It Starts Now.
...Nakatanggap ako ng tawag mula kay Dk kinabukasan bago ako pumasok kaya naman sinagot ko.
"Hello?" pauna ko.
"Jaile! Kain tayo!" masayang aya naman nito
"Ha? may pasok ako eh" agad naman na sabi ko
"Pupunta ako sa school dun nalang tayo kain kasi bawal ka rin after diba? kasi babantayan mo si Avhen?" sabi naman niya at napangisi ako
"Sige na nga, naneto ni ante." sabi ko naman sakaniya habang nakangiti
"Okay! See you!" binaba niya ang call
---
Umalis ako ng Phil Med at pumara na ng jeep para makapunta ng school.
"Hi bessy! Good morning!" Masayang bati sa akin ni Andrea habang kasama si Charlene at Lurie
"Hi Pres!" Bati naman ni Lurie
"Black nanaman suot mo Jaile ah" pansin naman ni Charlene
May special uniform kasi ako dito at black uniform ko, tapos naka civilian naman ako na black shirt na may print sa likod ng logo ng school namin.
Tumawa ako at binati sila pabalik at sumunod naman sila sa likod ko nang pumunta ako ng office dahil may 30 minutes pa ako para makapag-ayos.
"Mhiema!" agad namang hiyaw ko nang makita ko si Dk na nakaupo sa loob ng office.
Tumayo siya at yinakap ako "May dala akong food, tara kain tayo!" aya naman niya habang sa akin nakatingin
Bumaling ang tingin niya sa mga nasa likod ko "Kayo, get yourselves something sa cafeteria sabihin niyo sabi ko at ako ang magbabayad before i leave." seryosong sabi nito at narinig ko naman na excited sila Andrea
"So...." Panimula ko naman nang umupo sa sofa. Bumalik siya sa sofa na nasa harap ko at may coffee table naman naman sa pagitan namin.
Idinistribute niya ang pagkain na dala niya "California Maki and Cheesy Katsudon! Your faveeee! with Red Tea." Nakangiti niyang sabi dahil alam niya na iyon ang favorite ko.
"Uy salamat ha, kagabi pa ako di kumakain eh nakatulog kasi ako agad." sabi ko naman dito
"Ay ganun, buti nalang naisipan ko pala magdala." Sabi niya habang binubuksan ang Beef Teriyaki Gyudon niya.
Tumango ako at sinimulan na kumain
"Sarap putangina!" Napamura ako sa sarap kasi favorite ko talaga to."Ay Dk, Look may nag message sa akin. Natatakot ako." Pinakita ko sakaniya ang message dahil nagtaka siya
"Sino kaya tong gago na ito?" Galit na sabi niya
"Sino ba mga kilala mong may gusto sayo?" agad namang tanong niya
"H-hindi ko alam te eh, well meron si Carlo yung kaklase ko kaso alam ko namang pinagtritripan niya lang ako." Nakangusong sabi ko
Natulala siya sa juice niya at malalim ang iniisip.
Ano kaya iniisip nito?
"Pero wag ka na mag-alala, ipapatrace na iyan ni Heiron ngayon." Nakangiting sabi ko naman sakaniya at tumango
"Okay, kapag nalaman kung sino just tell me, i'll see him in court." Seryoso at masungit niyang sabi.
Nakakatakot talaga pag nagsasalita siya ng ganito. Kaya yari talaga yang nanggugulo sa akin.
Kumain kami at nagkwentuhan sa loob ng 20 minutes
"President!" Bati ni Noviern nang pumasok siya sa office. "Oh PresidentS pala" binago niya agad nang makita niya sa Dk.
"Hello man, long time no see!" Yinakap siya ni Dk at nagkwentuhan saglit.
Nagtatawanan silang dalawa nang makatanggap ako ng tawag mula sa unknown number.
Nag dadalawang isip ako kung sasagutin ko o hindi kaya hindi ko sinagot.
Kaso...
Tumawag ulit.
Sinagot ko.
"Jaile, aking mahal. Hindi ko kayang mamuhay na may karibal. Kaya pasensya ka na kung masasaktan kita sa ginawa ko. Yan ang ipinapasabi niya sa iyo. Miss Jaile." in a disguised voice. Alam kong may gadget siya para maging ganon ang boses niya sa call
Agad ko namang binaba iyon at ano ba yung sinasabi niya na ginawa niya? Sino ba kasi to? Natatakot na ako at ang balahibo ko sa katawan ay nagsisitaasan na.
Tulala ako nang mag ring ang bell.
"Jaile? okag ka lang? bell na. Hindi ka pa pupunta sa room niyo?" Agad akong natauhan nang lumapit sa akin si Dk at nakipag-usap. Agad akong tumango dahil baka malate pa ako sa subject na iyon.
Nakapunta ako sa room nang magkumpol-kumpol sila.
Agad naman akong nagtaka.
Anong mayroon?
Kaya naman lumapit ako sa kanila upang maki-balita kung anong meron.
Nanghina ako sa nabasa ko at nakita ko, napaluhod ako nang mapukaw ko ang atensyon nila,
"Pres?"
"Pres!"
"Bakit Pres?!"
"Babu! Bakit?"
"President?"
Naririnig ko sa paligid nang maluha ako habang nakaluhod
P-
P-patay
P-patay na
S-si
Agos nang agos ang luha ko nang mag sink in sa akin kung anong nangyayari
Para akong nahulog sa bangin at hindi ako makaakyat mula sa baba
Dinagdagan nito ang tinik sa aking puso pero ngayon ay mas mahapdi, mas masakit.
Solomon.
Patay na si Solomon.
Suicide ang ikinamatay ayon sa mga report at article.
...
BINABASA MO ANG
Truth Deceived
Mystery / ThrillerTears frequently drip from our eyes. What if the tears were replaced with blood? Love kills us, but fate allows us to feel linked. But why be confused? hurt? and suffer? Does it actually damage us? or not? Do you think Jaile Fernandez would survive...