VIII

11 3 2
                                    


...

Napa-nganga ako sa narinig ko, ha?

ano?...

mapapa-sakanya balang araw?...

HELL NO!

i'd rather die than to fall inlove with him.

Napailing nalang ako at inabot ang ang phone. Naisipan kong i-text si DK para kamustahin siya, at saka matanong ko rin kung kailan siya babalik.

To: Dy,
Zal, Dk, Dy, Ken, Tonton, or WhatEverYourNameIs. Kailan ka babalik? at saka kamusta ka? sana ayos ka lang jan ah. Miss u na te.

Isinara ko na ang phone ko pagkatapos i send sa kaniya ang message ko. Sana lang ay makita niya.

May kumatok sa pinto, "Come in!" sigaw ko naman dito.

"O MY GOSH!" Namilog ang mata ko nang makita kung sino ang mga niluwa nito.

"HI BFF!!" Tumakbo si Avhen papunta sa akin kasama sina Russel, Heiron, Laurence, Marc, at Anthony.

"Uy hi!" bati ko sakanilang lahat at bineso ko ito. "Buti naman napadalaw kayo?" di makapaniwalang sabi ko

"Kasi naman te, may manliligaw ka pala dito ah!" Pang-aasar ni Laurence sa akin.
"Sus. Hindi ko siya type. Mahangin nakakabwisit aura niya." Inirapan ko ito at agad sila humalakhak.

"Anyways, How are you Ms. P r e s i d e n t?" Nangungutyang tanong ni Marc at nakita ko na ngumisi si Anthony. "Ewan ko sayo hoy. Hindi tayo bati, hindi mo ako chinachat." nagtatampong sabi ko sakaniya.

"Gago kaba te? Kung busy ka rito e mas busy kaya kami sorry ako lang naman kasi to, ang pinagkakaguluhan sa school dahil sa kagwapuhan." ngumiwi ako sa sinabi niya "What's with that look?" sumama ang tingin niya nang mapansin niya ang titig kong pandidiri.

Kanina ko pa napansin na ang tahimik ni Russel at nakikitawa lang ito sa mga kaibigan namin.

"Ikaw Russel? kamusta ka? Bakit ang tahimik mo?" Inapproach ko siya. "Ayan miss na miss ka." umepal naman si Heiron at napatingin si Russel sakaniya.

Shiniship kasi nila ako kay Russel. Sa kadahilanang may gusto ito sa akin, kaso hindi ko nararamdaman iyon pabalik sakaniya at saka matalik lang talaga kaming magkaibigan. Naniniwala ako na balang araw mawawalan din siya ng feelings sa akin.

"Okay lang ako Jai, baong adjust kasi ako sa brace ko, masakit magsalit-" "Aw!" napailing ako at pasimpleng ngumisi.

"Ayan kasi, wag kana magsalita pre, tinanong ka lang eh." Pang-aasar ni Marc sakaniya. Inirapan lang siya nito.

"So ano, tell us about this manliligaw of yours!" pangungulit ni Avhen sa akin. Kwinento ko sakanila kung paano nagsimula lahat at ang nangyari kanina bago pa sila dumating.

"WHAT?!" nagulat na reaksiyon ni Avhen at napatayo "OA mo te, ikalma mo." agad namang okray ni Heiron sakaniya.

"He looks obsessive though." Agad na komento ni Russel kahit pa masakit ang bagang nito. "Girl ingat ka jan nako goodluck!" sabi naman ni Anthony.

"Ayoko sa aura niya te." dagdag ni Russel at napaisip silang lahat. "Same here." sumabat si Laurence. "Sus ayaw mo talaga sakaniya kasi may kaagaw ka na." agad na sabi ni Heiron habang nakatingin kay Russel.

Hindi ko pa alam magiging reaksiyon ko kasi alam ko na pinagtritripan lang ako nito ni Carlo.

Nagulat ako nang mag beep ang phone ko habang nasa gitna kami ng pagchichismisan ng mga kaibigan ko

May nag message...

From: Dy, (Dyzal)
Hello te, ayos lang ako pero hindi ko sure kung kailan ako makakabalik jan. Nakita ko pala yung monthly school ratings. Tumaas iyong sa atin ng 52 percent. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa iyo Jaile. Miss na rin kita, I love you.

Nag-alala ako nang malaman na hindi pala siya sigurado kung kailan siya babalik? paano kung hindi na? iwan na niya talaga ako?

"So.. te kailan ang show niyo dito ni Solomon?" nagtatakang tanong ni Anthony sa akin "Sa founding day pa." sagot ko naman dito

"Eh paano yan? hindi nila alam na kabilang ka sa banda nila hindi ba?" sumabat si Avhen habang nakakunot ang noo "Ano ba kasing nangyari? Ang alam ko pumunta ka lang naman ng gig... tapos pag uwi mo kasama ka na sa banda ng isang sikat na artist?" Pangungulit ni Marc "Oo nga te paano nangyari yon?" dagdag ni Laurence

"Basta, tsaka ko na sainyo i-kwe-kwento." Nanagisi ako sakanila at nakita ko sa kanila ang pagkabigo.

"Miss President?" may kumatok sa pinto at alam kong Protocol Officer namin ito. "Come in!" sigaw ko para marinig niya
"Hinahanap ka po ni Carl James." nagka-tinginan sina Laurence, alam kasi nila na nagkaroon ako ng feelings doon.

"U-uh okay sige sa quad nalang kamo mag antay." sagot ko sakaniya at tumango siya.

"Oooooh..." pang-aasar ni Marc, "What?" nakakunot noo akong tiningnan sila na parang nanlilisik ang mata sa akin. "Look out kami ha baka kagatin ka non e" sabi ni Laurence na naka-ngisi.

Umiling ako at sumuko sa kung anong gusto nila. Naalala ko na hindi pa pala ako nakapagrereply kay DK kaya naman kinuha ko agad phone ko.

To: Dy
Uzzzzgg! ako pa ba? CHAR! Anyways, good to know na you are okay, bilisan mo ha! andami mo pang kailangan i explain sa akin. Labyutoo bessy.

Sinend ko na ito sakaniya at inayos na ang bag ko, "Tara na hoy" sabi ko sakanila at nauna silang lumabas kaysa sa akin, hindi ko alam kung sino ba ang presidente dito e sila ba o ako?

Pumunta na ako sa quad at nakita ko sila Russel na nasa kabilang bench.

"Jaile" rinig ko na tawag sa akin, Si Carl, ang totoong Carl. Nakita ko na ang difference nila. Mahinhin kasi magsalita itong si Carl, habang yung Carlo naman... aba ewan ko don, nakakairita yung pagsasalita niya masyadong mayabang!

Umupo ako sa tabi niya ngunit may space parin kami sa gitna "So... what is it?" panimula ko sakaniya

"About my brothe-"

"Yo! Bro!" hindi na natuloy yung sasabihin niya nang lumapit sa amin si Carlo. "Kuya?" nagtatakang tanong niya.
"Bakit mo kasama ang baby ko?" nakataas kilay na sabi ni Carlo sa kapatid niya

"HUH GAGO KA BA? IM NOT YOUR BABY!" Hindi na ako makatiis at hinarap ko na siya "Chill, my love." dagdag pa nito

"Bro, tama na yan." Rinig ko ang boses ni Russel na nagmula sa likod ko, Nagtaka naman si Carlo kung sino ang mga nasa likod ko

"Dont call me bro, Mr. Brace." pang-aasar ni Carlo kay Russel "Really Mr. Jejemon?" sagot naman nito sakaniya.

"Ab-"

"Bro, stop na." awat ni Carl sa kapatid niyang walang modo.

"Mr. Lim. Mag-uusap tayo. Pumunta ka sa Guidance Counselor." Inis na sabi ko sakaniya at nauna nang umalis.

             "Okay po, my darling!"

Sigaw niya at pumikit nalang ako.

...

Truth Deceived Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon