Investigation
...Bumaba na sila Marc at Anthony sa cafeteria ng DLHS kung saan naroon kami ni Heiron nag-uusap.
"Uy Jai!" agad na tawag ni Marc habang papasok sila. Nakarating sila sa amin at nakita ko si Anthony na parang walang gana
"Uy te! ano okay ka lang?" agad na tanong ko naman sakaniya nang bumalik siya sa huwisyo niya
"Hindi siya okay te. nag break na sila ni Sofia." sagot naman ni Marc sa tanong ko. Umiling ako, kung sino sino nalang kasi jinojowa nito eh!
"So anong ganap?" curious na tanong ni Anthony at agad naman ikinuwento ni Heiron lahat sakanila
----
"Luh? Sta. Ana? hindi ba doon nakatira si Caleb noon Jaile? nung kayo pa?" sunod sunod na tanong ni Marc sa akin.
Wala...
Wala akong maalala...
"Totoo ba, Jaile? Sorry wala akong alam tungkol don never naman kasi kami nagkasundo niyang Caleb na yan e." agad na imik naman ni Heiron habang nakatingin sa akin
"Hindi... hindi ko alam. Wala akong maalala." naiiyak na sabi ko sakanila at agad naman nila akong tinapik sa balikat
"Ayos lang yan, tutulungan ka namin maalala lahat, Jaile. Malalagot kung sino man iyang nananakot sa iyo." sabi ni Marc para mawala ang kaba ko.
"Teka, asan si Laurence?" agad na tanong ko naman nang ma-realize ko na wala siya. "Pumunta kay Avhen te, walang bantay dun ngayon kasi naghahanap ng dugo sila tita." sagot naman ni Anthony at tumango naman ako.
Oo nga pala yung dugo pa ni Avhen, nagsabay-sabay pa talaga. Jusko!
"Hi guys!" boses ni Dk sa likod ko at agad nitong nilingon ni Anthony at Marc. "Uy bro!" tumayo silang dalawa at nagbigay ng bro hug. "Kamusta?" pauna ni Dk at umupo sa tabi ko
"Ayos lang kami pre, ikaw ba?" sagot naman ni Anthony habang nakangiti "So... Jai, what is the plan?" curious na tanong nito
"Ayun nga, kung sino man makita or maramdaman nating suspicious ay matic magiging suspect." sabi ni Heiron kahit hindi siya ang tinatanong.
Ewan ko dito kay Heiron, ang init talaga ng dugo niya kay Dk. Ni isang beses ay hindi ko sila nakitang magkasundo.
"So, based what happened earlier... does that mean i am a suspect? That hurts you know!" reklamo nito sakaniya.
"Guilty?" sabat pa nito agad agad ko naman silang pinatigil.
umalis si Dk nang may ibinulong sakaniya yung babaeng nakita namin kanina ni Heiron.
"Who's she?" bulong ko kay Heiron
"It's Iyah, his personal assistant." sagot ni Heiron.
"Ha? Kailan pa nagkaroon ng PA si Dyzal?" nagtatakang tanong ko kasi hindi iyon nabanggit sa akin ni Dk
"Curious yarn?" agad naman na sabi ni Heiron "Since nung lumipat yan dito, ewan ko ba kasi jan bakit pa lumipat dito." iritang sabi ni Heiron at agad naman ako napangisi, init talaga ng dugo niya don! Hahaha!
Umalis kami sa school nila pagkatapos ko mag antay ng halos 5 oras sakanila, habang nag aantay kasi ako nagpapaschedule na ako.
Para maaksyunan na agad kung sino man ang may kagagawan nitong lahat.
Papunta kami ngayon kay Avhen at Laurence na nasa ospital, bumili kami ng hapunan at onting grocery para may mangatngat naman kami doon habang nagbabantay sa senyorita
BINABASA MO ANG
Truth Deceived
Mystery / ThrillerTears frequently drip from our eyes. What if the tears were replaced with blood? Love kills us, but fate allows us to feel linked. But why be confused? hurt? and suffer? Does it actually damage us? or not? Do you think Jaile Fernandez would survive...