II

21 5 4
                                    

Solomon, sa wakas.
...

Nakauwi na ako nang madatnan na naka lock ang gate at pinto. Mukhang umalis nanaman sina Mama at Papa. Binuksan ko ang pinto gamit spare key ko at umakyat sa kwarto ko. Inilapag ko bag ko sa sahig at umupo sa swivel chair at ilang minuto nakalipas ay nagpalit na ako ng pambahay.

Kinuha ko ang phone ko sa bag at humiga para makapagpahinga saglit habang nag s-scroll sa  social media. Hindi ko inakala na isang post lang ay magbabago araw ko kahit gabi na

    Solomon Ty:       "   Another Gig: Town                                                             Square 6pm onwards // 8.6.22     Kitakits!   "

Gig?! Bukas?! Malapit pa?! napa-tayo ako sa saya at napa-talon habang papunta sa closet ko para mag decide kung ano susuotin ko bukas. Oo ganyan ako ka excited.

Nagsaing at luto nalang ako ng ulam para maaga ako matapos sa mga gawain ko. Kinonnect ko phone ko sa speaker at nagpatugtog habang may ginagawa ako sa kusina. Siyempre, tugtog ni Solomon pinapakinggan ko.

Halos trenta minuto ako naging abala kaya pumunta ako sa studio namin nila papa dito sa bahay. Marunong ako tumugtog at may mga ginagawa akong mga kanta pero di ko pinupublish dahil sa hiya! Pinagmasdan ko mga vinyl ng mga paborito naming mga artist nina mama at papa. Ewan ko ba, nababalutan ako ng hiya pero gusto ko maranasan tumugtog sa harapan ng maraming tao. Bumalik ako sa kwarto ko para gawin mga assignments ko.

Nang magring phone ko

              Incoming Call.... Aviiiiiiihh

Jai: Hello?

Avhen: Jai!

Jai: BAKIT?! Anong nangyari?! Alalang tanong ko

Avhen: Wala lang te, miss na miss na kasi kita!

Jai: Siraulo ka talaga! Pinakakaba mo ako te

Pareho kaming natawa

Avhen: Kamusta ka naman?

Jai: Okay lang ako gumagawa ako ng assignment e. ikaw ba kamusta ka?

Avhen: Okay parin! Nagmamahalan parin kami ni Asher

Nang-iingit ata to e

Jai: Edi kayo na talaga. Ss lovebirds <3

Nilagay ko phone ko sa study table at sinandal sa pen rack. Nag-aral ako habang nakikipagchikahan sakaniya, siya talaga source ko e kaya nagtataka sila kung bakit updated ako kahit iba ung school ko. 12am na kami natapos mag usap at natulog na kami.

KINABUKASAN, nagising ako at ginawa usual na routine ko araw araw, medyo iba lang ngayon kasi di mawala sa labi ko yung ngiti Umalis ako sa bahay at pumunta sa school. Nakasabay ko pa si Caleb sa gate! Uzg.

"Saya mo sis ah ano meron" bungad ni Leo tila nagtataka kasi naka-kunot ulo niya nang umupo ako sa tabi niya "Secret." Maikling sabi ko na nakangiti parin. Inirapan niya ako at tinawanan nalang siya

Ang arte talaga nitong lalaki na to!

Wala naman kami masyadong ginawa sa 2nd day, nagdaldalan lang kami nina Leo, Lea, Julienne, Mark, at Hanna. Sila yung mga kaibigan ko dito since 4years ago.

"Guys tara Starbucks!" Aya ni Lea, agad naman sila pumayag "Not available, I have other errands." Sabi ko habang nagmamadaling iligpit mga gamit ko sa desk. "Ay ganun? Next time nalang para makasama ka" masaya niyang sabi at umagree naman sila dito. Binigyan ko sila ng maliit na ngiti at lumabas na sa room.

Dali-dali ako umuwi, I took a bath ulit tapos nagbihis na. I was wearing a black vintage dress paired with fishnet stocking and thigh-high boots, siyempre nagdagdag ako ng mga accessories 'no! Dinala ko rin electric guitar ko para incase may pagkakataon para pirmahan ni Solomon at mga ka-banda niya pak! Girl scout to 'no!

Maaga ako nakarating 2pm palang nasa venue na ako e yung show 6pm pa so... at least nasa pinaka harap ako! Umupo nalang muna ako at sumandal sa barrier, kinuha ko narin phone ko para makapaglibang habang nagpapalipas ng oras.

Nairita ako nang maramdaman na may kumalabit sa likod ko "What?" masungit na sabi ko kahit di pa ako nakakalingon "Uhm sorry miss" rinig ko na pamilyar na tono kaya agad ako humarap

"HALA! SORRY PO AKALA KO PO KASI YUNG MATANDA NANAMAN KUMALABIT SAKIN" depensa ko nang malaman kung sino kumalabit sa akin

Hindi ako makapaniwala

Ang lapit niya

Kinakausap niya ako

Ang gwapo gwapo niya!

...

"Aga mo ah!" Solomon chuckled while smiling inabutan niya ako ng tubig at tinanggap ko naman yon "Thank you, p-pero-" hindi ko na natuloy sasabihin ko dahil sa hiya "Pero?" nagtatakang tanong niya

"Alam kong makapal mukha ko pero pwede niyo po ba pirmahan gitara ko?" sinabi ko at tinakpan ang mukha, tumawa siya sa akin "Ayun lang pala! Oo naman akin na baka tawagin na ako sa backstage e" nakangiti parin niyang sabi at inabot ang gitara ko

"Thank you po!" masayang sabi ko at tumango siya "No problem see ya sa show!" sabi niya pabalik at nag fist bump kami. Hindi ako makapaniwala!

Nagsimula na yung show, puro sigaw maririnig mo at mga taong nagsisitalunan habang nagvivibe sa music niya. It feels surreal at di parin ako maka-move on sa nangyari kanina.


                       Ito na ata iyon.

...

Truth Deceived Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon