Buhay bilang isang Jaile Liu Fernandez.
....NAKAKAINIS! Binuksan ko pintuan ng condo "Oh, bakit naka-simangot ka nanaman girl?" bungad na tanong ni Avhen pagka-pasok ko sa unit namin
"Nakakaistress si Mr. Manager grabe! Ngarag na ngarag na nga 'ko oh!" agad na reklamo ko sakanya, ngumisi siya na tila predicted na niya mga sinabi ko "teka, huhulaan ko dahilan. Dahil sa pagpupumilit 'no?" tanong niya habang inaayos upo niya sa high chair, nilapag ko muna bag ko sa kitchen table, sa harap niya.
"Oo! Ayoko nga ka-collab 'yon tsaka malapit na ako matapos sa album ko malapit na release oh tapos tsaka siya mag ssales-talk about sa collaboration. NO THANKS NALANG!" patuloy kong pagreklamo habang nakakunot ang ulo.
Ngumisi si Avhen at tinignan ako nang masama "Girl, what?" tinaasan ko siya ng kilay at tumawa siya bago magsalita "Nothing." Inirapan ko siya at ngumisi nanaman!
Dahil sa pagkairita ko, nilabas ko nalang Ipad ko sa bag at tinignan ko schedule ko, marami kasi akong patients sa Philippine Medical Center at may shift ako bukas ng gabi.
Ganap na flight attendant na si Avhen, si Russel at Anthony naman ay piloto na, si Heiron at Marc naman ay mga licensed attorney na. Habang kami ni Laurence ay nagtratrabaho sa iisang ospital, Nursing kasi sila habang ako nagmamasteral pa para magkaroon ako ng 'Dra.' sa pangalan ko.
Natupad na namin pangarap namin para sa sarili, pamilya, at siyempre sa isa't-isa pagkatapos namin malampasan ang bawat pagsubok na magkakasama parin.
"You know what, para di ka ma-stress jan girl LET'S DRINK! Ayain ko sila Rus." Kinindatan ako ni Vhen habang naka-ngisi
"Have you forgotten? I don't drink." Masungit na sabi ko at inirapan siya, she made a sulking face while walking towards me "Come ooooon! Its Saturday! Tsaka bukas naman ng gabi shift mo diba?" pagpupumilit niya talaga.
I took a deep breath maybe kailangan ko nga talaga magkaroon ng stress free time kahit saglit lang "Fine but promise me Avhen Aile Alvarez that you won't invite a lot of people" I glared at her as she smirked, bigla niya kinuha phone niya "Yup promise! I love you girl!" she pecked me on my cheek at tinext na nga niya sina Heiron.
My phone vibrated at nakita ko group chat namin, binuksan ko paa makita ko kung ano meron.
Avhen: Guys! Come sa condo! Let's parrrrtyyy!
Heiron: Actually papunta kami jan ni Russel. Nasa elevator na nga kami e. Haha!
Anthony: Otw.
Laurence: Finally may nag-aya rin after ng stressful week
Marc: I'm with Faye, papunta na kami jan mga te
Anthony: Luh, ano yan galing sa date???!?!?!
Laurence: AHHAHAHAHAH kayo pre ah.
Heiron: JAILE LIU FERNANDEZ YUNG PINTO KANINA PA KAMI KUMAKATOK ANO? PURO SEEN????
Nagulat ako sa nabasa ko at oo nga may kumakatok sa pinto, nagkatinginan kami ni Avhen at tumawa bago buksan "Dapat di niyo na binuksan e" sarkastikong sabi ni Russel at tumawa kami. "Bakit biglaan ang aya mga te? Buti papunta na kami dito pagtapos niyo magtext" sabi ni Heiron habang tinatanggal niya sapatos niya
"Jai, for you." May inabot sakin na paperbag si Russel at meron din si Vhen. "Taray may paganto pa!" agad na asar ko "thank you ah!" dugtong ko naman "I was at Netherlands last week, kaya ako pumunta dito is para I abot yan sa'yo." Sabi niya naman at tumango ako umupo kami sa sofa at nanood ng netflix habang inaantay sila Laurence.
---***---
"Cheers!" we made a toast at gatas ang iniinom namin, nakalimutan nila na bumili ng wine at noong andito na sila lahat, dun lang nila naalala. Stick-o, Eggnog, Cookies, Tinapay, at Pretzel mga nginangatngat namin
"So, ano 'to recess?" okray ni Marc habang naka-ngisi. Totoo naman na para kaming mga grade 1 na nagsha-share ng baon during recess.
Natawa nalang kami sa nangyari samin pero at least walang malalasing! Whenever I'm with them, kahit anong katangahan pa gawin namin sa isa't-isa, nangingibabaw parin yung kasiyahan tila pag magkakasama kami wala kaming problemang iniisip.
Whenever I'm with them, I'm at ease.
BINABASA MO ANG
Truth Deceived
Misteri / ThrillerTears frequently drip from our eyes. What if the tears were replaced with blood? Love kills us, but fate allows us to feel linked. But why be confused? hurt? and suffer? Does it actually damage us? or not? Do you think Jaile Fernandez would survive...