XXIX

7 2 5
                                    

Leo's Misery

...

[Leo's POV]

"HELP!"

"TAMA NA..."

"Leo..."

I was running in a place where blood was squirting everywhere, people was controlled by their rage

"WHAT DID I DO TO YOU!"

"Stop this please..."

I saw and heard someone begging their life out, a girl with long hair and uniform, while someone points a knife at her.

"Tumakbo ka na"

"TAKBO!"

Sabi ng lalaking tumutok sakaniya, nakita kong tumakbo ang babae papalayo roon...

"AHHH!" nagising ako mula sa bangungot at hinabol ko ang hininga ko. Umaga na pero maghapon akong hindi pinatahimik ng panaginip na iyon.

Habang naglalakad ay pumasok sa isip ko si Jaile, at doon ko napagtanto na kamukha niya ang babaeng nasa panaginip ko.

Hindi ko lang matandaan kung sino siya roon ngunit pakiramdam ko ay nanganganib ang buhay niya.

Hindi na ako nagdalawang isip hanapin kung saang paaralan siya lumipat kaya naman dali dali akong pumunta sa office.

Nang mabalitaan ko kung saan nag-transfer ang matalik kong kaibigan, hindi na ako nagdalawang isip na puntahan ito.

...

I arrived here at Lavara, mabigat ang pakiramdam ko rito, maluma-luma na rin ang buildings at nakakatakot ang hugis ng paaralan.

Ito ay hugis kabaong.

Nakarating ako sa quadrangle at pamilyar ito sa akin, na para bang nakapunta na ako rito kahit ito ang unang beses kong pagpunta rito.

Nang pagmasdan ang paligid, napagtanto ko na ito... ito ang lugar kung saan naganap ang bangungot ko!

Tatakbo na sana ako para umalis doon ngunit may nakita akong nakaupo sa bench. Pinagmasdan ko pa lalo at siya nga!

"Jaile!" 

Nakita ko si Jaile at nakita ko siyang malungkot, ayaw ko man dagdagan ang lungkot niya pero kailangan niya malaman ito dahil binabagabag ako nito. Kaya naman kwinento ko sakaniya ang pangyayari.


-

Pupunta ako dapat sa ospital kung saan naka-confine si Avhen dahil nabalitaan kong naaksidente ito nang makita ko sa daan na hinaharass ni Caleb si Jaile.

Hindi na ako nag-atubiling salubungin siya ng suntok ko at nang matapos ay hinatid ko si Jaile hanggang sa pinto ng unit ni Avhen.

Nalungkot ako sa sinabi na hindi raw tumatanggap si Avhen ng bisita pero ganun talaga siya e, maarte talaga.

Pauwi na sana ako nang may bumulong sa akin,

"Layuan mo si Jaile o buhay ng pamilya mo ang kikilatisin ko." pagbabanta nito.

Hindi ko makilala ang mukha dahil naka sumbrero't mask ito. Sa buhay ko ay ngayon lang ako natakot sa isang banta dahil pamilya ko ang involved dito kaya naman dumire-direcho lang ako at binilisan ang lakad.

Bakit ba ako natatakot? kakampi ko ang sansinukob.

Inaantay ko ang pulang buwan upang isagawa ang ritual at readings ko dahil mas malakas at accurate ang energy na natatanggap ko kapag dumarating ang araw na iyon.

Ginawa ko na ang dapat kong gawin, nagpaka-lay-low muna ako dahil sa bantang natanggap ko.

-

Nabalitaan kong namatay ang pinaka iniidolo ni Jaile na si Solomon at sinabing suicide ito, pero hindi ako mapayapa na para bang maling mali ito.

Kaya naman nagsagawa ako ng readings upang mapagaan ang aking nararamdaman ngunit ang resulta ng hula ay iisa lang ang pinatutunguhan.

A massacre.

Lahat na ng ritual ay ginawa ko para sa safety ni Jaile at ng mga mahal niya sa buhay.

Everything was good... I kept my distance to her... Pinapunta ko narin ng abroad ang pamilya ko kaya ako nalang ang natitira dito sa pinas at handa ko na labanan kung sino man ang nagtangka sa akin noon.

Until one day...



...

Truth Deceived Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon