XXVII

4 2 0
                                    

Precint
...

Kinabukasan ay pumunta na ako ng presinto, iniwan ko muna si Matt sa unit niya at andoon naman si Leo para bantayan siya.

Kasama ko si Heiron at nakita kong nakaupo si Dyzal at Russel sa chief's desk for questioning.

Nakatingin lang ako sakanila habang pinaglalaban ang mga ebidensyang tinuturo sila. Ngunit hindi ko mawari, anong mga ebidensya ba iyon?

"Anong ebidensya ba yung sinasabi mo Heiron? Naguguluhan na ako." nagtatakang tanong ko naman kay Heiron na nakaupo sa gilid ko.

"Nakuhaan ng CCTV footage ang hallway kung saan nakitang tinulak ni Carlo si Carl...

Namataan si Noviern na tumakbo papuntang hagdan matapos makaalis si Carlo sa building na iyon...

Makalipas ang ilang minuto ay dumaan si Dyzal, hindi naman suspicious ang galaw niya roon dahil normal siyang naglalakad habang may kausap sa telepono niya...

Hinahaunting na namin si Noviern noong isang araw palang para malaman ang side niya sa naturang krimen at kung sangkot ba siya roon...

Ngunit nakita nalang siyang walang buhay...

Na-trace rin ang sender ng death message at naka address ang iba dito sa bahay ni Russel."

Tumango ako sa mga sinabi niya "Teka... Yung about dito pinabigay ko sayo ah? bakit hindi mo pa alam?" nagtatakang tanong naman nito

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya

"Yung pinabigay ko kay Leo na envelope! Naroon lahat ng ebidensya, Jaile. Pati yung kay Iyah at Caleb." nag-aalalang sabi niya

"Naka'y Leo pa, hayaan mo at mamaya ay kukuhain ko sakaniya." mahinhin na sabi ko rito

"Pero ang natatandaan ko e, bank check lang naman laman noon." dagdag ko at nagulat si Heiron

"HUH?" laking matang tanong niya

"Sabi ni Leo ay nakita mo raw iyon sa drawer ni Noviern sa office." dagdag ko

"Oo pero nilagay ko rin doon ang ibang ebidensya." nag-aalalang sambit niya

"Sige, mamaya tatanungin ko si Leo."

-

"Yes, Chief." tumayo ako at agarang tanong ko nang lumapit sa akin ang Chief Officer.

"Ms. Fernandez, according to sir Russel, wala siyang alam tungkol sa pagsesent ng messages at handa siyang pa imbestigahan siya hanggang luminis ang pangalan niya. Wala ring namataan na ibang gadyet sa bahay nito. Kay sir Dyzal naman, hindi raw niya alam na may nangyaring insidente sa area na yon at ang rason niya ay pumunta siya ng admin office para kuhain ang mga papeles niya para sa DLHS."

Huminga ako nang malalim sa mga naririnig ko.

"For now, babantayan ng pulisya ang kilos ng dalawang ito." sabay tingin kina Russel at Dyzal.

Nang umalis ang pulis ay agad na tumakbo papalapit sa akin si Russel.

"Jaile, Jaile... Hindi ko magagawa sa iyo yun promise..." nakaluhod ito sa harapan ko at umiiyak "Lahat ng pag imbestiga ay gawin niyo na sa akin para mapatunayan ko na hindi kita kayang saktan, Jaile." hagulgol nito habang nakayuko.

"Shhh..." inalalayan ko siyang tumayo dahil ayoko siyang nakikitang nakaluhod at umiiyak sa harapan ko "Huwag ka mag-alala ha, hanggat hindi nila napapatunayan na may kinalaman ka rito, maayos padin tayo ah." yinakap ko siya at umiyak siya sa balikat ko.

"Wag ka na umiyak, alam kong mabait kang tao." hinimas ko ang likuran niya at para siya'y tumahan na.

Nabaling ang tingin ko kay Dyzal na nakatingin sa amin at tumayo...

"Im innocent bruh." simpatikong sagot nito
"Malay ko bang doon pala nahulog si Carl, hindi ko naman alam e hindi naman humingi ng tulong. Kung humingi ng tulong yon edi sana ako pa tumawag sa ambulansya diba." dagdag nito

"Tanga ka pala e, paano mo maririnig hingi ng tulong non e 4th floor ang taas mo. Hindi na rin makakasigaw yon dahil sa damage. Ikaw kaya mahulog sa 4th floor tapos acting normal ka parin? Mag-isip ka nga." masungit na sabi ni Heiron kay Dyzal at nakita kong nanlilisik ang mata nila sa isa't isa.

Umalis na kami roon, at dadalawin ko si Carl sa ospital.

Kasama ko parin si Heiron

"Good afternoon, Tita." mahinhin sabi ko nang buksan ko nang marahan ang pinto ng kwarto ni Carl.

And I saw him awake now.

"Anak..." sinalubong ako ng bisig ng mama ni Carl "Si Heiron po, kaibigan ko." pakilala ko naman at nagmano si Heiron sakaniya.

Pumunta ako agad kay Carl nang makita ko siyang nakangiti.

"Kamusta ka?" nag-aalalang tanong ko.

"Ito, natakasan si kamatayan." pang-bibiro
pa nito.

"Wag ka mag-alala ha, hindi na ito mangyayari pa uli sayo. I'm sorry." hinila ni Carl ang kamay ko para yumakap kaya naman yinakap ko rin siya.

"Wala kang kasalanan, Jaile." sabi nito at hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Huwag ka na umiyak." pinunasan niya ang luhang tumulo sa pisngi ko gamit ang daliri niya.

"Tsaka nga pala, may dala akong prutas, kainin mo yun ha para mabilis kang gumaling." bilin ko sakanya.

"Mauuna na ako..." malambing na sabi ko at tumango siya

"Goodbye, Jaile." marahang sabi niya bago ako tumayo sa kinauupuan ko at binigyan ko siya ng maliit na ngiti.

"Tita, mauna na po ako at aasikasuhin ko pa po iyong kaso ng bestfriend ko. Ingat po kayo rito ha." yinakap ko ang mama niya at tumango ito "O siya sige anak, mag-iingat kayo."

Paano na kaya ang paaralan namin? Ilang araw na iyon suspended kaya bukas ay kailangan kong pumasok roon kahit half day lamang. Baka mahuli sa lessons ang mga estudyante.

-

Nakasalubong ko si Andrea sa lobby ng ospital pagkababa namin, "Ate!" tumakbo ito sa gawi ko at yinakap ako.

"Bibisita ka kay Carl?" tanong ko dito at nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Huh?" paulit nito

"Bakit? Hindi ba?" dagdag ko

"Pumunta ako rito para kay Raymond, binugbog siya nung isang gabi." Nanlaki naman ang mata ko "Ayos na ba siya?" alalang tanong ko rito

"Hindi parin siya gumigising eh." malungkot na sabi ni Andrea.

"Sino raw ang may gawa non?" nagtataka kong tanong "Hindi raw namataan ni Raven at sobrang dilim daw noon. May nag text daw kay Raymond na pumunta sa kakahuyan dahil hinostage ang magulang niya. Kaya naman sinamahan niya noon pero iba ang sinapit nila. Dalawang tao lang daw ang nandoon yung isa ay naka coat at yung isa naman at naka polo lang...

Pero wag ka na mag-alala, inaasikaso na ng magulang ni Raymond ang nasapit ng anak nila." kwento sa akin ni Andrea

Nag ring bigla ang phone ko at may nagtext nanaman, kaya inopen ko iyon.

From: 6967
Enjoying your hell? You should be. Binalaan na kita una palang. He's in complete fucked up sanity, and its all because of you.

Your day will come.









...

Truth Deceived Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon