XII

11 3 5
                                    

Banta
...

Yinakap ko si Leo at humagulgol sa matigas niyang dibdib, buti nalang kasi na nandoon siya kundi baka mas malala pa sa kapit ang gawin niya sa akin.

Ilang beses ko siya dinemanda kaso laging na d-dismiss. Siguro may koneksyon siya sa korte kaya ganoon ang nangyayari.

"Tahan na Jai, andito na ako." Marahang sabi ni Leo habang hinahaplos ang likod ko.

Bumitiw ako sa pagkakayakap sakaniya dahil nasa gitna kami ng daan, sinabi ko rin sakaniya kung saan ako pupunta.

"What?! Kailan pa?" Gulat na tanong ni Leo nang sinabi ko sakaniya ang nangyari kay Avhen. "Kagabi." sagot ko naman dito.

"Dadalaw ako!" aya niya agad

"AY WAG!" Agad na pigil ko sakaniya at nangunot ang noo niya

"K-kasi sabi ni Avhen di daw siya tumatanggap ng bisita." dagdag ko naman at pumanatag ang loob niya.

"Sige ihahatid nalang kita doon baka nag aantay lang somewhere yang baliw mong ex!" aya niya naman at tumango ako

---

"Wag kang lalabas na walang kasama!" bilin niya sa akin mula sa pinto bago umalis, tumango naman ako.

Nagtaka sila Russel bakit hinatid ako ni Leo dito kaya naman agad agad akong nagpaliwanag sakanila.

"HA?! PUTANG-INA TALAGA NIYANG CALEB NAYAN!" Nag-init agad ang ulo ni Russel at naging aligaga

"OH MY GOD! WHAT THE FUCK? NANGGIGIGIL AKO JAN HA PANGIT NA NGA GANYAN PA UGALI?" Agad naman na sabi ni Avhen tila nanggigigil kahit may dextrose

"Kalma kayo baka mapano kayo." agad naman na sita ko sakanila.

"Nako Jaile sinasabi ko talaga sayo, pag nagkrus ang landas namin niyang Caleb na yan hindi ko alam magagawa ko jan." seryosong sabi naman ni Heiron na nakikinig pala mula sa banyo.

Lumipas ang oras na nagkwekwentuhan sila kaya naman nakatulog na ako agad kahit 7pm palang.

Naalimpungatan naman ako nang maramdaman kong may katabi ako sa sofa bed pero may harang ng unan sa gitna.

Si Heiron pala, tapos yung nasa kabilang dulo ay si Russel. Bumuntong hininga ako kasi ang ingay niyang humilik! sarap sampalin. Mas maingay pa sa makina ng mga nakasalampak kay Avhen e!

Pinilit ko matulog ulit ngunit nag beep ang phone ko. Kita ko naman ang messages

From Unknown number:

"May mamamatay na kakilala mo ngayon. Kaso mababalitaan mo ito bukas. Ginawa niya ito dahil mahal ka niya. Kaya mag ingat ka."

Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga, sino ang mamamatay sa oras na ito? Ano bang pinagsasabi nito?

Wrong send lang ata

To Unknown:

"Wrong send ka po ata ate/kuya or WhateverYourPronounIs."

Agad naman ito nag reply pagkasend ng message ko

From Unknown Number:
"Hindi, Jaile. Ms, Jaile Liu Fernandez, para sayo ito. Ang taong gagawa nito ay gusto lang ipaalam sa iyo na mahal na mahal ka niya."

Nagulat ako, akin nga talaga!

Alam niya ang pangalan ko, ay hindi lang pangalan, kundi buong pangalan!

Wala akong maisip na sasangkot sa ganitong krimen kaya naman agad kong ginising si Heiron at Russel.

Ilang minuto pa bago sila mahimasmasan mula sa pagkakatulog. Kinausap ko lang sila noong gising na talaga ang diwa nila

Ipinakita ko sakanila ang message sa akin at natulala sila dito.

Ilang minuto pa bago sila nakapagsalita ulit. "S-sino to?" nagtatakang tanong ni Heiron

"Gago unknown nga diba edi sana hindi na tayo ginising ni Jaile kung kilala kung sino yan." agad naman na sabi ni Russel

"Oo nga no" sabi niya naman nang marealize niya ang katangahan niya

"Eh sino nag uutos?" tanong naman ni Russel na binatukan ni Heiron "

Gago ka rin eh unknown nga diba edi sana di ko na tinanong kung alam natin." pambara naman nito sakaniya at napakamot sa batok si Russel

Napailing ako dahil sa katangahan nilang dalawa pero di ko parin magawa mapayapa ang loob ko nagtataka ako kung sino mag babalak ng ganito para sa akin.

Isang mamamatay tao ang may gusto sa akin kaya hindi rin malabo na patayin niya ako kapag hindi niya napanalo ang puso ko.

"Ipapatrace ko yan bukas." sabi naman ni Heiron dahil abogado ang tatay niya kaya marami siyang alam na puwedeng gawin sa mga kasong tulad nito

Tumango ako at yinakap nila akong dalawa para pakalmahin.


...

Truth Deceived Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon