Distorted Truth?
...
Pinakita ko kay Heiron ang nabasa ko at agad ko pinapalitan ang sim card ko. Pang ilang palit ko na ito ng sim card ko kaya naman nagtataka ako paano niya nalalaman.
"Bilhan nalang kita ng pager sa susunod. Para hindi nila ma-easy-access ang contacts mo." sabi ni Heiron habang nasa loob kami ng sasakyan.
Bumalik kami sa unit ni Matt at nagulat ako na naroon lahat ng kaibigan ko. Miski si Dyzal.
Pumasok ako at napatingin sila sa akin. "Anong meron?" nagtatakang tanong ko
"Jaile!" tumakbo sa akin si Avhen at yinakap ako.
"Kaya mo ito ha." pag comfort naman sa akin ni Anthony. Yinakap ako ni Laurence at Marc para pagaanin ang nararamdaman ko kahit papaano
"Bes." Bati sa akin ni Leo habang inabot ang brown envelope "Nakalimutan ko ibigay sayo ito bigla kasi akong may inasikaso kaya hindi na ako nakapagpaalam sayo" nanginginig na sabi nito na nakakapagtaka.
Tumango ako at kinuha ko naman iyon sakaniya. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sakaniya dahil hindi siya ang Leo na kilala ko!
"May napanaginipan nanaman ako Jaile..." bulong niya sa akin.
"Tungkol ito sa school niyo, ilang araw na akong binabagabag." alalang kwento niya
"I saw blood, flesh, and evil souls." dagdag niya
"It's just a dream, you must be stressed." sabi ko naman dito
"NO JAILE!" tumayo't sigaw niya na ikinagulat naman namin.
"I saw you"
"I SAW YOU!"
"Dreams must not have people with faces. Otherwise, it's a vision." seryosong dagdag niya
"I saw you, you, you, you" inisa isa niya kaming itinuro sa loob ng unit na iyon.
"I even saw myself too..." nanghihinang sambit niya at napaupo.
"Stop it! Tinatakot mo ako!" reklamo ni Avhen sakaniya.
"They died."
"ALL OF THEM DIED!"
sabi pa ni Leo.
"Stop with that shit man." seryosong pigil sakaniya ni Anthony
"Bakit third person ka magsalita? diba panaginip mo naman yon." nagtatakang tanong ni Laurence
"Oo nga, ano kami lang? hindi ka kasama? ayos ka naman pala." sabat ni Dyzal
at agad napatingin si Leo kay Dyzal.
"Bakit?" umambang tanong ni Leo
"Dont act like an angel where in fact you are the devil itself." malamlam na sabi ni Leo kay Dyzal
Inawat ni Heiron ang dalawa at dahil baka magkasakitan pa sila.
Tumatak sa isip ko ang sinabi ni Leo bago siya umalis.
Nang makaalis ang iba ay may diniscuss nanaman kami ni Heiron.
"Dont you find it fishy?" pauna ni Heiron
"I actually do."
"Its connected."
"Sabi ni Andrea diba nung isang gabi nabugbog si Raymond?...
Nung isang gabi ko rin sinabi sainyo tungkol sa bangkay ni Noviern...
Malapit lang ang kakahuyan sa villa niyo mga 5 kilometro...
At the same time umalis si Dyzal non diba? At sinabi mo sa akin na bigla ring nawala si Leo..." nagtataasan ang balahibo ko sa konklusyon niya
"Naalala mo ba ang suot ni Leo noong araw na yon?" tanong nito sa akin.
"Naka polo siya na kulay brown noon." sagot ko
At narinig kong pinitik niya ang kaniyang dila.
"Kailangan malaman to ng pulisya, dito ka lang ha. Magpapabantay ako ng pulis sa pinto para safe ka." Dali-daling umalis si Heiron para pumunta sa presinto.
Tumabi ako kay Matt "Gising na, mahal ko... nangungulila na ako sa iyo." hikbi ko habang hinahawakan ang kaniyang kamay. at nabaling ang tingin ko sa envelope na ibinigay sa akin ulit ni Leo kanina.
Binuksan ko iyon at kumpleto ang nilalaman.
Inaral ko ang ebidensya na nakalakip doon. Nakita ko ulit ang bank check ni Noviern pero bakit iba ang nararamdaman ko? parang may iba?
Umiling ako para bumalik sa katinuan ko, nang pumasok si Avhen sa unit ni Mateo.
Ilang sandali ay nararamdaman ko na ang antok at pagod "Magpahinga ka muna, Jaile. Ako na muna bahala kay Mateo mo."
Tumango naman ako at humiga na sa sofabed na naroon sa unit na yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/358791104-288-k436735.jpg)
BINABASA MO ANG
Truth Deceived
Mystery / ThrillerTears frequently drip from our eyes. What if the tears were replaced with blood? Love kills us, but fate allows us to feel linked. But why be confused? hurt? and suffer? Does it actually damage us? or not? Do you think Jaile Fernandez would survive...