VII

14 4 5
                                    

Katotohanan
...

"Um so, Jaile... Ano kasi..." napukaw ni Carl atensyon ko at agad na itinutok ko sakaniya ang atensyon ko.

"Sorry, ano nga ulit iyon?" marahang sabi ko sakaniya at ngumisi siya

"Sorry about last time." nakasimangot na sabi nito "Gusto ko na sanang makipag-ayos na sa iyo" dagdag pa niya

"Ngayon ka lang makikipag-ayos? ni hindi mo nga alam kung totoo ba iyon o hindi." iniwasan ko siya ng tingin at nagsimulang laruin ang daliri ko

"Well totoo naman pero hindi mo naman dapat pinaramdam sa akin na outcast ako dahil lang hinahangaan kita, Carl." dagdag ko sakaniya

"Gusto mo parin ba ako?" nagulat ako sa sinabi niya at agad na napailing "H-Huh?! hindi na ah! B-bakit sino ka ba?" agad na sabi ko at uminom ng tubig.

"Good." Tumawa siya at tumingin sa kawalan, "Sorry to ask, gusto ko lang na magka-linawan tayong dalawa." marahang sabi niya at napa-ngiti ako nito

"A-"

"Hi baby ko! Okay na ba kayo? Tapos na ba? May date pa tayo diba?" Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang umepal ulit itong si Leo!

"What the actual fuck Leo? Para saan ba tong ginagawa mo?" pabulong na sabi ko sakaniya at ngumiwi. Pinanlisikan niya ako ng mata bilang senyales na umalis na kami

"O-okay sorry i need to go, nagmamadali kasi tong so called 'baby' ko." Napilitan kong sinabi sakaniya at nagmamadaling inayos bag ko at hinila ako ni Leo palabas.

Nakarating kami sa BMW niya, binuksan niya ang pinto ng shotgun seat para makapasok ako.

"Sorry te pero kailangan mo marinig to" Nagmamadaling sabi niya at agad napakunot ang noo ko.

"Hindi si Carl ang kausap mo." Seryosong sabi niya at agad akong nanigas. "H-huh? what do you mean?" nagtatakang tanong ko at natatakot na.

"He's Carlo, Carlo Vier Lim, kambal ni Carl. Wala si Carl sa school niyo ngayon! Look..." inabot niya sa akin ang phone niya at pinakiga sa akin ang isang post.

Nakita ko na nasa Life Green Project si Carl! Ang totoong Carl.

Nagulat ako sa nakita ko, hindi ako makapaniwala na nalinlang ako ng taong yon!

Kamukha niya talaga si Carl, ang kaniyang matangkad na pigura, malinis, mapulang labi, mapungay na mata, at maputing balat. 

Ngayon ko lang nalaman na may kakambal pala si Carl.

"Huy ano?" tinapik ako ni Leo para makabalik sa huwisyo ko, napatitig ako sakaniya nang siya'y magsalita ulit "Ikaw ang target niya" nanlaki ang aking mata sa narinig ko. Mamatay na ba ako? sa dinami-daming tao bakit ako pa?!

"H-huh?" naluluhang sabi ko sakaniya, hinawakan niya ang mga kamay ko para pakalmahin ako "Chill, hindi ka naman papatayin. Gusto ka ni Carlo, Jaile!" Mas lalo akong nagulat, hindi ba mas delikado 'yon?

"Natatakot ako Leo..." nanginginig na sabi ko at agad na yumakap sakaniya. "Shh... You'll be safe. Iwasan mo lang siya Jaile." malambing na sabi niya habang tinatapik nang marahan ang ulo ko.

Hinatid ako ni Leo papunta sa amin, pumunta naman si Avhen para kamustahin ako.

"Anong nangyari te?" nag-aalalang tanong niya "Wala te, may nagtatarget lang sa akin." nagulat siya sa sinabi ko "Gusto daw ako. Mukha siyang obsessed, natatakot ako." dagdga ko pa rito.

"Naku! Deliks yan girl! So anong balak mo? Well baka naman mabait? Napaka-judgemental mo kasi eh" agad naman niyang sabi at napakurap ako

What if mabait nga talaga? Malala lang talaga trust issues ko kaya ko naiisip yung mga ganoong mga bagay.

"Huy!" pumalakpak sa harap ko si Avhen para kunin ang atensyon ko at agad naman akong nabuhayan.

"You have a point." suko ko sakaniya

"See! I always have a point." kindat niya sa akin habang naka-pamewang.

Inirapan ko siya at inirapan niya rin ako

KINABUKASAN, pumasok ako parang nothing happened!

Napansin kong tumitingin ang mga studyante sa akin ngayon at nagbubulungan. Ano nanaman kaya ang mayroon? Sawang-sawa na ako pag-usapan!

May narinig akong music mula sa quad, Sino ang nagsabi na puwede magpatugtog sa school na to lalo na at magsstart na ang klase 40 minutes from now?!

Agad-agad ako pumunta sa quad para tingnan kung anong mayroon.

Tumutugtog ang Tingin by Cup of Joe.

Sa bawat sandaling ikaw ay pinagmamasdan
May dumadapong kiliti na 'di maunawaan
Walang imik, 'di mabanggit na sa aking isip
Ikaw lang ang nagmamarka

Napakunot ang ulo ko nang makita kung sino ang may pakana, 'yung Carlo! na nakatingin kung nasaan ako.

"Kahit mabitin aking salita mata'y ibinubunyag na sa 'yo lang magpapaangkin, 'di palalampasin wag ka sanang kumawala... di mawawala" kanta niya nang makarating sa kinatatayuan ko.

WTF?!

'Di pinapansin, ingay sa tabi
Magulong kapaligiran, sa 'yo lang ang tingin
'Di pinapansin, ako'y paiikutin
Nang dahan-dahan lang sa gitna man ng daan

Nagpatuloy ang musika

Pinanlisikan ko ng mata si Carlo nang makita ko na pati teacher ay kasabwat nito! Lahat sila naghihiyawan maliban sa akin na nakasimangot.

Kala mo talaga walang mga galit sa akin!

"For you..." May inabot siya sa akin na bouquet. Tulips yon, favorite ko. Gusto ko man kunin pero naalala ko ang sabi ni Leo na magiging ligtas ako kapag hindi ko ito pinansin.

"Stop. This. Bullcrap." seryosong sabi ko at ngumiti lang siya "I'm sorry" nakayukong sabi nito

"School is a place to learn, not a place to fling people around." dagdag ko nang titigan ko siya sa mata at sabay na umalis.

Pumunta ako sa Office ng SSG at doon nalang muna nagpalipas ng oras.

"Ms. President, May gusto pong kumausap sa inyo." sabi ng Protocol Officer, Si Noviern Queca. Tumango ako at bumuntong hininga.

Nakita ko si Carlo. "What?" seryosong sabi ko habang pinapanood siyang umupo sa harap ko

"Look, i'm so sorry. I hope you'd forgive me. Yeah, i get it. Not a romatic person. I promise it wont happen again." marahang sabi niya habang tumitingin sa aking mga mata.

Nanatiling seryoso ang aking mukha at walang bakas ng pagpapatawad dito.

"Fine, but as your punishment. Ikaw ang mag-aayos ng library for 1 week. Gusto ko arranged ito by its genre at alphabetically arranged ang pangalan ng mga author" seryosong sabi ko sakaniya at ngumiti ito.

Nagulat ako sa reaksiyon niya, akala ko mag-rereklamo siya dahil sa parusa ko pero hindi.

"Are we clear?" seryosong tanong ko "Yes my love, you can count on me." pagmamayabang niya, ngunit tumaas ang kilay ko sa narinig ko "I m-mean Pres." ngumisi siya at kinindatan ako

Nakakadiri!

"Lumayas ka na sa harapan ko." Sabi ko naman sakaniya at niligpit ang mga papeles ko sa lamesa.

"Wait, yung kasama mo yesterday, is he your boyfriend?" nakataas kilay na tanong niya sa akin "Anong pakialam mo?" agad na sagot ko sakaniya "Ano nga?" kinilabutan ako nang ilapit niya ang sarili sa akin habang nakatayo siya sa harapan ko at nagkasalubong ang mapungay niyang mata sa mata ko

"Ano naman sayo kung mayroon? Wala ka ng pake doon." agad na sabi ko at lalong tumalim ang tingin sa akin na tila nawala rin naman agad

"Well, kung mayroon, edi... Aagawin kita sakaniya Jaile." nakangiti ito at inilapit niya pa ang mukha niya sa akin

"Trust me, You will be mine someday, Darling."

Dagdag niya at saka umalis.


...

Truth Deceived Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon