XXI

7 2 13
                                    

Driving
...

It was Hanna, my friend sa former school ko.

"Fuck, man." bumuntong hininga si Heiron at nilabas ang phone niya para ipa-investigate si Hanna.

I closed my eyes

"Iglip muna ako te, hindi ko na kasi keri." pinagsabihan ko si Heiron na sa harap ko habang nag tatype siya sa phone niya, nakita ko siyang tumango kaya naman itinihaya ko na ang ulo ko doon sa swivel chair ko.

---

"Hey." ramdam kong tapik sa balikat ko, onti-onti kong binuksan ang mata ko para makita kung sino ang nasa harapan ko. Hinanap ko si Heiron para i check kung andito paba siya, kaso nabigo ako.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong niya, tila bakas na bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Matt..." inayos ko ang upo ko nang dumilat ang mata ko nang dahan-dahan. "What happened? it is already 2pm. Dapat nagpahinga ka nalang sa bahay. I'll take you home. Come on, pack up." marahang sermon niya pero bakit ganito? tila kinikiliti ang lamang loob ko? bakit ako kinikilig?

Sinampal ko ang sarili ko para magising sa katotohanan nang makita ako ni Mateo at nagtaka siya sa inasta ko.

"I'll pack your things up. We are going home." kuha niya sa bag ko at sinimulang ilagay don ang gamit na nasa mesa ko.

pero bakit 'we' ? hindi ba nito alam na binabaliw na niya ako? Hindi ko naman inaasahan na ganito ang mangyayari sa nararamdaman namin.

Nasaan ba si Noviern? bakit mula kanina hindi ko pa siya nakikita? Hindi ako sanay na hindi niya ako sinisigawan mula sa labas para ipaalam na may tao roon.

Pero anyways, tinulungan ko nalang si Mateo na iligpit ang mga papeles na nakakalat. Baka siguro hindi pumasok si Viern.

"Hindi mo na ako kailangan i-hatid. I can handle myself." seryosong sabi ko nang napatingin sa akin si Matt.

"In that state?" he chuckled habang papunta sa gawi ko "Oo bakit? Who are you? Vice President ka lang naman dito diba? Bakit ka ba nagpapaalipin sa akin?" sunod sunod na tanong ko

"Who am i?" he grinned at nilapit ang mukha niya sa akin "Ako lang naman to, yung nakatabi't kayakap mo sa higaan." kumindat siya at napangiwi ako sa inasta niya

"Hey! Excuse me? I was scared that day okay? No malice." inirapan ko siya kaso patuloy lang siyang tumawa

"Oh really?" taas kilay na sabi niya "If that's the case, natatakot din ako mag-isa mamaya. Can you sleep with me?" pangagasar pa nito at agad ko naman siyang hinampas "Pervert!" sigaw ko

"No, You are the pervert here." sagot nito at nangigigil na ako "Okay, chill." pinatigil niya ako dahil papalapit na ako sakaniya para batukan siya.

"Let's go?" tanong nito "Ako na nga mag-isa diba." masungit na sabi ko nang hablutin ko ang bag ko sakaniya

"No." hinila niya ang kamay ko papalabas doon at nakita ko ang mga studyante na nakatingin sa amin.

"Oh my god..."

"Are they official?"

"Mag jowa na?"

"Paano naman si Carlo?"

"What the fuck?"

Narinig ko ang mga sinabi nila at nakita kong pinanlisikan ng mata ni Mateo ang mga ito base sa resksiyon nila. Kami lang naman ang nanlilisik ng mata rito eh.

"Why'd you do that?" salubong kilay na tanong ko sakaniya nang humarap siya sa akin dahil tumigil ako.

"Just because." maikling sabi nito at nagpatuloy na hilahin ako.

We arrived at the parking, pinagbuksan ako ni Mateo sa shotgun seat ng BMW niya na kulay pula.

"So, why dont you accept my help? Im just concerned, Jaile. It is okay maging soft sometimes." panguna nito nang napaupo na sa driver's seat.

"Ano naman pake mo don?" iritang tanong ko

"I mean, i just want to see your soft side or personality, the true you. Where all these coldness and pressure of yours will foster lalo na when it comes to academic performances, at saka narin sa pagiging hardworking mo." marahang sagot niya nang humarap sa gawi ko.

Bumuntong hininga ako "My Mother said that, be the strongest woman that no one could raise voice against you. Be so powerful along with wealth that anyone's mouth would be shut." suko ko sakaniya at napangiti siya

"Our mom said, be the strongest, not the coldest." sagot nito

"Huh? anong our mama? hindi kita kapatid no, yuck."

"Well, not a sibling. But a future husband." kinindatan ako nito at itinuon na ang atensyon sa pagpapaandar ng makina.

---

"Thank you." sabi ko sa gitna ng katahimikan sa loob ng kotse niya. Kita ko ang pagkagulat niya "For?" nagtatakang tanong niya

"For being the person i feel safe with." diretchong sabi ko. Ano bang pinagsasabi ko? bakit parang wala nang filter tong bibig ko?

"What?" nilapit niya pa ang sarili niya sa sakin pero sa kalsada parin siya nakatuon

"I feel safe with you."

"What?" alam kong nang-aasar lang ito dahil gusto niyang paulit-ulit kong banggitin yon

"Wala putangina sabi ko I FUCKING HATE YOU!" Inis na sabi ko at natawa siya. "I love you." rinig kong sabi nito kahit mahina kaya naman pinaulit ko sakaniya

"Huh?" natatawang sabi ko "The fuck are you saying?" dagdag ko

"Nothing din, i hate you sabi ko." pag ganti namn nito at agad akong natawa

Ang childish! alam ko namang sinabi niya na mahal niya ako no!

---

"Thank you for driving me home." pagpapasalamat ko naman sakaniya nang makarating kami sa tapat ng bahay namin

"No, thank you for driving." sabi naman nito at naging sanhi ng pagtaka ko, anong pinagsasabi nito? e, hindi nga ako nag drive.

"What?"

"Driving me crazy." natawa siya sa sinabi niya

at

unang beses ko ngumiti sa ganoong joke.

"What the fuck?" nakangiting sabi ko at bumaba siya ng sasakyan para ipagbukas ako ng pinto.

"Ingat ka sa pagmamaneho, Mateo." pamamaalam ko sakaniya nang isara niya ang pintuan ng kotse niya.

Tumango siya at pumasok sa sasakyan niya na naka roll down ang window

"Of course, I will. I love you, Jaile."

Sabi nito at ni-roll up na ang window kaya hindi na ako nakapagsalita pa. Pinailaw niya ang signal light niya nang tatlong beses bago umalis.



...

Truth Deceived Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon