi ko. Inutos ko nalang din kela Laurence na mag grocery sila kaya sinendan ko sila ng pera pambayad, hindi ko na talaga kaya ang antok, feeling ko mahihimatay ako sa daan kapag naglakad pa ako.
Nakasalubong ko si Caleb sa daan, ang ex ko. Hindi ko na ito pinansin pero humaramg parin sa daraanan ko. "Anong problema mo?" iritang tanong ko agad sakaniya kasi nagmamadali ako
"So may manliligaw ka pala huh? Hindi niya ba alam na tayo?" seryosong sabi niya at agad ako nagtaka. "Huh? Matagal na tayong tapos, gumising ka Caleb at mag move on." Sinubukan kong dumaan sa gilid niya nang hawakan niya ang braso ko.
"Sabing akin ka lang kahit break na tayo diba?!" sigaw niya sa akin at agad ako napangiwi, masyadong madiin pagkakahawak niya at nasasaktan ako.
Bumalik nanaman ang trauma ko sakaniya, isa siyang obsessed at abuser!
Pinilit kong pumiglas pero ayaw niyang bitawan, nahihilo na ako at nawawalan nang lakas. "AKIN KA LANG JAILE! AKIN!" Sigaw pa nito habang dinidiinan ang paghawak sa akin
"B-bitawan mo ako... N-nasasaktan ako." naiiyak kong sabi sakaniya. Nang may dumapong kamao sa mukha niya na nagdulot ng pagbitiw sa akin.
"Leo!" agad ko siyang nilapitan at nagtago sa likuran niya, "Walang hiya ka!" sigaw ni Leo kay Caleb. "Sino ka?!" Tanong naman ni Caleb kay Leo habang tumatayo mula sa pagkabagsak dahil sa lakas ng suntok ni Leo.
"Wala ka na ron. Umalis ka na o ipapakulong kita!" Banta naman ni Leo
"HINDI PA TAYO TAPOS!"
Sigaw niya at tumakbo paalis.
...
BINABASA MO ANG
Truth Deceived
Bí ẩn / Giật gânTears frequently drip from our eyes. What if the tears were replaced with blood? Love kills us, but fate allows us to feel linked. But why be confused? hurt? and suffer? Does it actually damage us? or not? Do you think Jaile Fernandez would survive...